C13: The Psycho's Plan

10.8K 204 14
                                    

Chapter 13:
The Psycho's Plan

[Someone's POV]

Akala siguro ni Amber hindi ko kayang makalapit sa babaeng yun. Hahaha! Nagkakamali siya. Kulang na nga lang kanina, saksakin ko na siya eh.

Pero gusto kong mas matinding sakit ang maramdaman ng babaeng yun. Yun ay yung harap-harapang hindi piliin ni Amber. Kagaya ng ginawa ni Amber sa akin noon.

Kinuhako yung cellphone na nakuha ko sa babaeng yun habang nakatalikod siya kanina sa bench sa school nila. Ni hindi man lang niya napansing lumapit ako para kunin ang phone niya. Such a stupid girl, ni walang passcode man lang.

Binuksan ko yung phone niya at bumungad sa akin ang sandamakmak na rabbit sa wallpaper niya. Wth?! Nagbrowse ako sa gallery at nakita ko pa ang iba't-ibang pictures ng rabbits. In fairness cute ang mga rabbits.

Nainis lang ako nung nakita ko yung folder na may nakalagay na Babe <3

Puro pictures nila na magkasama ni Amber! At mukhang masayang-masaya pa sila dito ha!

"Arggghhh!" Halos isigaw ko. Binura ko yung album sa sobrang inis ko. Bwisit sila! Mga bwisit! Akala nila magiging masaya pa sila? Humanda sila sa akin!

Nagtype ako ng message at isinend sa lahat ng mga nasa contacts niya, maliban kay Amber syempre. Pinagmumura ko sila. Ano kayang magiging reaksiyon nilang lahat? Hahahahaha!

Unang patikim ko pa lang yun sa kanya. At ang cellphone niya, magagamit ko ito kaya dapat ko muna itong maitabi.

[Amber's POV]

I went down to the parking area to check kung nalaglag lang ba ni babe yung phone niya sa loob ni Zion. But I didn't saw it. Nasaan kaya yun?

Umakyat na ako ulit, si babe nakaupo na lang sa sofa. Kitang-kita ko ang look sa mukha niya, hindi rin siya mapakali. Nilapitan ko siya agad.

"Wala sa kotse. Hindi kaya nawala sa classroom yun kanina?" Tanong ko.

"No. I checked it kanina nung hinihintay ko kayo sa bench. Then nilagay ko siya sa loob ng bag ko kaya imposibleng nawala yun." Naiiyak niya sabi.

"Tara sa mall? Ipacut muna natin yung line at baka magamit pa sa masama yung phone mo. Ibibili na rin kitang bago. Wag ka na sad babe." Then I hugged her. Halos di na siya nakapagbihis dahil nga diretso na siya sa baby bunnies kanina tapos nagalala pa siya dahil nawawala ang phone niya.

"Mapapalitan nga yung phone pero ang daming memories nun. Andun yung mga first sweet text messages natin tapos marami tayong pictures dun." Nakasimangot na siya.

"Magpipicture ulit tayong madami saka magtext ulit tayong sweet messages. Don't be sad na. Gamit lang yun. Ang mahalaga magkasama tayo." I smiled at her and kissed her on the lips.

"Sige na nga. Baka sa adik, magnanakaw o siraulo pa napuntayun. Magamit pa samasama." Sabi niya tapos tumayo na. Magbibihis muna daw siya.

While waiting for her, chineck ko yung phone ko kung nagcharge na siya. 50% narin kaya tinanggal ko na sa pagkakacharge at nagpunta na sa terrace para tawagan si Dina, yung nurse sa rehab.

“Hello?” Bungad niya sa akin.

“Dina nahanap na ba siya?” Tanong ko.

“Hindi pa po ma’am Amber. Pero babalitaan ko po kayo." Sagot niya. Nagpaalam na rin ako agad dahil narinig ko na si babe.

"Let's go." Sabi niya. Napakaganda niya kahit simpleng shorts, sneakers at plain white shirt lang ang suot niya. Nakaponytail na rin yung mahaba niyang buhok. Lalo akong nai-in love eh.

Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon