C14: The Cebu Getaway

13K 204 18
                                    

[A/N: Para sa inyong kaalaman, ang chapter na ito ay medyo imbento ko lang kasi di pa naman talaga ako nakakapunta ng Cebu. But I know someday, I will. :) Comment na lang po kayo kung may mali ako ha? Thank you!]
-------------------------------------------

Chapter 14:
Cebu getaway Part 1

[Carly's POV]

Bago kami umalis papuntang Cebu, sa unit ko muna tumuloy si mom at dad pagkagaling nila sa Ilocos. They visited our relatives their at masayang-masaya silang nagkwento about sa mga nangyari dun. Sana raw ay nakasama ako. Pinasalubungan nila kami ng bagnet at longganisa. Gustong-gusto ito ni Amber.

Halos sabay-sabay kaming umalis papunta sa airport dahil madaling araw rin ang flight nila. Naiyak pa ako dahil mamimiss ko na naman sila. Ibinilin naman nila ako kay babe.

Paalis na kami at malungkot pa rin ako dahil hindi nagtagal sila mom at dad dito sa Pilipinas. Pero kahit papano naman ay masaya ako dahil nagpunta sila nung debut ko at nakilala na nila si Amber at gustong-gusto nila ito for me.

“Babe are you okay?” Si babe nung nakatake off na yung plane.

“Yeah. I’m just a bit sleepy babe.” Sagot ko naman.

“I know you’ll miss mom and dad but that’s okay. We can talk to them naman anytime di ba?” She said and hugged me. Medyo maingay ang plane dahil halos lahat ng tao sa loob ay kakilala namin dahil nga isang plane ang ginamit for the tour. Three blocks ng Tourism students ang magkakasama ngayon pero maghihiwa-hiwalay naman kami later.

Touch down Cebu! So excited for this tour with my Amber and our friends. Kasama din namin si Nami kahit na hindi naman siya dapat kasama sa tour na to. May tita siya sa father’s side na taga Mactan kaya naman dun muna siya magstay, at after ng tour namin, dun din kami tutuloy. Mapapamahal kasi kami sa hotel accommodation.

Buong araw ng Sabado, lilibutin namin ito. Tapos sa Linggo, pwede na namin pasyalin ang Cebu na kami-kami na lang.

Nandito kami ngayon sa hotel room. Hindi kasi kasama sa bayad namin yung accommodation dito sa hotel yung binayaran naming for the tour. Since, 1 day lang naman talaga kami dito.

Madaling araw kami nagbiyahe at nakarating kami sa Mactan airport ng 6AM. Halos kasabay namin ang sunrise.

This is a 'Culinaria tour', meaning, habang nagto-tour kami ay matitikman din namin ang famous delicacies ng Cebu. Kaya naman tuwang-tuwa si Amber kasi first time niyang makakapunta rito. Ako, nakapasyal na ako dito when I was a kid. Kaya naman medyo familiar na ako sa place, though malaki na ang pinagbago ng Cebu. Maganda na at naging urban city na ito unlike dati. Mas marami na ring tao ang naninirahn dito ngayon. May mga high rise buildings na rin at balita ko, may mga call centers na rin dito.

Naglibot-libot na kami kasama ang ilang classmates pati na rin yung prof namin at ilang tour guides. May dala-dala kaming notebooks, tablets/ iPads to take note about the whole tour. May gagawin pa kaming essay about sa experience namin sa tour na ito.

Our first stop, Magellan’s Cross.

“This is the Magellan’s Cross, as you can see, hindi po tayo pwedeng pumasok ngayon sa loob since yung cross po ay medyo tabingi na.” Sabi nung tour guide namin. Napatingin naman ako dun sa cross, oo nga no? Medyo tabingi na siya. Sa tagal naman kasi ng panahon na nakatayo ang cross na yan, na itinayo sa lugar na ito nung April 21, 1521. Kung saan biniyagan yung first Christian Filipinos, which is Rajah Humabon, Queen Juana at ang iba pang 400 na tagasunod nila ang binaptized ni Father Pedro Valderama. In 1525 hanggang 1740, nagtayo ang mga Augustinian preists ng open shrine para sa cross pero ilan sa mga natives ng Cebu ang kumukuha ng tipak ng cross sa paniniwalang may miraculous power. Kaya naman gumawa na lang sila ng kiosk-like structure para maprotecct yung cross sa isang total destruction. Para mas maprotektahan pa lalo yung cross, ginawan nila ito ng balot na gawa sa tindalo wood to encase the original cross na nakatayo pa rin hanggang ngayon.

Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon