C26: Summer vacation

8.6K 168 9
                                    

[A/N: Sa mga Ilocano/ Ilocana dyan, may ilang sentences po ako sa chapter na to na isinulat ko in ilocano. Di ko lang sure kung tama ba yung spelling. Comment na lang po kung may mali ako. And kung familiar kayo sa Samara beach at Paradiso resort sa La union, well nakapunta na po kasi ako dun kaya naman yun na lang ang ginamit ko. Since wala akong time para mag-research pa ng places na pwedeng maging setting. So ayun.

Anyways, sa mga naghihintay ng bed scene dyan. Malapit na po. So ayun, thanks for the increasing reads and votes.

READ. COMMENT. VOTE. LOVE. ♡]

----------------------------
Chapter 26:
Summer vacation

[Carly's POV]

The sun's at it's hottest and from the scorching heat, I knew it's summer.

I loved summer, of all seasons - dahil 2 lang naman ang season dito sa Pinas. And summer means vacation. Ito rin ang favorite season ko dahil ito ang panahon kung kelan ako nakakapag-enjoy kasama ang mga kaibigan ko. At super excited din ako na makasama si Amber sa trip namin ngayong summer. Plus, malapit na rin ang first anniversary namin.

"So, san tayo this year?" Tanong ko sa kanila. Nandito kami ngayon sa mall, last day rin ng classes nila.

"Puerto Galera? Or Puerto Princesa?" Si Denise ang unang nagsuggest.

"Nagpunta na tayo dun the last 5 and 6 years ago di ba?" Kontra ni Honey.

"How about Bora?" Suggestion ni Missy.

"Nah! We've been to Bora last-last-last summer. Saka naranasan na natin yung pagiging crowded dun tuwing peak season. Sa iba naman." Si Honey ulit.

"How about an out of the country trip?" Suggestion naman ni Nami.

"Babe, summer is more fun in the Philippines! Di ba lagi kayo nag-aout of the country every summer?" Kontra ulit ni Honey.

Kami naman ni Amber, busy lang sa blueberry cheesecake at strawberries and cream drink namin.

"Puro ka naman kontra Honey eh. Sige nga! Magsuggest ka kung san tayo this summer!" Missy smirked at Honey.

"Ahh-ehh.. Wala rin ako maisip eh. Hehe." Sagot naman ni Honey.

"Kayo naman, ang tahimik niyo. Magsuggest nga rin kayo. Kami-kami lang nagbibigay ng suggestion eh." Pansin samin ni Denise.

"Wala pa akong maisip. At saka ang sarap eh." Sabi ko sabay inom ulit ng strawberries and cream frappucino ko.

"Asus! Ikaw Amber may naisip ka na bang place to go this summer? Para naman masaya?" Tanong ni Denise kay Amber na busy rin sa pagkain.

"Basta kasama ko si Scarlet ko, masaya na ako." Amber said and looked at me, smiling. Nagtawanan naman ang girls dahil sa pagkacheesy niya.

"Alam ko na! Bakit kaya di tayo magjoyride papunta sa North part ng Pinas? Dumaan tayo sa Pampanga, Pangasinan, paakyat sa Baguio, sa La union tapos dumiretso tayo sa beach house namin sa Ilocos? That would be fun!" Suggestion ko.

"Oh my gee! That's awesome!" Missy giggled.

"Oo nga! We can go to different places this whole summer." Sabi naman ni Denise.

"I'd love that." Si Amber naman ang nag-agree.

"We couldn't agree more." Sagot ni Honey na nakatingin kay Nami. "So when are we packing our things?" Tanong niya.

Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon