Chapter 30:
Touchdown Vigan
[Carly's POV]
Maaga kaming nagbyahe pababa ng Baguio. We will be going down to La union again and take that route. Yun din kasi ang alam kong route na madali matandaan, since dun din ang daan namin pauwi.
Hindi na kami sa hotel nagbreakfast dahil gumawa naman ng snacks si Missy at Denise. Nasa kanila kasi yung food supply namin for the trip. They made sandwiches. Kaya habang nagba-byahe, kumakain kami.
Si Amber muna ang nagdrive pababa ng Baguio. Tinabihan ko naman siya sa harap. Ang saya-saya namin habang nagbbyahe dahil panay ang pagsabay namin sa playlist ng iPod ni Missy.
"My name is Missy, I'm so very fly oh my it's a lil bit scary." Sabay ni Missy sa kantang Pretty girl rock ni Keri Hilson. Saktong-sakto ang pangalan niya dun ha.
♬ All eyes on me when I look in
No question that this girl's a ten
Don't hate me cause I'm beautiful
Don't hate me cause I'm beautiful
My walk, my talk, the way I dress
It's not my fault so please don't trip
Don't hate me cause I'm beautiful
Don't hate me cause I'm beautiful.. ♬
Hawak ko lang ang kamay ni babe habang nagdadrive siya. Sila naman sa likod namin, lalo na si Missy at Denise, panay pa din ang kanta. Si Nami lang yata ang tahimik at tatawa-tawa na lang. My crazy friends.. They're really fun to be with.
Nagstop over muna kami sa San Fernando, La union. Gusto kasi nila ng fries, kaya sa Mcdo kami. Bumili na rin kami big mac at ng monster float para di na kami gutumin. Paano ba naman kasi, halos maubos na yung sandwich dahil sa kakakain nila. Minsan di ko maintindihan kung mabilis lang ba silang magutom o talagang bored lang ang mga bibig nila.
"You have to eat.." Turo ni Amber sa big mac. "Kanina di ka nagsandwich tapos fries lang nilalantakan mo." Paalala ni babe sa akin. Nasa byahe na kami ulit. Sinusubuan ko rin siya ng fries.
Sumunod naman ako. Kinuha ko yung big mac at kinagatan ito. Sobrang excited na kasi akong makabalik sa hometown ko. Makikita ko na ulit ang mga pinsan ko at higit sa lahat, makakauwi na ako ulit sa kinalakihan kong bahay.
Pinalitan naman ni Nami si Amber para magdrive nung nagstop over kami para naman umihi. Kaya bumalik na kami sa dati naming pwesto.
Si Missy at Denise na kaninang makulit at panay ang kanta, ayun tulog. Kami naman ni babe magkayakap lang at nakatingin sa labas ng bintana.
Tahimik na naman ang byahe pero hindi ako makatulog dahil sa excitement. I'd get the chance to roam around with babe and the girls. Ang saya nun for sure. Plus maipapakilala ko na siya sa lahat ng kamag-anak ko. They'd love her.
"Babe?" Si Amber.
"Po?"
"Di ka iidlip?" Tanong niya.
"No. Ikaw po?" Sagot ko, still looking outside the window.
"Hindi rin. I can't sleep, naeexcite na kinakabahan ako." Mahina niyang sagot.
"Bakit ka naman kakabahan?" Tinignan ko siya.
"Kasi.. Ugh! Di ba dun hometown ng mom mo?" Tanong niya, she looked really nervous.
BINABASA MO ANG
Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]
ChickLitAmber Chen's THE Playgirl. She's a total heart breaker, until she met Scarlet. But will Scarlet totally change her? Abangan ang mga susunod na kabanata.. The story you will about to read is a GxG. If you think you're straight enough to read this, be...