C5: First Day of Classes

17.8K 357 11
                                    

Chapter 5:
First Day of Classes

[Carly's POV]


I was on my way to the university when a car stopped on my side tapos bumusina ng bumusina. Naglalakad kasi ako sa sidewalk.

Kilala ko ang sasakyang ito. Kay Amber? The Audi R8. Hindi ko pa rin siya pinansin at nagdire-diretso sa paglalakad. Nang medyo nakakalayo na ako ay nagulat na lang ako ng may biglang humila sa akin.

"Hey bingi ka ba?!" Sigaw niya, hila niya ang braso ko.

"Bakit ba?!" Iritang tanong ko.

"Ihahatid kita sa school bakit?!" She stared at me. "Tara na!" Tapos hinila na niya ako papunta sa kotse.

"Teka nga!" I exclaimed. Lumingon siya sa akin at tinignan ako ng masama.

"Ano? Sasama ka o bubuhatin kita papunta sa kotse ko?!" Nakakatakot ang boses niya.

Ganito ba talaga ang magkaron ng girlfriend? Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at pinapasok ako sa loob. Pasalamat talaga siya at naka-skater skirt ako.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa kanya ng makasakay na siya sa driver's seat.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin, nagulat naman ako at napasandal sa upuan. Napapikit ako ng inilapit niya pa lalo ang sarili niya sa akin. Hahalikan niya ako?! Wait! Nakapagtoothbrush naman ako di ba? Tama! Tama! "Ikaw." Seryoso niyang sagot. Nakapikit pa din ako pero naramdaman kong kinuha niya ang seatbelt at inilock ito. Halos maghyper ventilate na ako tapos ilalock lang pala yung seatbelt!

Omg! Dismayado ba ako dahil di niya ako hinalikan?! No! No! No!

Binuksan na niya ang engine at nagsimula ng imaneobra ang manibela. After 15 minutes of fast driving, nakarating na kami sa university.

"Salamat sa paghatid." Sabi ko sa kanya bago ako bumaba ng kotse niya.Di niya naipasok ang kotse niya sa loob dahil wala naman siyang sticker ng university. SOP kasi ng school yun at bawal ang outsiders dito. Di ko na siya nilingon at naglakad na ako papunta sa building ng HRM at Tourism. Nagpunta ako sa hallway kung nasaan ang locker ko. Buti at maaga akong nakapagpareserve dahil medyo malaki ang nakuha ko. Napansin kong nakabukas ang katabi kong locker at may inaayos ang may ari nito.

Medyo marami-rami na rin ang students kahit maaga pa lang. May mga ilang bumati sa akin, mga dating classmates at mga kakilala. I miss this! Binuksan ko na ang locker ko at magaayos na sana ng gamit ng biglang may tumawag sakin.

"Carly!" Sigaw ng tatlo sa akin. Sino pa? Eh di sila Honey, Denise at Missy. I waved at them at lumapit silang tatlo sa akin.

"Nice OOTD!" Bungad sa akin ni Missy. Nakasuot kasi ako ng pink skater skirt, white tee na may nakasulat na NERD at ang aking paboritong hot pink bunny flat shoes.

"Kayo rin naman eh. As always, ayaw patalbog." Sabi ko sa kanila. Nagkanya-kanya na kaming lagay ng mga gamit namin sa locker, magkakatabi kasi ang nakuha naming lockers. Maya-maya ay dumating si Nami.

"Hi babe!" Bati niya kay Honey at hinalikan ito sa lips.

"Hi girls!" Bati niya rin sa amin, akbay na niya ngayon si Honey. "Haven't you heard na my cousins going to study here too?" Tanong niya, nakatingin sa akin na para bang nangaasar.

"Oo nga pala Car, I haven't told you. Dito na rin papasok si Amber this school year." Sabi ni Honey. Si Denise at Missy naman nakangiti lang.

"So? Pakialam ko. Paniguradong pambababae lang naman ang aatupagin nun dito." Asar kong sabi. Simula pa kaninang umaga ay iritable na ako. Ewan ko ba.

"No I'm not. I have a girlfriend to take care now." Sabat ng isang pamilyar na boses. Narinig ko ring nagsara ang locker na nasa tabi ko.

"Anong ginagawa mo rito?!" Iritang tanong ko sa kanya. Wait! Sa kanya yung locker na katabi ng sakin?

"I told you, I'm here to take care of my girlfriend." Sabi niya, nakangisi sa akin.

"Sinong girlfriend mo?" Inosenteng tanong ni Missy.

"Si Scarlet. Kami na." She said with confidence.

"Ayiieeee!" Sabay-sabay na pangaasar sa amin nung apat. Nakita ko pang nginitian ako ng Amber na yan. At talagang nangaasar siya ha!

"Oh em gee! So glad Carly's got a girlfriend now. At least she's not NBSB anymore." Sabi ni Denise. Mukhang masaya pa talaga sila na itong playgirl na to ang first girlfriend ko?! Anong klaseng friends ba sila? Huhu.

"Tara na nga sa room girls!" Yaya ko sa tatlo. Magkakaklase kasi kami. We're taking up Tourism. Kasi nga gusto namin pare-pareho ang magtravel.

Pumasok na kami sa loob, marami na rin kami sa room. Syempre, gaya ng dati, naupo kami sa pinakaunahan. Si Denise ang nasa dulo, si Missy, si Honey at saka ako. Alam na kasi nila ang pwesto naming apat. Yung katabi kong upuan ay bakante.

Si Nami, same building lang din kasi HRM ang kinukuha niya. Eh si playgirl kaya? Hmm. Yaan na nga yun.

Dumating na yung prof namin kaya naman nagsitahimik na yung mga nasa room, including us.

"Good morning class, I'm Ms. Pacheco. I will be your professor for Italian 101. And oh! Before I forget, you'll have a new classmate. Miss Amber Chen." Tapos ay biglang pumasok si Amber, with her usual pa-cool self. "You may take a seat." Sabi ni prof tapos ay naupo siya sa tabi ko.

I rolled my eyes. Of all courses and classes na nasa university na to, dito pa talaga? Tapos magkatabi pa kami ng locker! Kaklase ko pa talaga siya at take note, katabi ko pa talaga siya sa upuan? Ano ba to? Stalker ko?

Maya-maya ay nagdiscuss na si prof. Hindi ko na siya masyado inintindi kasi nagadvance study naman na ko sa lahat ng subjects ko nung summer. Nagdoodle na lang ako, kaso naririnig kong nagbubulungan yung mga blockmates namin na nasa likod. Yung tatlo naman deadma lang dahil sa nakikinig sila kay prof. Naks! Kala mo ang titino ng friends ko no?

"She's such a cutie!" Bulong ng isa sa mga babaeng nasa likuran ko.

"She's so hot!" Bulong pa nung isa. Tapos nag-giggle sila na parang mga kinikiliti sa tooooot. Dahil sa inis ko, nagdrawing ako ng higad. Tama! Yung mga bulateng may makakating spikes pag nadikit sa balat mo. Parang itong mga babae sa likod ko.

"Where did she came from kaya?" Bulong ulit ng isa sa kanila. Ano ba naman tong mga to! Bulungan ng bulungan pero naririnig ko naman.

Nilingon ko si Amber na ngingiti-ngiti. Aba't talaga nga naman oh! Malamang naririnig din niya tong mga kiring babaeng to dahil katabi ko siya. Sumulyap siya sa dinodrawing ko at ngumiti pa ng nakakaasar. Inirapan ko lang siya tapos ay itinuloy ko na lang ang pagdudoodle.

"And that would be all for today's class. Enjoy your first day." Paalam ni prof sa amin. Nang makalabas na siya ay nagsipulasan na ang iba pa naming mga kaklase. Kaming apat naman at si Amber ay nahuling lumabas, pati na rin yun mga babaeng kiri na nagbubulungan kanina. Nagreretouch kunwari pero halatang nagpapapansin kay Amber.

"San ang next class niyo girls?" Tanong ni Amber sa amin.

"Sa 206. Ikaw?" Tanong ni Honey sa kanya. Kunwari ay busy ako sa pagliligpit ng gamit ko. Si Missy at Denise busy sa pagcecellphone.

"I have no class eh. Can I sit in?" Tanong niya. Tinignan ko naman siya. "So that I can watch pa my girl friend's doodling skills." Tapos nginitian na naman niya ko. Nakita ko rin ang reaksyon nung 4 na babaeng nagbubulungan kanina na parang nanghinayang dahil sa sinabi ni Amber.

"Tinamaan na ata talaga sayo tong isang to Car." Bulong ni Honey sakin. I was dumb founded. Siya tinamaan sakin? Eh napakaplaygirl nito.

"Tara na girls." Aya ni Honey. Maglalakad na sana ako ng bigla akong hawakan ni Amber.

"Bitawan mo nga ako!" Iritang sabi ko sa kanya.

"Whoa! Bakit iritado na naman ang babe ko?" Nakataas ang mga kamay niya na para bang umiilag.

"Wala! Dun ka nga! Naaalibadbaran ako sayo!" I said again. Ewan ko ba kung bakit iritable ako. Wait! What date is it? Hinagilap ko ang phone ko at tinignan ang date. Oh gosh! It's 23! Meaning..

Agad akong nagmadali papunta sa locker ko. Napansin kong sinundan ako ni Amber pero dineadma ko lang siya. I have 3 more classes this day kaya kailangan kong makapaglagay agad ng pantapal. Nang makuha ko na ang pakay ko sa locker ay dumiretso na ako sa cr. Oh no! Sana lang wala pa. Pumasok ako agad sa cubicle at ginawa ang dapat gawin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala pa naman. Malapit pa lang siguro kaya ako masyadong iritable ngayon.

Pagkalabas ko ng cubicle ay nagulat ako dahil naghihintay si Amber na nakasandal pa sa lababo ng cr.

"Ano ba?! Kanina ka pa nakasunod. Are you my stalker? Buntot ka ng buntot eh." Sita ko sa kanya matapos akong maghugas ng kamay. Inabutan naman niya ako ng tissue.

"No I'm not. I'm your girlfriend Scarlet. GIRLFRIEND." She emphasized it.

"Paano kita naging girlfriend? Ni hindi ka nga nanligaw! Basta-basta mo na lang clinaim. Ganito ba talaga ang lesbian relationships?" Dire-diretso kong litanya. Wait! Nasabi ko ba talaga yun?

"So yun lang pala ang inaalala mo? I didn't court you dahil kapag niligawan kita, dun din naman ang bagsak nun. And I'm planning to court you forever, just be mine now. Pero kung gusto mong ligawan pa kita ng pormal.. I'd do it. Happy?" Confident niyang sagot. So feeling niya pag niligawan niya ko sasagutin ko talaga siya? Wow ha! That confidence.

I'm planning to court you forever, just be mine now.

I'm planning to court you forever, just be mine now.

I'm planning to court you forever, just be mine now.

Napatigil ako ng magregister sa utak ko ang sinabi niya. She just looked at me, waiting for my reaction maybe? Ewan!

"Whatever! Late na ako sa next class ko." Tapos ay tinalikuran ko na siya. Di ko mapigilan ang ngiti ko. It's my bipolar day. Naglakad na ako sa hallway hanggang sa makarating ako sa room kung saan ang next subject ko. Naupo ako agad sa tabi ni Honey dahil wala pa naman yung prof.

"San ka ba galing?" Tanong ni Honey.

"Sa CR. It's 23 kaya you know.." I winked at her.

"Oh okay! Kaya naman pala ang sungit mo sa GIRLFRIEND mo eh." She emphasized the word girlfriend.

"She's not yet my girlfriend." I said.

"Seriously?!/ Di nga?!" Sabay na bulalas ni Denise at Missy. Napatingin ang mga classmates namin sa amin. Tapos narinig namin ang pagbukas ng pinto kaya naman napatingin kaming lahat sa pumasok.

Si Amber, may dala-dalang 1 stalk ng red rose. San naman kaya niya nakuha yun? Lumapit siya sakin at inabot ito.

"I don't have any idea on how to court a girl. I usually just kiss them and they become my instant girlfriend. So, can I start by giving you this?" Pakamot-kamot pa siya ng ulo.

Hindi ko alam kung kukunin ko ba ang rose o hindi kaya naman siniko ako ng bahagya ni Honey. Okay fine! Inabot ko din yung rose. Pakiramdam ko ay naginit ang cheeks ko. So not bad for a start. Kinikilig ako!

Our classmates teases us by saying, "Ayieee!" Or, "Uyyyy!" Kaya naman lalo pa akong namula dahil sa kilig at embarassment.

Tinabihan na ako ni Amber, gaya ng ng sabi niya, makikisit-in daw siya sa klase namin. So the class started and ended again. We went to our next class and it started and ended again.

Nagpunta na kami sa last class namin, we waited for the professor to come pero 30 minutes na ang lumilipas ay wala pa rin. Kaya naman sa palagay namin ay di na ito dadating. We waited for another 15 minutes pero di na dumating ang prof kaya naman ay lumabas na kami ng room.

"So where do we go girls?" Tanong ko sa tatlo ng nasa tapat na kami ng mga locker namin. Si Amber naman ay nagaayos na rin ng gamit.

"I'll be waiting for Nami babe. We have a date kasi later eh." Sabi ni Honey.

"Ako uuwi ng maaga kasi darating si Kuya from Japan today." Sagot ni Missy.

"I'll be going to Makati. Mom needs a hand eh." Si Denise habang nagaayos ng buhok niya.

So ako lang pala talaga ang walang lakad today? Huhu. Makauwi na nga lang ng bahay.

"Okay bye girl friends!" Paalam ni Honey. We kissed each other's cheeks at naghiwa-hiwalay na.

"Babe! Wait!" Sigaw ni Amber sa akin. "Ihahatid na kita pauwi. But let's have lunch first." Sabi niya ng nakalapit na siya sa akin. Tumango na lang ako.

Nagpunta kami sa isang restaurant malapit sa university. They offer various kinds of cuisine here. May Japanese, Korean, Chinese, Italian, Filipino at kung anu-ano pa.

Ibinigay sa amin ng waiter yun menu. Agad akong tumingin sa Filipino food menu nila. There! Kare-kare!

"What do you want to eat?" Tanong ko sa kanya. "I want kare-kare kasi." Sabi ko sa kanya.

"I want sana to eat.." Tumingin muna siya sa waiter bago itinuloy ang sasabihin niya, "YOU.. But kare-kare's fine. I miss that." Bulong niya, bahagya siya lumapit sakin tapos ay ngumiti.

Wait. She wanted to eat me? Di ko gets. Anyways, nagorder na siya ng kare-kare at pork barbeque.

Nang maiserve na ang inorder niya, nilagyan niya ng rice ang plate ko pati na rin ng kare-kare at bagoong. Wow! This is yum-yum! She offered me the pork barbeque, sabi ko later na lang. I want to savor my favorite kare-kare first. Bigla ko tuloy namiss ang mama ko. Specialty niya kasi to.

"What's wrong?" Amber asked me.

"I just missed my mom. She cooks the best kare-kare kasi." Paliwanag ko. "Eat up. This one looks good too." Sabi ko tapos ay nagscoop na ako ng kanin at kare-kare, nilagyan ko rin ito ng bagoong on top bago ko sinubo. Wow! Masarap! Lutong bahay talaga. Mapaparami ang kain ko dito.

Magana akong kumain ng lunch. Masarap kasi yung kare-kare. Deadma ako sa pork barbeque. Si Amber naman, tuwang-tuwa akong tinitignan kumain.

Nang matapos na kaming kumain ay nagpahinga lang kami saglit at saka umalis na rin. She opened the car door for me nung nasa tapat na kami ng kotse niya.

Tahimik lang siya ng makasakay na. Nanibago naman ako. I checked my phone at may isang message. I opened it.

From: Mama
Baby have you received the package? Text me. I love you.

Package? Oh yes the package! But I haven't receive it yet.

Oh I'm so excited! The package! A surprise!

What is it kaya?

 

 

 

------------------

[A/N: Hanggang dito po muna. Saka ko na ipost yung updates kapag nakikita kong madami yung nagbabasa or magrerequest na ituloy ko to. :)]

Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon