C31: Summer's best

6.4K 147 12
                                    

Chapter 31:
Summer's best

[Carly's POV]

Spending summer with my family, friends and of course my girlfriend Amber was the best.

"Uy Kylie! Tahimik ka dyan?" Napansin kong tahimik yung pinsan ko sa tabi, nandito kasi kami sa beach kasama sila ng mga barkada niya.

"Uy Alet!" Bati sa akin ni Kylie, siya yung pinsan kong lesbian na karelasyon for 3 years ang kababata naming si Jen.

"Mukhang may problema ka ah?" Tanong ko sa kanya. Close naman kami ni Kylie kahit papano.

"Si Jen kasi.." Tapos ay nagpakawala siya ng buntong-hininga.

"Lalim niyan ah? Anong meron kay Jen?" Tanong ko.

"Okay naman siya. Pero kami, hindi ko alam." Malungkot niyang sagot.

"Nagusap na ba kayo?" Tanong ko ulit.

"Hindi pa. Isang linggo ko na siyang di nakikita. Miss na miss ko na nga siya eh." Sagot niya. "Alet, what if, hindi nagustuhan ni uncle at auntie si Amber? Ipaglalaban mo ba siya?" Tanong niya.

Napaisip naman ako. Paano nga kaya? Tinignan ko si Amber na masayang nakikipagkulitan sa mga kaibigan ko. She earned their trust and friendship, because Amber cared for me and loved me. She changed for me, she even apologized to all the girls she hurt just to have a happy relationship with me. And that's enough to make me fall in love with her more. My mom and dad loved her too. Like my friends, they trusted and love Amber because they saw Amber's love for me. And I'm really thankful with that. I know Amber's worth fighting for. Cause I love her and she loves me more.

"Hindi naman siguro ganun kakitid ang utak nila mom at dad, pero kung ganun nga ang nangyari.. I would definitely fight for her. She loves me and she's worth fighting for." Sagot ko. I can sense there is something wrong with them. "Bakit cous?"

"Alet, si Jen kasi.." She sighed. "Hindi yata niya ako kayang ipaglaban." Then drops of tears fell from her eyes. Nashocked ako. All this time kasi, okay na okay sila ni Jen. Though hindi sila legal sa father ni Jen - na dating pulis - ay okay naman sila mama niya.

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko.

"Nalaman na ng tatay at kuya niya ang tungkol sa amin. Ayaw nila makausap ko si Jen.." Malungkot niyang sagot.

"That's really a problem.. Pero cous, kung ano man ang pinagdadaanan niyo ngayon, kung mahal niyo talaga ang isa't-isa malalampasan niyo yan. You just have to be patient and wait for the right time. Then talk to her kung makakatiyempo kayo." Payo ko.

"Aaaaaaah!" Maya-maya ay narinig kong sumigaw si Missy. Binabasa kasi nila Amber at Nami.

"Buti pa kayo ng girlfriend mo sobrang okay." Nakatingin siya sa direksyon nila Amber.

"Magiging okay din kayo cous. Sa relasyon naman di mawawala ang problema." Tinap ko ang shoulders niya. "Wag ka nga magsenti dyan! Di bagay eh." Ginulo ko yung buhok niya.

"Magswimming ka na nga dun! Para naman umitim ka. Ang puti-puti mo!" Tulak niya sakin.

"Sige sali muna ko sa kanila ha. Magiging okay din kayo! Tiwala lang!" Sigaw ko bago tuluyang sumali sa kulitan nila.

We had fun playing at the beach. Di man white sand, ang ganda-ganda pa rin ng view.

Napaisip ako ng makita ko ulit si Kylie na nakaupo pa rin sa pwesto niya kanina. Hindi siya umaalis at nakatingin sa kawalan.

Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon