C17: Psycho's Plans Working

7.6K 164 14
                                    

Chapter 17:
Psycho’s Plans Working

[Carly’s POV]

Malungkot na malungkot talaga ako dahil umalis na si babe, glad my girl friends are with me.

“Game nomu tayo!” Si Missy na kakalabas lang ng kwarto ko dahil dun sila matutulog, sumunod naman si Denise na lumabas. Si Honey at Nami, nasa kabilang room.

“Sige-sige!” Sang-ayon ni Denise.

“Sige na nga. Ako na may sagot ng pulutan, kayo na bahala sa kung anong gusto niyong inumin.” Sabi ko saka chineck ang phone ko, wala pang text si babe kung nakarating na ba siya sa airport o hindi pa.

“Sige, bababa muna kami para bumili ng alak. Bantayan mo yung dalawa ha? Baka mabuntis na si Honey niyan.” Pabirong sabi ni Missy sakin.

“Hoy loka-loka! Narinig ko yun!” Sigaw naman ni Honey na kakalabas lang ng kwarto.

Nagtawanan naman kami. Mga loka-loka talaga. Pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para magluto ng pwedeng pulutan.

“Anong iluluto mo besty?” Tanong ni Honey.

“May fries, siomai, and lumpiang shanghai dito. Yun na lang?” Tanong ko sa kanya.

“Pwede na yan besty. I’ll help you.” Sabi niya ng nakangiti.

Naglalambing to eh. Kaya ayun, nagtulungan kami sa pagpa-fry ng mga finger foods.

Half-way done na kami sa pagluluto dahil sa electric fryer naman namin prinito yung mga finger foods, nung dumating si Denise at Missy.

"What's cookin?" Si Missy na kakalapag lang ng paper bag. Sa kitchen counter.

"Yan! May pulutan!" Si Denise na ngumunguya ng chewing gum.

"Ano bang binili niyong drink?" Tanong ko.

"Ito oh." Nilabas ni Denise yung anim na bote ng mixed cocktails. Strawberry margarita yung nakita kong flavor.

Si Missy naman, nilagay sa fridge yung biniling yelo.

"Ang dami naman yata?" Tanong ko ulit.

"Okay lang yan. Ayaw mo nun, may maiiwan dito pag di natin naubos?" Sagot naman ni Denise.

"Nasan pala si Nami?" Tanong ko kay Honey.

"Umidlip muna, masakit daw ulo eh. Maya-maya gigising na rin yun." Sagot naman ni Honey.

Natapos na kami at lahat sa pagluluto pero wala pa rin text si Amber. I tried calling her pero di naman siya macontact. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Di pa rin siya nagtetext?" Tanong ni Honey sa akin, tapos na kaming magluto at nilalagay na lang sa plato yung fries, lumpia at siomai.

"Hindi pa." Nakasimangot kong sagot. Ginawa ko na lang busy ang sarili ko ulit sa paggawa ng sawsawan para sa mga pulutang to.

"Mamaya magtetext din yun, don't worry Car. Malaki na si Amber." Nakangiting sabi naman ni Honey sakin. Ngumiti na lang din ako.

"Let's pop bottles!" Sigaw ni Denise.

Nakaready na lahat kaya naman naupo na kami sa carpet at nagsimula na kaming uminom.

Nagkanya-kanya na kaming lagay ng yelo sa bawat baso at nagstart na. I took a sip of what's on my glass. Hmm.. Not bad.

Maya't-maya ko pa rin chinecheck ang phone ko at baka nagtext na or tumawag si babe sa akin pero wala pa rin. I'm kinda worried na kasi.

Playgirl's Bunny (KryBer, GxG) [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon