C23: Amber's Back

8K 178 8
                                    

Chapter 23:
Amber's Back

[Amber's POV]

Nagising ako.. Masakit ang ulo at nasa gitna ng isang puting kwarto.. Puti ang lahat.. Ang dingding, ang sahig at walang kahit anong gamit..

"Nasaan ako?" Tanong ko sa sarili.

"May tao ba dito?" Tanong ko ulit. Pero umalingawngaw lang ang boses ko sa paligid..

"Amber.." Narinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses..

"Sino yan?" Tanong ko..

Maya-maya ay may narinig akong nakakabinging matinis na ingay sa paligid..

"Amber.. Please, try to remember me. Kung di man kayang tandaan ng utak mo kung sino ako.. Sana kahit yung puso mo man lang makilala ako.." Narinig kong muli ang boses.. Boses ng isang babaeng pamilyar sa akin..

"Scarlet?!" Sigaw ko. "Nasaan ka? Bakit ako nandito?" Tanong ko sa kanya..

Maya-maya ay narinig ko na naman ang nakakabinging matinis na tunog.

"Ahhhhh!" Sigaw ko. Sobrang sakit ng ulo ko!

"Gusto mo bang may mamatay?! Gusto mo bang patayin ni Ira si Scarlet o kahit na sino sa kanila?! Sa tingin mo gugustuhin kong mangyari yun? Please Trish.. Hayaan na natin si Ira. Pagkatapos nito hindi ko na siya tutulungan sa kahit ano pang paraan." Narinig kong sabi ng isang boses.. Teka! Sinong mamamatay? Papatayin ni Ira si Scarlet? Alam rin ni Trish ang lahat ng ito?

"Lily?" Tanong ko nung naalala ko kung kaninong boses ang narinig ko.

"Lily!" Tawag ko sa kanya. Pero walang sumagot..

"I'll let Ira know what are the consequences of her actions. Kung masasaktan siya, let her feel the pain. Baka matauhan rin naman siya kapag bumalik na ang alaala ni Amber. For now, we have to let them go." Narinig ko uli na sinabi ni Lily..

"Lily! Lily! Lily!" Sigaw at tawag ko sa kanya pero wala ng sumagot..

Isang mahabang katahimikan.. Hindi ko alam kung gaano katagal ang katahimikang iyon.

"Walang anuman Amber. Sana makaalala ka na.." Isang maikling katahimikan at saka narinig kong muli si Lily.. "At kapag naalala mo na ang lahat.. Sana mapatawad mo kami.."

Bumalik na naman ang matinis at nakakabinging tunog.

"Ahhhhh!" Bumalik rin ang sobrang pagsakit ng ulo ko at parang mabibiyak na ito.

Maya-maya ay gumalaw ang paligid. Unti-unting kumikipot at unti-unti na rin akong nababalot ng maitim na usok..

Gustong-gusto kong kumawala.. Pero ang sakit-sakit ng ulo ko. Nararamdaman ko rin na nahihirapan na akong huminga pero pinilit kong gumalaw..

Rumehistro sa isip ko ang mukha ni Scarlet..

Scarlet.. Sino ka ba talaga?

"I love you Scarlet. I'm willing to change for you and I'll do everything to make you happy.." Narinig ko ang boses ko.. Boses ko yun..

Bago pa ko tuluyang hindi makahinga, pinilit kong tumayo at kumawala sa itim na usok na bumabalot sa akin..

Pagkatapos nun.. Matinding liwanag na nakakasilaw ang huling nakita ko..

[Nami's POV]

We're in the hospital.. Punong-puno pa ng dugo ang damit ko.. We've been here for almost 2 hours at hindi pa rin namin nakakausap ang mga doctor..

Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon