Chapter 4: Target
Christian's POV:Papunta na kami ngayon sa detention room pero napansin ko 'yong isang babae na kasama ni Ariela, siya siguro iyong bagong estyudante dito sa Academy at parang nakita ko na siya.
Ahh alam ko na, naalala ko na, siya 'yong babae kahapon sa field. Masungit, palaban siya at isang bagay nakakuha sa'kin ng atensyon. Ang kanyang mata, ang kanyang mata ay malaki at mukhang ang susunod kong pupuntiryahin pagkatapos namin dito sa detention.
Kailangan kong makabawi sa kanya sa pag sagot sagot niya sa'kin hindi niya dapat ako binabastos dapat sa'kin ginagalang kagaya ng ginagawa sa akin ng ibang babae na nakakandarapa sa akin. Pero mayroon din mga kagaya niya at mga apat din silang babae at higit sa lahat mga bitter pa. Nag patuloy lang kami sa pag lalakad hanggang sa marating na namin ang detention room.
"Kayong apat umupo lang kayo diyan!" Turo niya sa mga upuan. "Kayo ha! Hindi na kayo natuto lagi kayong late sa mga klase kahit unang araw ngayon! Hindi pa rin kayo nag babago. Tsk!" Pasigaw niyang sinabi.
Binigyan niya kami ng tig-isang papel para sagutan namin ang mga tanong doon. Lumabas si Sir Jeff ng detention room at naiwan kami sa loob ng silid.
~~~~
Shane's POV:
Pagkatapos no'ng nangyari kanina sa classroom tingin ko mga pasaway talaga 'yong apat na iyon at gano'n na lang ang galit ni Sir Jeff sa kanila. Buti nalang at break time na, nag lalakad kami sa hallway papuntang Dining Room.
"Hoy! Shane!" Tinapik ako ni Ariela. Napalingon agad ako sa kanya.
"Oh? Bakit?" Tanong ko.
"Natutulala ka na kasi eh, at kanina ka pa tahimik eh." Nakangising tugon niya. "May problema ba? Oh iniisip mo 'yong nangyari kanina sa classroom?" Nanatiling nakatingin ako sa kanya.
"Ahh... Oo eh." Nakangising tugon ko.
"Ahh, iyon lang ba? Sus! Huwag mo'ng alalahanin 'yon, laging nangyayari 'yon sa mga klase kaya puro bagsak─ Si Christian at Reymer lang naman ang nag-aaral sa kanilang apat. 'Yong dalawa, si Lukas at Daniel ay pasang-awa lang ng mga teacher." Napamaang nalang ako sa mga sinabi niya. Malapit na kami sa Dining Room. Pag pasok namin sa Dining Room ay maraming agad tao. Mahaba ang pila sa may kahera.
"Oh! Siya, Shane, sige order muna ako, ano gusto mo?"
"Kahit ano na lang." Sagot ko. Habang nakatingin ako sa menu na nakapaskil sa may kahera.
"Sige, sige eh, 'yong spaghetti okay lang sayo?"
"Oo."
"Oh sige, mag hanap ka muna ng puwesto natin." Tumango na lang ako. Pumila na siya sa counter at nag hanap ako ng puwesto namin. Nakakita ako ng isang bakanteng puwesto. Agad ko itong nilapitan at umupo.
Habang nag hihintay ako kay Ariela may mga lumapit na asungot.
"Hoy! Umalis ka nga diyan sa lamesa namin!" Sigaw sa'kin no'ng Christian.
"At bakit naman?!" Asik ko.
"Eh, kasi nga puwesto namin 'yan! Kaya umalis ka!" Sigaw niya pa.
"Paano kung ayoko at saka kanina pa ako nandito! Eh, kayo? Ngayon lang dumating!" Masungit na pagkasabi ko. Tumayo ako at humalukipkip. "First come, first serve kasi kaya minsan aga-agahan niyo ang dating para hindi kayo mauunahan sa puwesto ha?" Nakangising sabi ko at tinapik ang kaliwang pisngi niya. Kitang-kita ko sa mukha niya ang inis at salubong ang kanyang mga kilay.
"Mag hanap na lang kayo ng iba diyan! Marami pa naman bakanteng puwesto diyan ." Turo ko sa mga lamesa at upuan at saka bumalik sa pag kakaupo ko kanina.
"Tara pre! Hanap na lang tayo ng ibang puwesto." Sabad ng isang lalaki. Kahit nakatalikod ako sa kanila, alam kong inis pa rin siya sa'kin. Nilibot ko sa paligid ang paningin ko at nakita kong lahat ng tao ay nakatingin sa amin pati na 'yong apat na babae sa may pinto.
****
BINABASA MO ANG
Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]
Teen FictionHighest rank: #1 (LIB) WELCOME TO HUGOT ACADEMY! Mayroong isang simpleng babae na nagmula sa ibang bansa ang lumipat sa eskwelahan na nagngangalang Hugot Academy. Ano kaya ang mga naka-abang sa kanya na pagsubok dito? Dito na kaya niya matatagpuan...