Chapter 7
MIA
"You sure you're okay?" Jenny asked me as she parked her car in front of our building. Late na para sa alas siyete naming oras ng trabaho pero pinili kong pumasok kaysa sa mabaliw sa bahay. Umuwi lang kami kanina para maligo at nagdrive-thru na lang para may laman naman ang tiyan ko bukod sa alak ko kagabi.
"My head still hurts but I'm fine." Huminga ako ng malalim. Kinuha namin ang bag namin sa likod at sabay na lumabas ng sasakyan. We started walking towards the building and she encircled her arms around mine.
"I know I shouldn't tell you this but aren't you curious?" She asked. Napatingin ako rito. "Ang inaasahan ko kasi kanina, may mataba na lalaking bubungad sa'akin habang nakapaligid sa kanya ang sampong bodyguards. Akala ko mapapasubo ako sa fight scene. Dala ko pa kanina 'yung pekeng baril ko." Tumawa ito at sabay kaming napailing.
May pekeng baril itong ginawa noon. May pekeng bomba pa nga. Pero pang display lang. Tinawanan namin noon ni Nadie pero nang minsan kaming namundok at may nantrip sa'amin, ginamit niya 'yun para panakot. Umepekto naman dahil 'yung baril nagpro-produce lang ng sound. Iba naman talaga ang utak ni Jenny minsan.
"Nagulat ako nang walang katao-tao doon at ang linis pa. Seems like he's living alone. Sure ka ba na hindi siya criminal? O drug dealer? Like what the hell? Sabi ni Ysa, bodyguard siya ng friend niya. Paano siya nagkabahay ng ganon? O baka naman katulong siya doon? Hardinero? Wow ha, all around." Daldal niya habang nakatingin pa sa malayo.
Hindi ako nagsalita pero napaisip rin. Minsan ko lang kasi narinig mag-english pero kanina, iba ang dating ng boses nito sa tenga ko. He also said that it's his house. May litrato rin siya doon sa side table. 'yung cabinet kung saan niya linagay 'yun bag ko kanina, nakita ko ring mga bags ang nandoon.
Traveller? Napailing ako. Imposible namang papayag si Kuya Gelo na may part-time sa negosyo niya. At bakit ang dami niyang trabaho?
Napatigil ako sa pag-iisip nang kurutin ako ni Jenny. Tinulak ko siya ng mahina at sinimangutan. Ngumuso naman ito, tinuturo sa may bandang likod kaya umikot ako para makita ang tinuturo niya.
Si Chester, na parang nag-aabang. Hindi na ako nagisip at naglakad na palapit. Ako lang naman ang binibisita niyan dito kaya alam kong ako ang hinihintay nito. Humalukipkip ako at tumayo sa harapan niya. "What brings you here?" I asked in a flat tone.
Nagulat pa nito ng makita ako at agad akong hinawakan at tinignan ang mukha at mga kamay ko. "Thank God you're okay." He sighed in relief. "Saan ka natulog kagabi? Sino naghatid sa'yo? Anong oras ka nakauwi? Hindi ka naman napano 'dba? Wala namang nanakit sa'yo? Hindi ko kasi---"
"I just want to ask you one question, sino ang kasama mong umuwi?" Putol ko ng hindi kumukurap. Tinitigan ko ito ng mabuti pero nagkamot ito ng ulo. Mas lalong naningkit ang mga mata ko at napatingin siya sa paligid.
"Bakit ako na lang mag-isa kagabi?" I asked again. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.
"Lasing kasi tayo pareho---"
"Putangina. Mas mahirap pa ang exam mo noong college ka kaysa sa tinatanong ko ngayon sa'yo." I cut him again. Unti-unti itong napatingin sa parking lot ng mga bisita kaya sumunod ang mga mata ko.
There. I saw his bitch plainly sitting inside of his car. Hindi ko na kailangang lapitan dahil kabisado ko na ang mukha nito, kahit malayo ay namumukhaan ko dahil sa kaartehang taglay nito. At sa pulang lipstick na palagi niyang pinapahid sa labi nito.
Tumawa ako ng mahina at napamura. Tinignan ko si Chester pero nagbaba ito ng tingin.
"Nabingi ba ako noon? O panaginip lang 'yun? Nagka-amnesia ka ba?" I asked him sarcastically. "Ba't nandoon 'yun?"
BINABASA MO ANG
Mesmerized with Desire(#7)
Fiksi UmumDesire Series #7 Jamia Arabelle William's and Ace Stefan Herminihildo Estrella's story. "Sa bawat tao na nagsabi na iiwan mo ako, iniisip ko na may tiwala akong ibinigay sa'yo. I don't wanna conclude things that's not came directly from your mouth."...