Chapter 19:
The Big Twist[Carly's POV]
Halos isang buwan na nung huli naming nakita si Amber. She went away after that fake wedding. Malapit na ring matapos ang semester nung nalaman ko na nasa hospital si Amber dahil naaksidente pala siya at wala kaming kaalam-alam sa mga nangyari. Kung sino man ang nagbalita nun sakin, hindi ko kilala basta masaya ako at makikita ko na si Amber.
Agad-agad akong nagpunta sa hospital para makita siya.
"Miss saan yung room ni Ms. Amber Chen?" Tanong ko sa Nurses' station.
"Sa room 302 po ma'am." Sagot naman nung nurse.
Agad akong tumakbo sa room na sinabi ng nurse. Grabe ang kaba ko dahil hindi ko alam kung ano ang aabutan ko. At isa pa, alam kong galit sa akin si Amber at natatakot akong ipagtabuyan niya ako.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto..
Nakahiga siya at may benda sa ulo. Paglapit ko sa kanya, di ko na napigilan ang pagiyak ko.. Hinawakan ko ang kamay niya.. Gustong-gusto ko siyang yakapin..
"Rounds lang po ma'am.. Kamag-anak po ba kayo ng pasyente?" Tanong ng isang nurse na di ko napansing dumating.
"Kaibigan po.." Mahinang sagot ko. Chineck niya yung suero ni Amber at pinalitan ito.
"Nurse, ano pong nangyari sa kanya?" Tanong ko bago pa makaalis yung nurse.
"Ang alam ko po ma'am, naaksidente siya. Tapos nacomatose siya for 2 weeks. Bagong assign lang po kasi ako dito kaya yun lang po ang alam ko." Sagot naman nung nurse.
"Kilala niyo po ba sino ang nagdala sa kanya dito?" Tanong ko ulit.
"Di ko po kilala ma'am. Pero may isang babae po na laging pumupunta dito. Di lang po siguro kayo nagabot kanina. Sige po ma'am may mga iche-check pa po kasi akong patients." Sabi niya tapos umalis na.
Babae? Sinong babae?
Nagulat ako nung biglang gumalaw si Amber.. Unti-unti na rin siyang nagmulat ng mata..
Parang nagulat siya ng makita ako, matagal niya akong tinitigan.. Parang kinikilala niyang mabuti kung sino ako.
"Sino ka?" Tanong niya.
Sino ako? Hindi na niya ako kilala? O tuluyan niya na akong kinalimutan? Lalo akong naiyak sa tanong niya.
"Miss bakit ka umiiyak? Sino ka ba?" Tanong niya ulit.
"Amber? Hindi mo na ba ko kilala?" Tanong ko sa kanya habang umiiyak.
"Amber? Sinong Amber? Ako si Alex miss.." Sagot niya, may halong pagtataka ang itsura niya.
Hindi! Hindi ako pwedeng magkamali. Siya si Amber. Siya ang girlfriend ko.
Nilapitan ko siya at saka ko siya hinalikan. Natigilan siya pero itinulak niya rin ako papalayo.
"Ano ba miss?!" Sigaw niya sa akin.
"What's happening here?" Tanong ng isang babaeng kakapasok lang sa pinto. Nakahoodie siya ng pula at may dalang pagkain galing sa isang fast food chain.
"Hon.. Buti bumalik ka na." Sabi ni Amber.. Nilapag nung babae yung dala niya sa mesa at nilapitan si Amber ng hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Sorry hon, natagalan ako. Missed me?" Tanong nung babae. Tumango naman si Amber at saka siya hinalikan nung babae.
"Teka.. Sino ka ba? Bakit hinalikan mo si Amber?!" Tanong ko sa babae.
BINABASA MO ANG
Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]
ChickLitAmber Chen's THE Playgirl. She's a total heart breaker, until she met Scarlet. But will Scarlet totally change her? Abangan ang mga susunod na kabanata.. The story you will about to read is a GxG. If you think you're straight enough to read this, be...