C25: Starting anew

8.4K 166 14
                                    

Chapter 25:
Starting anew

[Ira's POV]

Nung dumalaw si Amber, alam kong yun na ang huling pagkakataon na makikita ko siya.

Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko, at pinagsisisihan kong kailangan pang may masaktan ako - physically - bago ako tuluyang matauhan.

Nagmahal lang ako, minahal ko si Amber at di ko aakalaing magagawa ko ang mga bagay na yun dahil sa pagmamahal sa kanya. Pero naisip ko rin na, hindi ko siya pwedeng mahalin - dahil hindi naman talaga ako ang mahal niya. I've been selfish and I deserve to be here, gaya nga ng sabi ni Amber.

I'll let her go dahil yun ang tama. And I want to start a new life, a clean and better one.

"Tuazon! May dalaw ka! Mukhang lalaya ka na." Sigaw ng pulis na nagbabantay ngayon. Tumayo naman ako para tignan kung sino ang bisita ko.

"Ira.. Anak.." My mom said, kita ko ang pagaalala niya sa akin. Katabi niya ang papa ko at ang abogado namin.

"Ma! Pa!" Tawag ko sa kanila. Nagsimula na akong maiyak.

"Hija! What have you done?" Tanong sakin ni mama nung lumapit siya. Hindi ako nakasagot dahil nahihiya ako sa kanila. All this time, I've been bad.

"I'm sorry ma, pa.." That's all I managed to say.

"We'll talk once you get out of here.." Seryosong sabi ng papa ko.

I know, hindi din naman nila ako matitiis. And this time, I'll change. Change for the better.

[Carly's POV]

Masayang-masaya ako, after all that happened at kahit hindi pa ako naaalala ni Amber ay sa akin pa rin siya naniwala.

Pero naalala na pala niya lahat at hinintay niya lang talaga na makapagsorry sa mga babaeng nasaktan niya noon. And that's a nice excuse for not telling us, kaya naman pala paminsan-minsan ay hindi siya nakakadalaw sa akin.

Ipinakilala niya ako sa mga naging ex-girlfriend niya nung time na playgirl pa siya.

"You're so lucky.."

"Thank you for making Amber realize.."

"Amber's so lucky to have you.."

Ilan lang yan sa majority of comments na natanggap ko from them. Kaya naman ang lakas makaganda at maka ako-na-talaga ng mga sinabi nila.

But all kidding aside, masaya talaga ako. Sa wakas kasi, nakahingi na si Amber ng tawad sa lahat ng nasaktan niya noon. At, bumalik na ang Amber ko.

Siguro kundi rin dahil sa ginawa ni Ira, hindi niya mare-realize na dahil sa pananakit na ginawa niya, maaring masaktan ang mga taong minamahal niya ngayon.

"Babe?" Tawag ko sa kanya.

"Po?" Tanong niya naman.

"Nung time ba na si Ira ang kasama mo at di mo ko naaalala, naisip mo ba ako?" Tanong ko sa kanya.

"Yes. And you're always in my dreams. Di ko nga maintindihan ang sarili ko that time. Kahit pa si Ira ang kasama ko, walang spark. Walang feelings, though she told me she loved me pero hindi ako makasagot. I think my heart's only meant for you." She said then kissed me.

Mas lalong naging sweet si Amber sa akin matapos ang lahat ng nangyari. Halos hindi na kami mapaghiwalay ngayon at lagi niyang sinisiguro na okay ako.

I took a semester leave sa school dahil hindi pa ako pwedeng mapagod, kaya naman dito lang ako lagi sa bahay. Inaalagaan ko ang baby bunnies ko na mukhang magiging nanay at tatay na sa kanilang mga supling.

Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon