C12: The Psycho's Back

12.5K 223 19
                                    

[A/N: Thanks to @ShiidoniiOochizu for the corrections. Thanks for reading this story. I know hindi ito ganun kaganda pero naappreciate niyo pa rin. :) XOXO]

-----------------------------------

Chapter 12:
The Psycho's Back

[Carly's POV]

Nagtext sa akin si babe nung natapos ako magshower.

From: Amber babe
I miss you babe. Wala ko katabi matulog. :(

From: Amber babe
Miss ka na ni Mimi at Meme. They won't eat. :(

Nagreply naman ako.

To: Amber babe
I miss you more babe. Tell Mimi and Meme I'll be coming home tomorrow with mom and dad. Just hug bunbun na lang muna. You in my unit?

Tapos nagbihis na ako ng pajamas na pasalubong sa akin ni mom galing States. Ang cute kasi bunny yung design niya. Nakita kong umilaw ulit yung phone ko.

From: Amber babe
Yes babe. Walang kasama yung baby bunnies. :( hug ko bunbun. Miss na? Upuu! Lablab? Upuu!

Hihi. She's baby talking again. I called her.

"Hello?" Bungad niya sa akin.

"I miss you more. Bukas sunduin mo ko dito ha? Dala ka ng damit ko. Okay?" Sabi ko sa kanya.

"Sure babe. See you tomorrow. I love you!" She said.

"I love you more. Bye!" Tapos binaba ko na yung call.

Nung matutulog na kami, sa gitna ako nila mom and dad. Malaki naman yung bed kaya okay lang na magtabi-tabi kaming 3. Namiss ko yun ganito. Bonding with my parents.

[Someone's POV]

"Habulin niyo ko! Mga hunghang! Hahahaha!" Akala siguro nila maaabutan nila ko at mahuhuli nila ko?

Naglalakad ako ngayon dito sa high way, dito ako dinala ng mga paa ko na kanina pa pagod na pagod sa kakatakbo.

Impiyerno ang naging buhay ko sa lugar na yun! Puro mga baliw ang kasama ko. Ano bang akala nila sa akin? Baliw?!

Ang Amber na yun! Humanda siya sa akin. Pati yung babaeng sinasabi niyang mahal niya. Ano nga ulit pangalan nun?

Scarlet? Tama! Scarlet nga! Silang dalawa, gagawin kong miserable ang buhay niya. Gaya ng nangyari sa akin.

Kung hindi rin lang mapupunta sa akin si Amber, hindi siya maangkin ng kahit sino man. Akin lang siya. Akin lang si Amber! At kung ang babaeng Scarlet na yun ang dahilan kaya niya nagawa sa akin ito, humanda siya!

Wala na akong pamilyang uuwian, dahil paniguradong ibabalik lang nila ako sa impiyernong lugar na iyon. Lalo lang akong mababaliw kapag ibinalik pa nila ako dun. San ba ko pupunta? Kailangan kong makabalik sa dati kong buhay. Kailangan kong makaganti lalong lalo na sa babaeng umagaw kay Amber sa akin.

Pagod at gutom na ang inabot ko sa kakalakad. Nasaan na ba ako?

Habang patuloy ako sa paglalakad, may nakita akong paparating na maliwanag. Sasakyan!

Kaso habang papalapit ng papalapit yung sasakyan, unti-unti naman akong nanghihina at dumidilim ang paningin ko. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

[Amber's POV]

Nagulat ako ng marinig kong nagring ang phone ko. Tinignan ko yung wall clock, ala-una pasado pa lang. Sino ba to?

Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon