Chapter 6

6.8K 188 15
                                    

Chapter 6

MIA

Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Hindi ko pa naimumulat ang mga mata ko pero ramdam ko na ang pagsakit ng aking ulo. I stretched my arm, trying to reach my phone on the side table and turned my alarm off. I let out a sound and pulled my comforter that's covering my whole body.

"Too cold." Bulong ko sa sarili ko at mas lalo pang isiniksik ang sarili ko sa kumot. Ilang sandali pa bago ko ulit makuha ang tulog ko ng tumunog ulit ang cellphone ko. Napamura ako at kinuha ito, tumatawag pala si Jenny.

I swiped it to answer. "Let me sleep." I said.

"Wow." Sagot nito sa kabilang linya at napatawa ng mahina. "Idiot. Sige matulog ka lang sa kung saang kama ka nakahiga ngayon. Gaga, nakuha mo pang matulog ng mahimbig." Sermon nito kaya napakamot ako ng ulo habang nakapikit pa.

"Ano na naman, Jennieca?" I asked in a sleepy voice. Bwisit. Umagang-umaga sinisira na naman niya ang araw ko. Palibhasa, wala si Gray ngayon kaya malaya 'yang mangbadtrip.

"Anong ano na naman? Nasaan ka ngayon? Saan ka umuwi kagabi? Sinong kasama mo? Tanga magmulat ka nga!" Napipikong sabi nito. Tinawanan ko lang siya at napilitan na akong naupo sa kama ko habang nagkakamot pa ng ulo.

"Bobo ka ba? Siyempre, kasama ko si Chester kagabi. Hinatid pa nga niya ako sa bahay 'dba? Hindi ko na lang kasi kayo ginising dahil madaling---" Napatigil ako sa pagsasalita ng wala akong maalala sa pinagsasabi ko. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Narinig ko pa ang pagtawa ni Jenny sa kabilang linya.

"Nasa earth ka na ba ulit?" She asked. Napatingin ako sa paligid pero hindi pamilyar sa'akin itong kwarto na 'to. Shades of blue ang pintura kaya alam ko na lalaki ang nagdala sa'akin dito.

"Jenny..." I called. Nagsimulang manginig ang boses ko. "Jennieca, hindi...hindi ko alam kung kaninong bahay ako natulog." I can feel my hands began to tremble. Pilit kong inalala kung ano at sino ang huli kong nakasama pero si Chester ang tanging nasa isipan ko.

Hindi ito kwarto ni Chester. He's a man but he doesn't like blue. Napalunok ako ng ilang beses at napatingin sa katawan ko. Ang huling naaalala kong suot ko ay crop top at palda. Pero napasinghap ako ng nakapajama na ako at nakasando.

"What happened?" I asked. "Jenny...I don't know what happened. Sunduin mo ako dito." Pakiusap ko at napapikit lang.

Napahawak ako sa bandang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito. Alam ko na nakalimutan at nalagpasan ko na ang trauma ko tungkol sa mga ganito pero iba kasi kapag alam kong wala akong mahingian ng tulong. Wala sa tabi ko sina Nadie at Jenny, wala din dito si Chester. Ayokong isipin ang nangyari noong nakidnap ako ng baliw na ex-boyfriend ni Ate Aira pero parang unti-unti itong bumabalik sa isipan ko.

"Jennieca..."

"Relax. I got you." She said. "Nasa isang subdivision ka ngayon. I don't think someone kidnapped you. Mahigpit ang security diyan eh."

Humigpit ang hawak ko sa kumot at pinigilang maiyak. "Can you still hear me?" Jenny said again.

"Yes. Kunin mo ako dito, Jen. I don't think I can properly walk." Pag-aamin ko. "Natatakot akong makita ang mga nasa labas ng kwartong ito." Tumulo ang luha ko pero agad ko itong pinunasan.

"I will. Hintayin ko lang ako diyan. Kung kaya mong maglakad papunta sa pintuan, gawin mo at ilock mo 'yun. I'll be there in twenty minutes." Paalam nito. Kahit pa nanginginig ang buong katawan ko ay tumayo ako at ginawa ang binilin niya. Pagka-lock ko ng pintuan ay tumakbo ako pabalik ng kama saka naupo sa isang sulok.

I stayed silent as I tried to remember what really happened last night. I remember thanking Chester, we also had serious talks. We kissed.

I kissed him!

Mesmerized with Desire(#7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon