C10: Birthday surprise

15.4K 295 7
                                    

Chapter 10:
Birthday surprise


[Amber's POV]

I was on the way to Scarlet's unit, alam kong gising na siya. It's Saturday and it's her birthday. Since Scarlet has fully embraced our relationship, a lesbian relationship, ipinaalam na rin niya ito sa parents niya. Her mom was a bit shocked but eventually, natanggap na rin niya ako as her daughter' s girlfriend. Her dad naman full ang support sa amin nung una pa lang.

They even thanked me for taking care of their daughter since naikwento na ni Scarlet lahat sa kanila. They wanted to meet me soon kaya naman I decided na gawin na ring surprise ang paguwi nila rito sa Pilipinas dahil nga 18th birthday na ni Scarlet. And it is today!

They arrived last night, nagstay muna sila sa isang hotel at nameet ko na sila kagabi. I think they like me naman dahil nga pumayag silang umuwi para lang mameet ako. We talked about how I and Scarlet met. At masaya naman sila na may nakakasama si Scarlet dito sa PInas dahil nga wala sila sa tabi niya.


[Flashback]

"Babe, I'll just drop you off the building ha? May kailangan lang akong imeet na importanteng mga tao tonight." Paalam ko kay Scarlet ng makasakay na kami kay Zion. Maagang natapos ang klase namin today kaya diretso na ako sa hotel kung nasaan ang parents niya, they arrived kanina.

"Okay. Just text me ha? Update ka na lang sakin." Sabi niya naman.

Nagdrive na ako para mabilis kaming makarating sa Le Belle Tower. Bago pa siya makababa ay kiniss ko siya sa lips, pagbaba niya ay dumiretso na ako sa hotel.

Nakarating din ako sa hotel ng mas maaga kesa sa inaasahan ko. I still have half an hour para tanggalin ang kabang nararamdaman ko. Nagpunta ako sa open bar nila para magsip ng wine. Sana lang ay magustuhan ako ng parents niya.

"Oh Amber! Is that you?" Tanong ng mama niya ng malapitan na nila ako, nagpareserve kasi sila ng table for us. No wonder Scarlet's pretty, kahit medyo may edad na ang mama niya ay maganda pa rin ito. Tumango naman ako. Bineso at niyakap ako nito.

"It's so nice to meet you hija." Nakipagshake hands naman ang papa niya at saka ako hinug.

We had dinner, nakapagusap na rin kami sa arrangements para sa surprise birthday party ni Scarlet na gaganapin sa hotel na ito.

"I hope you'll pull this surprise out for our baby.. See you again tomorrow hija." Sabi sa akin ng mama niya nung natapos na kaming magdinner.

"Thank you po Tita.. See you tomorrow.. I know Scarlet's going to be surprised when she sees you.. Tito, Tita, mauna na po ako. I know you're tired kaya magpahinga na po kayo." Sabi ko sa kanila habang naglalakad na kami papunta sa main entrance ng hotel.

"Thank you hija. Magiingat ka." Paalam nila sa akin bago dumating yung valet para iabot sa akin yung susi ng kotse ko. They even waved at me bago sila tuluyang pumasok sa hotel.

What a lovely couple.. No wonder Scarlet grew up na isang good girl dahil mabait ang parents niya.

[End of Flashback]


Nagdoorbell na ako, binuksan naman niya agad. She's still on her bath robe, mukhang kakatapos niya lang magtuyo ng buhok niya.

"Wait babe ha?" Paalam niya sakin saka pumasok sa kwarto niya. Pinuntahan ko lang yung cute bunnies na gift ko for her, medyo malaki na sila kaya binilhan namin sila ng bagong cage nung isang araw. Pinakain ko lang sila ng carrots tapos sumunod na ako kay Scarlet.

"Bakit hindi ka pa nakakapagbihis?" Tanong ko sa kanya. Naupo ako sa kama niya. Pumasok siya sa walk-in closet niya at saka lumabas din.

"Kinausap ko pa kasi si Honey, nagaway yata sila ni Nami, babawi na lang daw sila." Paliwanag niya. "Si Missy and Denise naman may kani-kaniyang lakad. They must've forgot it's my birthday." Dagdag niya pa, she looks so sad.

"Are you okay?" Tanong ko. Then I fished out my phone out of my pocket. May text ang mom niya, she's excited about the surprise. Ayos na raw ang lahat.

"I'm just worried about Honey and Nami, this is the first time na nagkaroon sila ng problem." She said sadly then pumasok na ulit sa walk-in closet niya. Paglabas niya nakasuot na siya ng little red dress na binili ko para sa kanya at yung couple sneakers namin. I'm wearing mine din. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya.

Inayos lang niya yung buhok niya into a messy bun, put some lip gloss, press powder, mascara and she's done. Ganyan lang siya magayos, simple yet gorgeous.

I look at her in deep amusement, how can this girl look stunning in just a simple way? No wonder I fell for her this hard. She's my sweetest downfall. And I'm so excited to be with her now, and surprise her for her birthday.

"Do you know it's rude to stare?" Mataray niyang sabi sa akin, nakapameywang pa siya. Di ko napansing tapos na pala siyang magayos at may dala na siyang bag.

"It's just amazing to see you do your thing. I can stare at you all day." I said smiling.

"You cheesy piece of heaven." She kissed me, I can taste her sweet lip gloss. "Shall we go?" Tumayo na ako at inakbayan siya.

Sabay kaming lumabas ng unit at bumaba papunta sa parking lot kung saan nakapark si Zion.

Pinatugtog ko ang playlist niya sa iTouch ko. Medyo naglighten up naman yung mood niya dahil sinasabayan niya pa ng pagkanta si Katy Perry, one of her favorite artists.

Ang plan kasi, mag-aalibi yung apat para hindi matuloy ang binabalak ni Scarlet na pumunta sa isang amusement park at dun magcelebrate ng debut niya. It's a once in a lifetime birthday celebration kaya naman hindi ako papayag na di siya mabigyan ng surprise party. And besides, it's her first birthday na makakasama akong magcelebrate.

"Babe, can we just go somewhere else?" Sabi ko sa kanya nung nagstop kami sa isang intersection.

"San naman?" Tanong niya.

"I'm craving for Sofitel's buffet kasi." I pouted when she looked at me. I can sense that she's dismayed.

"Hmm.. Do I have a choice? Wala din naman yung friends kong gusto ko makasama sa amusement park. It's my 18th birthday and MIA sila. Nakakatampo talaga. And my mom and dad, hindi ko sila kasama. I missed them so much na." She said na parang naiiyak na.

"Don't worry babe.. Babawi naman siguro sila sayo. I'm here naman. We can celebrate after we go to the buffet. I just want to pig out. I haven't had breakfast and lunch yet. I can eat you na nga eh." Biro ko sa kanya, natawa naman siya sa kapilyahan ko. Then we headed to the hotel.

Nakarating kami sa hotel ng 3PM. Sakto lang for the surprise.

"San ba tayo? Bakit hindi tayo sa buffet area?" Takang tanong niya dahil sa isang hallway papunta sa function room ko siya dinala.

Hindi ako sumagot, instead, tinakpan ko ang mata niya gamit ang kamay ko at saka binuksan ang pinto ng function room kung nasaan ang surprise birthday party.

"Babe?! Ano to?" Tanong niya.

Tahimik ang loob ng function room kaya walang kaide-idea si Scarlet na lahat ng taong mahal niya at mahahalaga sa kanya ay nasa loob.

"It's a surprise babe.. Come.." Tapos ay nilead ko siya ng dahan-dahan para makarating sa spot kung saan siya dapat nakatayo. Madilim pa rin ang function room at walang nagiingay. Planado na ang lahat ng ito.

It's just a simple party, alam kong ayaw ni Scarlet ng magarbong party dahil hindi naman siya sanay sa mga ganun. She's just simple, and that's the reason why I love her more and more.

Sinuotan na si Scarlet ng fluffy skirt para magmukhang debutant dress yung suot niya, like what we planned. Maya-maya ay binuksan na ang mga ilaw at kasabay ng pagbaba ng kamay kong nakatakip sa mata niya, sumigaw ang lahat ng nasa loob ng function room.

"SURPRISE! HAPPY BIRTHDAY SCARLET!" Sabay-sabay nilang sigaw. Kita naman ang gulat ni Scarlet dahil hindi niya alam ang gagawin.

"Happy birthday babe. I love you.." Then I kissed her lips. Hinampas-hampas naman niya ng mahina ang dibdib ko.

Nagsilapitan na ang parents niya at sila Honey, Missy, Denise and Nami para batiin na siya. Yung ibang bisita naman, na karamihan ay mga friends namin sa school and mga malapit na relatives niya, naupo muna sa mga seats nila.

"Mom! Dad!" Sigaw ni Scarlet. Nilapitan niya kaagad ang parents niya at saka hinug sila ng mahigpit. Nagsimula na din siyang maiyak. Kitang-kita ko kung gaano siya kasabik sa parents niya.

"Happy birthday baby.. We missed you.." Naiiyak na niyakap ng mama niya si Scarlet.

"Good job Amber, good job." Ang papa naman niya, tinap ako sa balikat. Hinug din siya ng mahigpit ni Scarlet.

"Tatampo ka pa ba samin Carly?" Tanong ni Honey. Umiling-iling naman si Scarlet na patuloy pa ring umiiyak.

"Yey! Group hug na!" Tapos nag-group hug kami. After that, nagstart na ang mini debut party ng babe ko.

May 18 shots, 18 gifts and 18 roses for her. Tapos unlimited party na before midnight.

“Thank you babe..” Sabi ni Scarlet sa akin nung nagsayaw kami.

“For what?” Tanong ko naman.

“For this.. For the surprise.. For the gift.. For you, for being here with me.. Plus nandito pa si mom and dad.. I’m really happy..” She answered, tears are staring to run down her cheeks again.

“Babe.. I’m more than happy if I see you happy..  I told you, I would do everything to make you happy di ba? Stop crying..” Then I kissed her cheeks.

“Basta thank you babe.. I love you..” She said then we danced again..

Ilang beses kaming nagsayaw ni Scarlet. Ilang beses din siyang nagpasalamat sa akin.

18 gifts na, pinaupo na siya ng emcee sa gitna. Syempre nauna na yung mga ibang friends and realtives ni Scarlet.

Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon