C3: Unexpected Mall Encounter

18.4K 401 19
                                    

Chapter 3:
Unexpected Mall Encounter

[Carly's POV]

I'm in the mall to buy few bunny stuff for my collection, saka things for school and new books. Nabasa ko na kasi halos lahat ng nasa bahay at gusto ko naman magbasa ng bago.

Wearing a bunny printed white sando, with black tube under and faded denim shorts na worn out yung style and black & white vans. My usual outfit kapag lumalabas. I'm also wearing my Rayban wayfarer. I put my hair up in a messy bun. Kinuha ko ang phone ko sa loob ng dala kong black long shoulder bag at nagtext sa 3. But they seem to be busy kaya naman ako na lang ang mamimili ngayon magisa.

Nagpunta ako ng NBS, matagal-tagal na rin nung huli akong nagpunta dito. Nagpunta muna ako sa rack ng mga english novels. Kaso naisip kong, why not try reading tagalog stories di ba? Maiba lang.

Nagpunta ako sa customer service area nila at nagtanong sa attendant..

"Miss anong latest books niyo na tagalog?" Tanong ko sa attendant na nakaputing uniform. Nasa late 20's na siguro siya.

"Marami po ma'am. Meron po dito yung mga galing sa Wattpad." Sagot niya. Itinuturo yung mga librong tinutukoy niya.

"Ano po yung Wattpad?" I asked again.

"Website po yun ma'am na pwede kayo magsulat ng stories niyo, magbasa online or pwede din magdownload ng mga stories. May mga ilang sumikat na writers po ang Wattpad na nakapagpublish na ng mga books." She answered me friendly. Wow! Wattpad? May ganun palang website? Di naman din kasi ako mahilig mag internet kahit pa may wifi sa apartment na pinilit ng friends ko ipakabit ko dahil madalas silang nandun. Instagram at Skype lang naman talaga ang madalas ko gamitin.

"Suggest ka naman po ng mga maganda basahin. I'll buy them." I smiled at her.

"Ang best seller po namin ngayon yung story ni @HaveYouSeenThisGirl ma'am. Ito po." Sabay abot sa akin ng isang libro. Looks like a pocket book to me.

"Diary ng Panget?" Nangingiti ako sa title ng book na to. Ang cute din ng pagka-illustrate ng cover dahil anime ito. "Cool! Sige kukunin ko na to. Saka ano pa?" Tanong ko habang binabasa ang synopsis ng story. Ang cool talaga nito.

"Ito po ma'am, Voiceless, kay HaveYouSeenThisGirl din yan." Iniabot niya ulit yung book sa akin. "Marami pa po dito kung gusto niyo ma'am." Alok niya sa akin.

"Sige po I'll buy muna this two. Sa susunod na siguro ako kukuha ng iba." Sakto namang walang nakapila kaya nabayaran ko na agad yung books. "Thank you miss." Pasasalamat ko sa attendant nila na naging friendly sa akin.

Dumiretso ako ng Starbucks dahil excited na akong mabasa ang nabili kong bagong libro. Umorder muna ako ng venti strawberries and cream at isang slice ng black forest cake nila. Ibinigay naman niya agad sa akin ang slice ng cake. Habang hinihintay ko ang order ko, naupo na ako sa malapit sa bintana. Mas tahimik rito kaysa sa inaasahan ko.

"Strawberries and cream for miss Carly!" Sigaw ng barista. Lumapit naman ako agad para kunin ang order ko pagkatapos ay bumalik na ako sa pwestong napili ko. Walang masyadong tao, may mangilan-ngilan lang na tahimik na nagkakape, yung dalawang babae naman sa kabilang table ay busy sa pagpindot sa kani-kanila phone at laptop.

Binuksan ko ang plastic kung saan nakalagay ang dalawang bago kong libro. Uunahin ko na muna ang Diary ng Panget, napakainteresting kasi ng plot nito at catchy talaga yung title.

Sisimulan ko na sana ang pagbabasa ko ng mahagip ng peripheral view ko ang isang pamilyar na tao. Tinignan ko siya at nagtama ang mga mata namin.

Tug-dug.. Tug-dug.. Tug-dug..

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para akong kinakabahan. Tapos ay napansin kong may babaeng humahabol sa kanya at pilit siyang hinaharangan. Nagdidiskusyon sila pero di ko maintindihan ang pinaguusapan nila dahil nga nasa loob ako at nasa labas sila.

Pinilit kong wag madistract at binuklat na ang libro. Pero nagulat ako ng bigla na lang may tumabi at umakbay sa akin.

"Hi babe! Kanina ka pa? Sorry may inasikaso lang ako." Sabi niya sa akin. Oh gosh Amber ano ba to?! I gave her the what-are-you-talking-about look. Nginitian naman niya ako and gave the sumakay-ka-na-lang-sa-trip-ko look.

"Siya ba? Siya ba ang ipinalit mo sa akin?!" Sigaw nung babaeng humahabol sa kanya. She's pretty though hulas na ang make up niya sa kakaiyak.

"Hindi siya ang ipinalit ko sayo. Dahil siya ang nauna at siya ang mahal ko." Cool na cool niyang sabi. Wait?! Ako mahal niya? She must be joking!

Nagsimula ng tumingin ang mga tao, maging ang guard at ang mga barista.

"I hate you Amber! Magpapakamatay ako!" Sigaw niya. Nagsimula na rin siyang umiyak. Ito namang si Amber ay nakaakbay pa rin sa akin at nagde-kwatro pa. Nanahimik na lang ako sa tabi dahil hiyang-hiya na ako. Nakatingin ang mga tao samin at feeling ko, pinagpipiyestahan na nila kami.

"Then go. Wala akong pakialam. Stop this nonsense Ira. We're done." Seryosong sabi ni Amber. Tinanggal na niya ang kamay niyang nakaakbay sa akin. Teka, nung nasa club kami, may Lily na, iba pa si ungol girl tapos itong si miss psycho-whose-name-must-be-Ira iba rin. Oh gosh! This Amber's a certified playgirl talaga.

"No! I'd get you back pag naghiwalay kayo ng babaeng yan! I'll even tell mom about this! I'd make her life f*ckin miserable!" Sigaw nung Ira na patuloy pa rin umiiyak. Tapos ay nagwalk out na siya. I was shocked. Ano daw yun? She'll make my life miserable?!

"Te.. Teka nga! Bakit ako nadamay dun?!" Kabado kong tanong. "Nananahimik ako dito tapos bigla kang susulpot pati yung psycho girl na yun at guguluhin ang buhay ko?!"

She smiled wickedly at me tapos lumapit siya sa akin. Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg at tenga ko. It gave me a tingling feeling down my spine.

"That's my revenge for your mischievous kiss, miss?" Bulong niya sa akin, her voice is husky. "Scarlet. Right. Miss Scarlet." She said when she recalled my name. I blushed.

"Te.. Teka! Nagsorry na ko about dun di ba?" Kabado na talaga ko. Ano ba tong napasukan ko?

"You're blushing Scarlet." She chuckles. Scarlet? Why does she makes my name sound so sweet.. And sexy?

"From now on, you're my girlfriend." What?! Girlfriend?! Nanligaw ba siya? Sinagot ko na ba siya? No!

"I know magrereklamo ka. But this is to protect you. I dragged you into this mess and it's my responsibility to protect you from Ira. I'm sorry. She's really a psycho and kasalanan ko kung may magawa siya sayong masama." Paliwanag niya.

Okaaaay.. Pero teka. Ayoko ng ganito! Kaya ko ba to? Ako? May girlfriend? Hindi! Hindi ako lesbian! Pero may balak na masama sa akin ang Ira na yun? Paano na to? Oh gosh ground please, lamunin mo na ko ngayon! Huhuhu.

"Pa.. Pano ko.. Sasabihin sa friends ko to? No! Ayaw ko!" Protesta ko sa kanya.

"You have no choice Scarlet. You're mine now." She winked at me. And butterflies go crazy inside my tummy. Oh gosh! She's so alluring and sexy. What?! Ano ba tong pinagsasabi ko?!

"Are you crazy?!" I shouted. Nagtinginan na naman ang mga tao sa amin.

"Yeah. Ever since that kiss. Tara na. Pinagtitinginan na tayo." Tapos ay kinuha niya ang bag at ang mga libro ko. Nakaupo pa rin ako. "Come!" Pilit niya. Wala na akong nagawa kundi ang sumama na sa kanya dahil nga nakatingin pa rin ang mga tao. Syempre kinuha ko yung S&C ko, sayang din to 'no.

"Saan mo naman ako balak dalhin?" Tanong ko sa kanya.

"Sa puso ko." She said without looking at me but I can see a hint that she's smiling. Napangiti din ako pero agad ko naman itong binawi.

Naglakad kami papunta sa kung saan. Hawak niya ang mga gamit ko. Ngayon ko lang napansin na ang hot niya, even from behind. Nakasuot siya ng gray polo shirt na nakaclosed button, black skinny pants pero hindi ganun kafitted, black na chucks at nakasuot siya ng black na G-shock. Oh my gosh! Am I drooling? No! Hindi!

Humarap siya sa akin, mga isang metro ang layo namin. "Bakit ba ang bagal mo maglakad? Nagugutom na ko!" Sigaw niya bago siya lumapit sa akin at hinila ako.

[A/N: Comments and votes appreciated.]

Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon