Chapter 18
MIA
Alas siyete na kaming nakauwi dahil pinasyal pa namin ang mga bata sa mall kanina. Pambawi daw ni Ash sa pamangkin dahil sa nangyari. Good thing Ysa's here that made her back to normal. Sa kulit at ingay ni Ysa kanina ay hindi namin maiwasang hindi tumawa ng malakas.
"Oh, nandito na kayo?" Sabay kaming bumaling ni Ash sa may pinto at nakita ko si Ate na nakatayo doon. "Tulog na ba?" Sinilip niya ang mga bata na mahimbing ng natutulog.
"Dito na lang sila. Kasya naman kami." I told her. She just nodded and turned her back again.
"Kukuha lang ako ng pamalit nila." She said. Maglalakad na ulit si Ate ng balingan niya ulit ako. "Nga pala, nasa may pool si Chester. Hinahanap ka." She smiled at me.
I automatically looked at Ash for no reason. Napatingin din naman ito sa'akin at ngumiti ng tipid.
"Thank you sa oras mo ngayon. Mauuna na din ako." Paalam nito saka nagpaalam din kay Ate. Tumango-tango lang ang kapatid ko. Nauna na ring naglakad si Ash at ng masigurado ni Ate na nakalayo na ito ay lumapit siya sa'akin at umabrisete.
"Para kang nagchi-cheat 'noh?" Nakangisi niyang sabi sa'akin. Sinimangutan ko lang ito at inilayo ang katawan ko.
"Hindi 'noh. Kaibigan ko sila pareho." Sagot ko pero alam kong nakikita niyang labas sa ilong. Tumawa ito at napailing.
"Ay huwag mo akong turuan diyan, Mia ha. Si Ash, nahihiya lang 'yan pero sige, ipapahiram ko muna ang maganda kong anak para may quality time kayo. Si Chester naman, ipapahiram ko na din 'yung pool area ko. Sige na." Tinulak niya ako papunta sa pintuan kaya mas lalong humaba ang nguso ko.
"Ang dami mong alam, Ate. Tigilan mo nga ako." I frowned and walk towards my wardrobe. Kumuha lang ako ng shorts at t-shirt para palitan ang suot ko. Mamaya na lang din ako maliligo.
"Hindi nga kasi kita mabasa. Sino ba doon sa dalawa? Aba, saka ka lang pipili kapag wala na sila? Kapag sumuko na? Hindi na 'yun self-love, Mia. Katangahan na 'yun. Businessman na dalawa, tinaggihan mo pareho?" Medyo lumakas ang boses nito kaya sinamaan ko ulit ng tingin.
Huminga ako ng malalim at inayos ang buhok ko. I faced at the mirror and smiled at myself. I turned around and looked at Ate.
"Si Chester ang bet ng heart ko, Ate. Magbabago na daw siya pero natatakot pa rin kasi ako. You know, we've been together for so long and he captivated a large space in my heart." I honestly told her then but my lower lip.
Tinitigan niya lang ako ng matagal pero ngumiti din at linapitan ako. "I believe in you. Alam kong hindi ka gagawa ng isang bagay na hindi ka sigurado. Kung saan ka masaya, doon ako." Yinakap niya ako at tinapik ang balikat ko.
"I know. Thank you, Ate." I hugged her tighter.
-----
Pumunta ako agad sa pool area kung nasaan si Chester at agad ko naman itong nakita kasama si Kuya Gelo. They're talking and it seems like they're having a business talk 'cause they look so serious. Kailangan ko pang tumikhim bago pa nila ako mapansin.
"Oh, nandito ka na pala." Kuya said and stood up. "I better go upstairs." Paalam nito at tinapik lang ang balikat ni Ches. Tumango lang ako at naupo sa dati nitong pwesto.
"Nadalaw ka? Wala kang lakad?" I asked as I sat.
"Gusto lang kitang makita." He said sweetly. Natawa ako ng mahina at napailing.
"Ulol." I laughed. "Mukha mo." I added.
He just smirked. "Totoo nga." Sabi nito at hinawakan ang kamay ko. Ipinatong nito sa ibabaw ng dibdib niya. Ramdam ko ang tibok ng puso nito.
BINABASA MO ANG
Mesmerized with Desire(#7)
Ficção GeralDesire Series #7 Jamia Arabelle William's and Ace Stefan Herminihildo Estrella's story. "Sa bawat tao na nagsabi na iiwan mo ako, iniisip ko na may tiwala akong ibinigay sa'yo. I don't wanna conclude things that's not came directly from your mouth."...