Chapter 22:
Chasing Psycho[Ira's POV]
"Hey! Hey Ira! Wake up!" Nagising ako sa mahinang yugyog sa akin ni Lily. Tapos dahan-dahan niya akong hinila palabas ng kwarto.
"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya.
"You need to go to Malaysia as soon as possible!" Sigaw niya.
"Bakit? May problema ba?" Tanong ko ulit. Hindi ko siya maintindihan eh.
"Si Amber, hinahanap na siya ng pamilya niya. And she's gonna be on the news any time soon. Kaya kailangan niyo na makaalis agad! Pag nahuli kayo, pati ako madadamay. You have to get out of the country." Taranta niyang sabi.
"Ano?!" Gulat na gulat kong tanong. "At talagang gagawa pa sila ng paraan para makuha sakin si Amber?!"
"Lahat ng papeles niyo ayos na. Pwede na kayong umalis ngayon. Tutulungan ko kayong makaalis. Dali na!" Pagmamadali niya sa akin. Agad naman akong bumalik sa kwarto para gisingin na si Amber.
Sh*t! Hindi kami pwedeng mahuli. Hindi nila pwedeng kunin si Amber sakin. Masaya na kami. At hindi ako makakapayag na magkahiwalay pa kami.
Lalo na ngayong ako na ang pinaniniwalaan niyang mahal niya.
I will risk everything para lang hindi nila makuha sa akin si Amber..
She's the only person that makes me sane. Kahit pa masakit sa akin dahil alam kong kaya lang naman siya sumama sa akin ay dahil ako ang pinaniniwalaan niya. Kahit pa puro kasinungalingan ang lahat ng alam niya, isa lang ang alam kong totoo.. Mahal na mahal ko siya.. At handa ko siyang itakbo palayo sa katotohanang pilit na humahabol sa amin.
"Good morning hon.." Nakangiti niyang bati sa akin.
"Good morning.. Uhm.. You need to get up.. I have a surprise for you.." Sabi ko sa kanya, trying to conceal my panic.
"Ano naman yun?" Tanong niya.
"We'll be flying to Malaysia today.. Come, get up. Baka mahuli pa tayo sa flight natin." Sabi ko sa kanya.
"Why so sudden?" Tanong niya.
"Because.. It's a surprise.. Ayaw mo ba?" Tanong ko.
"Hindi naman." Sagot niya. "Pero kung kailangan na nating umalis, let's go then." Dagdag niya at saka bumangon sa kama.
Salamat naman at hindi na siya naging mausisa pa.
[Trish's POV]
"Are you sure about this Lily? Hahayaan mo na lang tumakas si Ira at isama si Amber?" Tanong ko sa kanya pagpasok niya ng kwarto.
"Of course, kung hindi sila aalis.. Madadamay ako." She said looking really anxious.
"Kasalanan mo rin naman kung bakit ka madadamay. Tinulungan mo siya Lily. Sinabihan na kita but you insisted." I said with conviction.
"Naawa ako sa kanya Trish. Sobra siyang sinaktan ni Amber, tayo.. Sinaktan niya tayo. All I wanted is to get even." She said without looking at me.
"Kasalanan din naman natin kung bakit tayo nasaktan ni Amber. Tayo ang may gustong lumapit sa kanya kahit alam na natin na isa siyang playgirl. We never resisted. I know nasaktan ka niya, nasaktan niya ako, marami siyang nasaktan.. But she doesn't deserve to be played like this. May amnesia siya Lily. Hindi ka ba naaawa sa kanya? Pinagmumukha niyo siyang tanga." I said.
BINABASA MO ANG
Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]
ChickLitAmber Chen's THE Playgirl. She's a total heart breaker, until she met Scarlet. But will Scarlet totally change her? Abangan ang mga susunod na kabanata.. The story you will about to read is a GxG. If you think you're straight enough to read this, be...