Playgirl's Bunny (The Making)

8.4K 136 35
                                    

Playgirl's Bunny (The Making)

Copyright © 2014 by LoveAnarchist

ALL RIGHTS RESERVED.

Paano nga ba nabuo ang Playgirl's Bunny?

Bakit nga ba ang pangit ng Prologue nito?

Bakit 4 lang friends ni Scarlet?

Bakit may bed scenes?

Sinu-sino nga ba ang nasa likod ng mga karakter na ito?

Gusto mong malaman?

Well, basahin mo ang Playgirl's Bunny (The Making)

---------------------------------------

[A/N: Hiyah readers! :) Dahil sa request na rin ng ilang tao, ito na po yung the making ng Playgirl's Bunny.

Dun naman po sa mga di pa nakakabasa, mas maiging basahin niyo muna yung story bago niyo basahin to. Magiging spoiler kasi kapag inuna niyo to.

So ayun, tunghayan kung ano nga ba ang pinagmulan ng love story ni Amber at Scarlet. At kung bakit ito tinawag na Playgirl's Bunny.]

----------------------------------------

1. Bakit Playgirl's Bunny ang title?

When I was thinking of a story plot about a love story between a playgirl and an innocent girl, namiss ko bigla yung aming rabbit na si Bianca (May you rest in peace bebe), kaya naisip ko na ang rabbits ay innocent looking pets plus they're insatiable when it comes to mating. Dun ko na-come up yung title. Saka nagiisip kasi ako ng title ng story na catchy at may X-factor kasi supposed to be this is a Erotica story. Which means marami dapat bed scenes kaso hindi ko pala kaya magsulat ng ganun. Hindi kasi keri ng author na maging mahalay all-throughout the story. And since I'm a hopeless romantic, naging romance na lang siya. Through-out the story, naging mas visible yung passion ni Amber at Scarlet para sa isa't-isa. Tapos ang romantic pa ni Amber, kaya naging bonggang love story na siya.

2. Anong inspirations mo sa pagsulat ng story? Meron ka bang pinaghugutan nito?

Ang alam ko lang na inspiration ko sa story na to, yung girlfriend ko at yung readers na pwedeng bumasa. Nung time na sinulat ko ang first few chapters ng story na to - which is c1-c5 - nagbabasa ako ng 'Fifty Shades of Grey' ni E.L. James, so maaring dun ko na rin nakuha yung idea. And originally, this book should be a Romance-Erotic story. Well, dahil nga humaling na humaling talaga ako sa love story ni Anastasia at Christian dun ako humugot ng libog at malisya.

But honestly, sa mga bed scenes na naisulat ko dito, si girlfriend talaga ang iniimagine ko. Well, ayoko naman magisip ng ibang tao no. Di ko yata keri. Haha.

Tapos yung iba pang inspiration ko dito is yung mga naoobserve ko sa iba't-ibang tao. Di man ako mismo yung nakakaranas, I put myself in their shoes. Like kung paano ba maging mayaman, or what it feels like to be a mayaman.

Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon