Chapter 8: Boy Best Friend

82 2 0
                                    


Chapter 8: Boy Best Friend


Shane's POV:

Sa puyat ko kagabi ay nakatulog ako sa klase namin sa English buti na lang at hindi ako napansin ni Gng. Cherry kanina. Ito nanaman ako makakatulog nanaman ako sa  klase namin Math. Unting-unti nang bumabagsak ang ulo ko sa desk ko.

"Shane!" Sigaw ng guro sa'kin kaya napaangat agad ako ng tingin sa guro ko.

"Po? Mam?" nahihiyang tanong ko.

"Bawal matulog sa klase ko! Maliwanag ba Shane?"

"Opo mam!" Nayayamot ko'ng tugon.

"Sige! Tuloy! Shane, maaari mo bang sagutan ang tanong ko?"

"A-ano po 'yon mam?" mahinang tanong ko.

"Pwedeng paki sagutan ito?" turo ng patpat niya sa pisara. Ang nakasulat doon ay "4,9,16,25,36..."

Ang dali.

Sinolve ko naman agad 'yon kahit hindi ako masyadong nakinig. Sinulat ko sa pisara ang tamang sagot.

"Mam! Ang tamang sagot po ay 49, 64, 81." Nakangiting sagot ko.

"Tama!" Manghang-mangha puri ni Miss Lyn. "Kahit na natutulog ka pero nasagutan mo parin hindi kagaya ng iba diyan!" Pagpaparinig niya sa mga ka-klase ko. "Hindi kayang sagutan! Pero kung sino pa ang natutulog siya ang nakapag sagot ng maayos pero 'yong mga gising diyan! Hindi kayang sagutan!" Pinapagalitan niya lahat ng estudyante niya maliban sa'kin. Napangisi na lang ako at lumingon kay Christian na nakayuko at naka halukipkip siya. No'ng lumingon siya ay salubong ang mga kilay niya at halata sa mukha niya ang pagkayamot.

Kawawang Christian... Tsk! Tsk! Haha ayan napagalitan...

"Psst!" Kalabit sa'kin ni Camille. Liningon ko naman siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Shane paano mo nasagutan 'yon?" turo niya pa doon sa nakasulat sa pisara.

"Ito turuan kita."

"Awiee, salamat ah buti andyan ka hehe love you." Nakangiting sabi niya. "Ako may tutor kayo wala! Bleehh." Binelatan niya lang sila Micah, Julia at Althea.

Natawa naman ako sa inasal ni Camille kanina do'n sa tatlo. Tinuruan ko na agad siya. Habang nag tuturuan kami 'yong iba naman ay nag papaturo kay Thea pero minsan nag tatanong sa akin si Thea pag mayroon siyang hindi maintindihan o nakalimutan sa formula.

"Ahh... Ganoon? So logic lang pala 'yon?" tanong niya habang may hawak siyang ballpen na inuuntog niya sa ulo niya.

"Oo," sagot ko. Tumango na lang siya saka nag sagot ulit.

"Akala ko ia-add. Times pala or multiply." Bulong niya saka siya tumingin sa'kin ng diretso. Tinanguan ko naman siya. Nagpatuloy lang siya sa pag sagot hanggang sa makuha niya na at nag submit na kami ni Camille ng kuwaderno namin samantala 'yong tatlo ay hindi pa tapos. Tinulungan ko sa pagsagot 'yong dalawa habang si Camille naman bahala kay Micah.

Nagpasa narin sila ng kani-kanilang kuwaderno saka kami nag-apir. "Galing!" Puri ni Julia.

"Hehe," nahihiyang ngisi ko habang naka kamot sa batok ko.

"Kayong mga babae diyan!" Tawag sa'min ng guro. Agad naman kami napalingon sa kanya. "Kayong lima, maaari na kayong kumain." Sabi sa amin ng guro. Palapit na kami sa pinto nang bigla niya akong tinawag. "Shane! Ikaw nga pala ang nakakuha ng perpektong grado, ang mga kaibigan mo rin ay matataas ang nakuha. Mahusay!" Pumalakpak pa siya.

Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon