Chapter 18:
The Psycho's Revenge Part 2[Carly's POV]
Everything's set for the surprise. Sana lang gumana talaga ang plano. I know how much Nami waited and planned for this.
Missy went to the hospital para dalawin si Tita Hannah and para na rin sa plano.
Kami naman ni Nami, naghintay ng tawag ni Missy kung papayag ba si Honey na siya muna ang magbantay para makaalis si Honey at puntahan ang lugar kung nasaan kami.
This is the park where they first saw each other. Kung saan sila unang nagdate at kung saan sinagot ni Honey si Nami. This park was so memorable Nami wanted to reenact everything with Honey. But the biggest surprise is, she'll propose to her.
We waited and waited until it's dark. Hindi rin namin macontact si Missy.
"Hindi na yata siya darating.. And she didn't even remember it's our anniversary." Nami said sadly, hawak niya yung diamond ring na binili niya for Honey.
"Ano ka ba! Darating yun! Baka busy lang kay tita. At saka wag ka magalala, babatiin ka din nun." I said and tapped her back.
Tinawagan ko si Missy and gladly, sumagot na siya.
"Nakaalis na ba siya?" Tanong ko.
"Hindi eh. Nagkaemergency. Si Tita Hannah kasi hirap na hirap ngayon. Ayaw rin iwanan ni Honey." Malungkot na sagot ni Missy. Tapos nun namatay na yung phone ko, nalowbatt na kakatawag kay Missy.
"Ano raw? Padating na ba?" Tanong ni Nami.
"Sorry Nami, she's not coming. Tita Hannah really needs her now." Malungkot kong sagot.
I saw the disappointment in Nami's eyes. Ibinulsa niya yung ring at tumayo na.
"I told you, she's not coming. She forgot about it. Wala na nga siyang time sa akin, pati ba naman anniv namin nakalimutan pa niya?" Nami said tapos pinauwi na niya yung inupahan niyang tutugtog para sana sa proposal niya. Sinabihan na rin niya yung hinire niyang videographer at yung iba pang kasabwat na hindi na matutuloy dahil hindi na darating si Honey.
Then she sat on the bench malapit sa fountain. Yung bouquet ng red roses na dapat ibibigay niya, hinagis niya sa fountain. Then she bursted into tears.
Hindi ako nagsasalita the whole time, basta sinamahan ko lang siya nun. I tapped her back, hugged her occasionally and listened to her. I know how much she misses Honey pero naiintindihan ko naman si Honey kung bakit nawawalan siya ng time for Nami.
Sinamahan ko pa si Nami sa isang bar dahil gusto niya raw uminom, wala naman akong choice dahil naaawa ako sa kanya. Isa pa, she's my bestfriend's girlfriend at sa lagay niya ngayon mahirap siyang hayaang magisa.
She ordered a bucket of beer at nagsimula ng uminom. Ako naman, umorder lang ng juice at sandwich dahil nagutom na rin ako sa paghihintay kanina.
Nakaubos na si Nami ng isang bucket at alam kong lasing na siya. Kaya naman inaya ko na siyang umuwi, buti naman at sumunod siya.
Palabas na kami ng bar nung may makabunggo sa amin kaya napatumba kami ni Nami at napapatong ako sa kanya. What an awkward position!
Tinulungan naman kami nung guard na makatayo. Sobrang lasing na yata si Nami at gegewang-gewang na siya maglakad.
"Okay ka lang ba? Kaya mo ba umuwi magisa?" Tanong ko sa kanya habang naghihintay kami ng taxi.
"Oo naman. Nga pala Carly, thanks for comforting me." Tapos ay hinug niya ako at kiniss sa forehead. Wala naman akong naramdamang malisya kaya nginitian ko siya.
BINABASA MO ANG
Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]
Literatura FemininaAmber Chen's THE Playgirl. She's a total heart breaker, until she met Scarlet. But will Scarlet totally change her? Abangan ang mga susunod na kabanata.. The story you will about to read is a GxG. If you think you're straight enough to read this, be...