Chapter 48

5K 183 32
                                    

Chapter 48

MIA

"Thank you, Tito Ash..." Lara whispered and smiled as we get off Kier's car. Agad tinakbo ni Ash ang bata papunta sa emergency room pero bago pa ito makarating ay napatigil siya sa may pintuan. Agad akong sumunod para alalayan sila pero nang makarating ako sa kinaroroonan nila, nakapikit na ang bata. Rinig ko rin ang kanina pang pinipigilan ni Ash na iyak.

Napakagat ako ng ibabang labi ko at napalunok.

"Ash...ba't ka tumigil? Ipasok mo na siya. Naghihintay ang mga doctor sa loob." I told him. He didn't move. "Tatawagin ko na lang sila. Emergency. Dapat nakaabang sila dito eh." I said then took a step forward but he stayed still.

Kumunot ang noo ko at hinarao ito.

"Dali na! Anong ginagawa mo kay Lara? Dalhin na natin siya sa loob para magamot na!" I shouted at him but tears began to fall from my eyes.

Tinignan lang niya ako pero mamula-mula na ang mga mata nito. I shook my head and sat. "Akin na. Ako na ang magbubuhat sa kanya. Magperma ka na lang ng form para diretso na tayo sa operasyon." I told him and carried Lara. Hinayaan niya akong kunin ang bata rito.

Tumayo ako pero tuloy-tuloy ang mga luha ko. Alam ko kung anong nangyayari pero ayaw tanggapin ng sistema ko. I stepped forward but I heard Ash's scream that made me stop and hugged our baby's body.

Tight. So tight.

Hindi pa rin ako tumigil sa paghakbang kahit nanlalambot na rin pati ang mga tuhod ko.

"Gagamutin nila si Lara, Ash. Magagaling ang mga doctor dito." I said while crying.

Rinig ko ang hagulgol ni Ash na siyang nagpapahina sa'akin lalo.

"Tumayo ka diyan. Nasa ospital na tayo." Sabi ko ulit at tinignan ang batang hawak ko. Nagmistulang kulay pula ang puting damit niya. She looks so pale but still pretty. Para lang itong natutulog lang ng mahimbig.

Tama.

Natutulog lang siya. Hindi kami iiwan ni Lara. Napagod lang siya kaiiyak kanina. Natakot lang ito.

Humakbang pa rin ako pero tinawag ni Ash ang pangalan ko.

"She wants to die pretty. She told me she's tired and wanted to rest. She told me they needed her in heaven already...." Umiiyak na sabi niya sa'akin. Hindi iko ito maharap at unti-unti pa rin akong humahakbang.

"Hindi. Anong die pretty? She belongs in here. Bata pa siya. Marami pa siyang plano. Kami. Marami kaming plano, Ash. She can still be pretty, after siya magamot. Hindi dapat tayo sumuko. Nandito na tayo sa ospital..." I cried harder. Tinignan ko ulit si Lara at buong lakas na nagtawag ng tulong. Sakto naman na nakarating sina Nadie dala ang stretcher. They help me put Lara on it. The doctor checked her pulse but she shook her head after.

Agad akong umangal. "Anong nakakailing?! Hindi ba dapat dinala mo na siya sa loob? Magbabayad kami kahit magkano. Kahit kunin niyo lahat sa'akin. Basta gamutin niyo siya. Gamutin niyo si Lara. Marami na ng nawalang dugo---"

"Baby girl, rest in---"

"Hindi!" Umiling ako at tinakpan ang dalawang tenga ko. I looked at Ash again who's still sitting outside. "Ash, ayaw nilang gamutin si Lara dito! Sa ibang ospital na tayo, please!" Sigaw ko sa kanya. Hinawakan ako ni Nadie sa braso at sinenyasan ang doctor na lumayo muna.

"Where do you think you're going? Paano si Lara? Bakit iiwan niyo si Lara dito? She needs your fucking help!" Sigaw ko at hindi ko na inintindi ang mga tao sa labas na nakatingin sa'akin.

I know many of them know my face but I don't give a damn.

"Mia."

"Nadine. Can you please tell them to look after our baby. Please? I'm begging you. Anong gusto mong gawin ko? Luluhod? Luluhod ako? Tell them I'll give everything I have. Tulungan lang nila si Lara..." I cried so hard while begging.

Mesmerized with Desire(#7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon