C28: Sweet summer lovin

7.8K 169 8
                                    

[A/N: Thank you awezumm readers! Hindi kayo bumitaw sa pagbabasa at sa pagsasabing maganda ang story na to.

☑ READ

☑ COMMENT

☑ VOTE

☑ LOVE

xoxo, LoveAnarchist ©]

------------------------------
Chapter 28:
Sweet summer lovin'

[Carly's POV]

We had fun teaching those boys their lesson.  Akala siguro nila na lahat ng babae madadaan nila sa papogi at damoobs nila ha? Asa pa sila!

"Kamusta na kaya yung mga kolokoy?" Tanong ni Denise out of nowhere.

Walang sumagot sa amin sa tinanong niya. Tumingin naman ako sa bintana. Nakikita ko na ang fog. Nasa byahe na kami ngayon paakyat ng Baguio.

Maya-maya ay biglang may tumawa.

"Hahahahahaha! Siguro, gulat na gulat sila!" Sabi ni Denise na tawang-tawa talaga. Siya na rin ang sumagot sa tanong niya kanina.

Lahat naman kami, natawa na rin. Paano ba naman kasi, nagoyo namin ang mga lalaking yun. At take note, madaming babaeng nagcomment at nagshare ng mga pictures pati na rin nung video na pinost namin sa IG. Kumalat na rin sa ibang social networking sites. Knowing na kagabi lang naipost.

"Ang ingay mo naman Denden!" Reklamo ni Honey na nagising. Kayakap pa rin niya si Nami na tulog na tulog pa rin. Napuyat din kasi kami dahil naghanap pa kami ng pwedeng matuluyan.

"Sorry poooo!" Mala-Chichay na sorry ni Denise.

After that, tumahimik na ulit. Habang nakatingin ako sa bintana, napansin kong nakatulog na si Amber. Kinuha ko yung unan na yakap-yakap niya para ilagay sa lap ko. Medyo nagising siya pero inihilig ko yung ulo niya sa unan. Pinat ko yung ulo niya habang nakatingin sa labas ng bintana. Sa McArthur high way kami dumaan, kaya kahit inaantok ako ay hindi ako makatulog. Natatakot kasi akong baka di na ako magising - well, God forbid pero baka alam niyo na, baka maaksidente kami at mahulog sa bangin - kaya tinitignan ko na lang yung view.

"Ma'am, pwede po bang magstop over muna? Naiihi na po kasi ako." Paalam ni mang Levi. Kanina pa kasi niya tinitignan yung rear view mirror. Chinecheck siguro niya kung may gising.

"Okay lang po." Sagot ko sa kanya.

Nagstop over kami sa isang simpleng kainan sa tabi ng high way. May isang bus din na nakaparada sa tapat ng kainan.

Naunang nagising sila Denise at Missy.

"Nasaan na tayo?" Tanong ni Honey na pupungas-pungas pa.

"Stop over. Hungry?" Tanong ko rin. Gumalaw na si Amber.

"Naiihi ako. Tara." Sagot niya.

"Babe.. Stop over na po. Gising na." Bulong ko sa kanya. Umayos na siya ng upo at saka ako kiniss sa pisngi.

Nagayos lang siya ng buhok at saka binuksan na yung pinto ng van. Tapos naginat-inat siya. Inalalayan niya naman ako pababa. Pagbaba ko pa lang ay naramdaman ko na ang lamig, naka t-shirt lang kasi ako and walking shorts.

"Sarap ng tulog mo babe.." Sabi ko sa kanya saka niya ako hinapit sa bewang.

"Napanaginipan ko kasi ang prinsesa ko.." Nakangiti naman niyang sabi sakin.

Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon