C15: Goodbye Cebu

12.2K 189 0
                                    

Chapter 15:
Goodbye Cebu

[Amber’s POV]

After the wonderful night, nagising kami ni Scarlet ng medyo late na.

“Good morning beautiful.” Nakangiti kong bati sa kanya. Tapos kiniss ko siya sa lips.

“Good morning babe.” She smiled sweetly at me.

“No hangover?” Tanong ko s akanya.

“Wala po. I just need water.” Sagot niya.

Bumangon naman ako para ikuha siya ng tubig.

“Here, miss insatiable..” Pangaasar ko sa kanya.

“Naman ehhh!” Sigaw naman niya.

“Binibiro ka lang eh. Sige na inumin mo na to. Tapos maghilamos na tayo, I think they’re awake na rin.” Sabi ko sa kanya. Bumangon na ako at nagsuot ng damit. I remembered what happened last night. I never imagined her to be like that. But I like her other-side.

Pumasok na ako sa banyo at sumunod naman siya. I took a quick shower and paglabas ko, nagtu-toothbrush nasi babe. Sinabayan ko na rin siya.

“Hindi ka ba magshashower babe?” Tanong ko sa kanya nung matapos kaming magtoothbrush.

“Magshashower po. Wait for me ha?” She said then pumasok na sa shower.

Hinintay ko siya for 15 minutes. I uploaded few of our pictures on my private Facebook account.

"Sino yang katext mo?" Tanong niya sakin paglabas niya ng banyo.

"Wala. Nagupload lang po ako ng pictures." Sagot ko.

"Ahh okay. Tara na sa baba?" Tanong niya. Tumango lang ako tapos bumaba na kami.

"Ma'am nasa garden po sila, dun na po kayo dumiretso kasi hinihintay nila kayo." Sabi nung isang kasambahay.

"Salamat." Si babe.

Dumiretso naman kasi sa garden, actually it's a man-made garden. Dati kasing may swimming pool dito, but Tita Bella realized na redundant naman kung dala-dalawa pa ang pool ng bahay tapos katapat pa ng dagat. Kaya pinatibag niya yung pool at pinalandscape para magmukhang garden. May mga tanim na siyang ornamental plants and flowers dito na siya ang nagaalaga. Well, Tita Bella has a green thumb dahil talaga nga namang magaganda ang mga halaman at bulaklak niya rito. It's so refreshing to see.

Kinawayan na kami ni Nami nung nakita niyang paparating na kami. Nasa part sila ng garden na medyo malilim dahil sa mga vines na nakasabit sa ginawang shed, medyo mainit na kasi dahil patanghali na.

"Ang tagal niyo naman! Siguro napuyat kayo no?" May tonong mapangasar na tanong ni Nami.

"Oo nakakapuyat si babe eh." Ngumiti naman ako ng nakakaloko at tinignan si Scarlet. Pinandilatan niya pa ako ng mata at saka akmang mangungurot.

"Oops! Joke lang." Bawi ko. Baka kasi kurutin niya ko eh.

"Have a seat and eat. You need energy para sa pamamasyal later." Si Tita Bella, naupo naman na kami ni babe.

Nagsandok na ako ng fried rice para samin ni babe, siya naman ang naglagay ng spam at egg sa pinggan ko. She put tocino and egg on hers. I also poured orange juice one her glass.Kumain na kaming lahat ng sabay-sabay. Pinagusapan na rin namin kung saan kami pupunta bago ang flight namin pabalik sa Manila mamayang gabi.

Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon