C16: The Psycho's Revenge (Part 1)

9.9K 178 7
                                    

Chapter 16:
The Psycho’s Revenge (Part 1)

[Ira’s POV]

And they’re back! Sa wakas naman at hindi na nila ako pinaghintay ng matagal.

“So you’re doing it according to your plan?” Tanong sa akin ni Lily, isinama niya si Trish ngayon, himala.

“Yes of course. I’ll make that girl’s life miserable and I’ll get Amber back.” Nakangiti kong sagot.

“Then goodluck. Amber’s smart, gagawa at gagawa yun ng paraan para pigilan ang mga pinaplano mo. Magingat ka." Paalala sakin ni Lily.

"I knew that, kaya nga pinagisipan kong maigi ang lahat. And thanks to your help Lily." Nakangiti kong saad.

"My pleasure." Nginitian niya ako at saka uminom ng beer na nasa can. Si Trish, nasa tabi niya lang at panay ang palit tingin sa aming dalawa.

I stood up and went to the room para kunin yung pinahiram sa aking laptop ni Lily. Gonna stalk Amber's FB, alam kong hindi ito ang private account niya pero maigi na itong may konting hint ako sa mga ginawa nila sa Cebu.

I saw few pictures of them, so kasama rin pala nila ang pinsan ni Amber na si Nami. Mukhang close na close ang mga magkakaibigan. They're all smiles at kitang-kitang masaya sila. I felt envious, this girl's so lucky. I never had the chance to have friends and go out with them like that. My palm twitched cause of the idea.

Well, unlucky for her she had Amber. Mukhang may few changes akong gagawin sa plan ko ha. Kailangan kong masira ang lahat-lahat sa babaeng yun. Kailangan maging miserable siya at magisa. Like the way I used to be. Kung hindi man mapasakin ang lahat, sisiguraduhin kong akin si Amber at maiiwan siyang magisa. Pero dahil hindi ito magigig madali, maghihintay ako ng tamang panahon para isakatuparan ang paghihiganti ko.

[Carly's POV]

Back to school agad kami after the Cebu trip. We'll present our presentations about it this week, kaya naman medyo busy ang lahat. Plus we have exams din this week 'til next week kaya naman todo aral kami, though may times na we go out para marelax kahit papano.

Naiuwi ko na rin ang baby bunnies ko kahit parang naattach na si Naomi sa kanila at ayaw silang ipauwi. Good thing Nami talked to her kaya naman napapayag na rin siya after 2 days. Sobrang namiss ko na kasi sila.

"Babe you tired?" Tanong sa akin ni babe, nagrereview kasi kami dito sa salas ng unit ko at medyo sumakit na ang batok ko kakareview ng notes ko.

"Sumakit lang batok ko babe. Rest muna." Sabi ko at saka sumandal sa sofa, naka-indian sit kasi ako sa carpet. Si babe naman nakaupo sa sofa at nagbabasa rin ng notes niya.

"Sige I'll make snacks na rin muna." Sabi niya bago ilapag ang notebook na hawak niya sa center table.

After minutes or so, bumalik na si babe dala-dala ang tray na may lamang ham & egg sandwiches at four seasons juice. Nilapag niya ito sa center table.

"Let's eat na muna babe." Sabi niya habang inaayos yung ginawa niyang meryenda. Kinuha ko yung sandwich ko at kinagatan ito. Yummy!

Nagulat naman ako nung napansin kong nakatitig sa akin si babe.

"What? May dumi ba ko sa mukha?" Tanong ko sa kanya.

"Yes. May ketchup ka.." Sagot niya.

"Saan?" Tanong ko ulit.

Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon