Chapter 35
MIA
Ika-apat na araw na namin ngayon dito at pwede na kaming umuwi mamaya. Tapos na rin lahat ng gagawin namin dahil hindi na kami pumunta sa isang location dahil biglang bumuhos ang ulan kanina. Mahina lang naman pero medyo dumulas na ang daanan namin kaya nagpasya kaming hindi na ituloy.
"May shortcut na din sana doon papunta sa highway pero nakasara ma'am. Daanan kasi ng mga tumatakas noon kaya pinasara na ng gobyerno." Sabi ng driver namin sa'akin habang nagpapahinga kami.
Napatingin ako sa paligid. Kung tatakas ka nga, pwede dito. Hindi naman masyadong mataas itong bundok at kaya pa ng sasakyan kapag kaya mong kontrolin. Boundary na rin ito ng dalawang probinsya. Marami ding mga halaman na siyang pinagkukunan ng mga tao sa baba ng kanilang kabuhayan.
"Safety first tayo, Kuya. Ayoko rin namang ipusta natin ang mga buhay natin. Maiintindihan naman nila tayo dahil ganoon din ang ginagawa namin noon sa America." Sagot ko rito at nginitian siya.
"Pero noong ginagawa ko itong research, may nakita akong article tungkol sa anak ng dating mayor dito." Sabat ng isang researcher namin kaya napabaling kami sa kanya. "Kaya daw pinasara 'yan, dahil diyan naaksidente ang anak nito. Magulo ang kaso pero ibinibintang lahat sa nobyo ng kanyang anak. May iba din na nagsasabing hindi magagawa ng lalaki 'yun."
"Eh nasaan ang lalaki? Ang anak ng dating mayor?" One of us asked.
"Wala. Hindi ko na nabasa. Mukhang tinaggal lahat sa internet. Basta ang alam ko lang ay unica hija si ate girl at ma-rich naman itong si boy. Iyon na." Nagpabuga ng hangin ang mga kasama namin at tinignan ng masama ang nagkwento.
"Researcher ka pero kulang kulang. Sana naman kinalkal mo na lahat para buo!" Reklamo ng isa sa mga under kay Jenny. Napangiti ako ng palihim dahil lahat ng pwedeng ipasa ni Jen sa mga kasamahan niya, 'yung maldita side pa nito ang nakukuha nila.
"Hindi na 'yun kasama sa trabaho natin noh." Malditang sagot naman ng isa mula sa team ko.
Jen and I both looked at each and just shrugged. Mukhang pareho kami ng napansin at naiisip. Napatingin ako sa relo ko at may thirty minutes pa kami dito dahil hinihintay namin ang dalawang driver.
May tatlo kaming bagong miyembro sa team at kahit na isang linggo na silang nagtratrabaho sa lab, napansin ko kaninang medyo mahiyain pa ang mga ito. I looked at Jenny again and gave those new a sideway glance. Sa America kasi dati, pinagkukwento kami kapag naghihintay na kami ng sasakyan pabalik sa opisina nami.
Nakuha naman ni Jen ang ibig kong sabihin kaya naupo ito sa may gitna at tinawag kaming lahat. We formed into a circle, like we're in a camping group.
"We still have thirty minutes here. Sa Amerika noon, kapag may oras pa kami...tinatanong namin ang mga bago sa grupo ng kung ano-ano para mas makilala pa namin sila." She started. Nakita ko ang pagsulyap ng lahat sa tatlong bago.
"We always remove our titles during those times so we could open up wholeheartedly. Gusto ko din na ganon ang gawin natin ngayon." I butted in.
Tinaas ni Jen ang kamay sa ere. "But, it really bores me so let me give it some twist. Ako na lang ang magtatanong. Si Jasmin muna ang una." Dire-diretso nitong sabi saka tinuro ang nasa gilid niya.
Nagulat naman ito pero ngumiti din. "Sige po, ma'am."
"Mahal mo o mahal ka?" We all paused for a moment. Napatingin kaming lahat kay Jenny pero hindi pala talaga siya nagjo-joke. Nakataas ang dalawang kilay ni Jasmin sa kanya pero natauhan din ng tumango si Jen.
"I know my worth kaya mahal ako." Jasmin confidently answered. "Ba't ako maghahabol eh may nagmamahal pala sa'akin? You know ma'am Jen, you can always learn how to love someone. Lalo na kapag punong-puno ito ng efforts." She added with her dreamy eyes.
BINABASA MO ANG
Mesmerized with Desire(#7)
Genel KurguDesire Series #7 Jamia Arabelle William's and Ace Stefan Herminihildo Estrella's story. "Sa bawat tao na nagsabi na iiwan mo ako, iniisip ko na may tiwala akong ibinigay sa'yo. I don't wanna conclude things that's not came directly from your mouth."...