C7: AWOL (Absence With Out Leave)

16.5K 373 8
                                    

Chapter 7:
AWOL

[Carly's POV]

Matapos ang house blessing, ilang araw pang hindi nagpakita si Amber. Hindi siya pumapasok at hindi rin siya nagpupunta sa unit ko.

Okay, I admit it, I kinda like missed her. Pero naaasar ako sa kanya dahil nagaalala ako. Paano pala kung hindi na siya bumalik? Paano kung may nangyari na pala sa kanyang masama tapos di ko pa alam di ba? I mean, di pa namin malalaman.

It was Thursday and wala kaming pasok dahil sa wala kaming prof. Buti na lang at naitext ako ni Missy bago pa man ako makaalis ng unit. At dahil tinatamad akong magluto, nagalmusal ako ng cup noodles.

Simula ng di nagparamdam si Amber ay hindi na ako masyadong magana kumain. Ewan ko ba. Nasanay din kasi ako na kasama ko siya.

Wala ng nangungulit sa akin. Walang kasabay pumasok, kasabay kumain at walang Amber na laging nasa tabi ko.

May SepAnx (Separation Anxiety) na yata ako dahil sa pagkawala niya. Ni hindi man lang siya nagtext or tumawag ulit kung nasaan na ba siya.

Nagbuklat na lang ako ng libro, this is the book that I bought the day she claimed to be my girlfriend. Voiceless by  @HaveYouSeenThisGirl

Actually nabasa ko na siya, it's about a girl named Momoxhien Clarkson. She's a fan of her favorite band, Syntax Error, which eventually turned to be their P.A. Momoxhien fell in love with the band vocalist, Sync Mnemosyne, but she can't tell her feelings to him. But in the end, sila pa rin ang nagkatuluyan.

Kami kaya? Haist. I shooked my head and just burried myself to bed.

♬ Cause all of me.. Loves all of you.. Love your curves and all your edges.. All your perfect imperfections.. ♬

Nagriring ba ang phone ko? Hindi naman ganito ang ringtone ko ha? I looked at it and on the screen, I saw Amber's picture and name.. Pinalitan niya pala ito.

Amber babe calling..
Amber babe calling..
Amber babe calling..

Agad kong sinagot ito. "He.. Hello?" Utal ko pang sabi.

"Hi babe. I missed you.." Sabi niya na para bang kakagising lang.

"Pa-i miss you-i miss you ka pa dyan! You've been MIA (Missing In Action) tapos sasabihin mong namimiss mo ko?! Nasaan ka ba? I've been worried about you.. I mean, nagworry kami sayo! Asan ka ba Amber?! Akala ko may masamang nangyari na sayo.. Pano kung ganun ang nangyari? Pano ko malalaman?" Tapos naburst out na ako. Ewan ko ba kung bakit naiyak na lang ako bigla. Sobrang naoverwhelm lang ba ako dahil tumawag na siya after almost a week o namiss ko lang talaga siya? Huhuhuhu.

"Hey.. Hey.. Stop crying.. I'm sorry okay? Dinalaw ko si Dad sa Singapore. He's sick so I have to leave immediately. I tried calling you before I left pero you never answered." Paliwanag niya.

I was speechless, I'm still crying like crazy. Is this how a girl in a relationship feel? Ganito ba talaga yun? I have no idea dahil ito an first time ko mapasok sa isang relationship, tapos lesbian relationship pa.

"Don't worry babe.. Uuwi na ako dyan.. Dad's fine na kaya magkakasama na ulit tayo." Those words.. It reassured me kaya naman kumalma na ako. "Missed me?" Tanong niya.

Hindi ako sumagot pero tumango-tango ako as if nakikita niya. I heard that she chuckled tapos ay narinig kong tumunog sa background niya ang ping ng elevator.

"I guest you missed me that much you cried. Can you open the door?" She said.

Open the door? Open the door?! Omg! She's here?!

Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon