C2: Mischievous Kiss

22.7K 403 17
                                    

Chapter 2:
Mischievous Kiss

[Carly's POV]

When we entered the bar, ang daming party goers. May mga sumasayaw sa dance floor, may mga umiinom sa bar, may mga naglalandian at may mga nakaupo sa kani-kaniyang tables. Hinila ako nila Honey at Missy sa isang table at pinaupo ako sa couch. Tapos ay nagpunta Honey at ang jowa niya sa bar para umorder ng maiinom.

Tinignan ko ang paligid, mausok, magulo, maingay at higit sa lahat madilim pero may mga ilaw mula sa strobe lights. Kaya ayoko sa mga ganitong lugar eh.

Bumalik na si Honey at si.. Ano nga ba ulit pangalan niya? Nami? Nami nga ata, na may dalang dalawa ng boteng tequila. Kasunod nila ang waiter na may dalang asin at lemon tapos may chips pa.

"Game! Shot na para magawa na ni Carly ang dare niya!" Nginitian ako ni Honey ng nakakaloko.

"Woohoo! Let's get drunk and get laid tonight!" Sigaw ni Missy na halos di matigil sa pagpalakpak.

Pinuno nila ang limang shot glass, isa para sa bawat isa.

"1.. 2.. 3.. Shot!" Tapos ay sabay-sabay naming ininom yung tequila. Kumuha ako ng lime pagkatapos. Makakatulong to sa dare ko, mas lalakas ang loob ko.

"Kalahatiin muna natin tong isang bottle bago natin ipagawa kay Carly ang dare niya." Sabi ni Denise na halatang enjoy na enjoy at sumasayaw pa.

This club has nice interior, black and white are their main theme. Mahaba ang bar nila at may dalawang bartenders na kasalukuyang nagfle-flairing. May dj din na cool na cool sa pagmimix at scratch ng mga beat. Maya-maya ay narinig ko na ang favorite song ni Missy, ang Last Friday Night ni Katy.

Hinihila na niya kaming lahat sa dance floor, I was about to stand up dahil feel ko rin sumayaw - epekto siguro ng alak, ng magvibrate ang phone ko.

Mom calling..

"Wait guys! Sagutin ko lang to sa labas." Paalam ko sa kanila.

Agad akong tumayo at nagmamadaling tinungo ang pinto ng club, ayaw kong malaman ni mama na nasa gimickan ako. Kaso bago pa man ako makalabas ng club ay may nabunggo ako.

Boooggsshh!

"Hey! B*tch! Bulag ka ba?!" Sabi ng isang matangkad, maputi, matangos ang ilong, mapungay ang mga mata at manipis ang labing.. Wait, lalaki ba to? Nakasuot siya ng black skinny jeans, moss green shirt at may bitbit na jacket. Korean style ang buhok niya. Wait.. Babae ba to o magandang lalaki?

"So.. Sorry!" I just said, still mesmerized by him or her.

"Next time nga tignan mo ang daanan mo! Badtrip! Di kasi tumitingin sa daan eh." Mayabang na pagkakasabi niya. Ayon sa boses niya, babae pala siya.

"Ang yabang mo naman! Sayo ba tong daanan? Psh!" I just smirked at her saka ako pumunta sa kotse ni Denise para sagutin ang tawag ni mama.

"Hello ma?" Sabi ko nung medyo kalmado na ako sa hingal at bilis ng pulso ko dahil sa pagkabadtrip.

"Hello hija! Bakit ang tagal mong sagutin?" Bungad ni mama. Oh my, I miss her!

"I'm in the shower ma. Sorry." Palusot ko.

"Oh okay. I have a package for you. But promise me you'd open it after your first day of class." Oh. I can sense a surprise. Pero mas masaya sana kung sila mismo ang uuwi rito.

Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon