Epilogue:Ano man hamon o problema sa buhay ay dapat malagpasan ito. Sa larangan ng pag-ibig ay dapat hindi minamadali dahil kusang darating ang tamang tao para sa'tin. Hindi solusyon kadalasan ang pagpapakamatay dahil kung may problema may solusyon ito. Wala pa man nagpapakamatay sa aming tropa pero ang ilan sa mga ka-klase namin ay naglaslas kaya ko ito sinasabi. Lahat ng nangyayari sa mundo ay may dahilan. Hindi lang natin alam. Bata palang ako dahil 16 palang ako at magiging 17 palang sa June kaya malayo pa ang tatahakin ko... Hanggang sa muli...
~Shane Cruz
~~~~~~~~~
Shane's POV:
Pagkatapos ng recognition at makalipas ang isang lingo ay pumunta na kami nila Mommy sa U.S. sa Los Angeles, California para tumira ulit doon pero pag malapit na ang pasukan ay babalik ulit kami sa Pilipinas.
Kasalukuyan akong natutulog nang magising ako dahil may naririnig akong ingay sa may baba. Hanggang second floor lang kasi bahay namin tapos attic na ang sunod. Habang pababa na'ko ay naririnig ko 'yung ingay na galing sa may kusina kaya dahan-dahan akong lumapit kahit naka patay ang ilaw pero may ring light naman ako na regalo sa'kin ni Julia noong Christmas Party. Nangyari 'yon pagkatapos noong Sport Fest.
Pumunta naman ako sa kuwarto nila Mommy pero nakapatay ang ilaw saka mahimbing sila natutulog kaya hindi ko na sila ini-storbo.
Kumuha ako ng walis tambo para ipokpok sana sa magnanakaw na nasa kusina namin.
Daga? Magnanakaw? O iba? Baka pusa? Hmm... Pero wala naman madadaanan pag pusa tapos pag daga? Hay! Basta! Natanaw ko na tao ang nasa kusina at may kataasan, mataba ng kaunti at mukhang lalaki.
Akmang hahampasin ko na sana siya nang mapigilan niya 'yung kamay ko kaya napapikit na lang ako saka nagdasal.
Lord. Alam kong marami akong naging kasalanan pero sana naman po bigyan mo pa ako ng mahabang buhay. Lord, jusko bata pa ako huhuhu...
Naramdaman ko naman na binitawan niya 'yung kamay ko kaya dumilat ako. "Surprise!" Bati nila saka biglang sumindi ang mga ilaw na may kasamang confetti pa na ikinagulat ko. At mas lalo akong nagulat noong humarap 'yung lalaking kaharap ko.
Nakangiti siyang tumingin sa'kin. "For you." Binigay niya sa akin 'yung regalo. Ngumiti ako pabalik sa kaniya.
"Jerald..." Tanging nasambit ko saka binuksan 'yung regalo. Nakalagay dito na galing ito kayla Mommy and Daddy bilang reward dahil Top 1 ulit ako. Labis ang saya ko dahil Five Night's At Freddy's: Silver Eyes na libro ito. Nagpasalamat ako saka kami nagyakapan.
****
Author's Note:
Sino nga ba si Jerald? Well... Alamin sa book 2. Abangan ang book 2 nito o ang HUGOT SERIES #2 nitong Hugot Academy. Salamat sa mga sumuporta.
~Ate Red
BINABASA MO ANG
Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsHighest rank: #1 (LIB) WELCOME TO HUGOT ACADEMY! Mayroong isang simpleng babae na nagmula sa ibang bansa ang lumipat sa eskwelahan na nagngangalang Hugot Academy. Ano kaya ang mga naka-abang sa kanya na pagsubok dito? Dito na kaya niya matatagpuan...