Chapter 31: Anti-Valentine's

44 3 0
                                    

Chapter 31: Anti-Valentine's

Julia's POV:

Isang buwan pagkatapos naganap ang aming Sport Fest. Nandito kami ngayon sa labas ng school dahil may pinapagawang performance task si Sir Jeff para sa amin. Ang pinapagawa niya sa amin ay group work at si Shane ang leader namin. Kaming dalawa ni Althea ay nagtayo ng simpleng tindahan o booth. Ang goal namin sa proyekto na ito ay paramihan ng good feedbacks at maka-ipon kami ng pera galing dito sa simpleng negosyo laban sa ibang stand.

Si Shane narin ang bahala doon. Si Ariela naman ay tumutulong sa amin ni Althea. Ngayon lang din namin nalaman na may malapit na peryahan dito sa may campus namin. Maraming tao din ang dumadagsa dito sa aming programa.

Inutusan ko si Althea na kidnappin 'yung mga tropa ni Christian at dalhin dito. Na'ng makita ko si Althea at Ariela na galing sa van at may mga hila-hila na mga lalaki na may mga blindfold ay napangisi ako.

"Tropa na ba 'yan ni Christian at ng iba pa'ng boys sa campus?" tanong ko kay Althea.

Tumango-tango naman si Althea. "Oo." Tinanggal na namin ang mga blindfold sa kanila pero ang mga tali sa kanilang kamay ay hindi pa, baka kasi tumakas.

"Nasaan kami?" tanong ni Lukas.

"Kayo ang maglalaro sa stand namin, okay?" Walang emosyon na sagot ko.

"Siyempre bago maglaro, ay kailangan magbayad."

"At magkano naman?!" Iritableng tanong ni Lukas.

"Magkano ba Julia?" tumingin sa akin si Althea. Sasagot na sana ako na'ng biglang nagsalita si Ariela.

"50." Mariing sagot niya.

"Ang mahal naman!" Angal nila.

"Sus! Ang yayaman niyo nga eh." Saad ko.

"Pakawalan mo na nga lang kami!" Maktol ni Lukas.

"Magbabayad o magbabayad?" cold na tanong ko.

"Oh!" Tugon niya.

"Well. Then... Hindi namin kayo papakawalan." Nagmaktol ang karamihan sa kanila na parang bata.

"Magbabayad na lang kami, para matapos na'to!" Sigaw ni Christian na nasa dulo pala at nanatiling tahimik.

"Pre! Seryoso ka ba?" Rinig ko'ng tanong ni Daniel kay Christian.

"Gusto ko na'ng bumalik sa dorm kaya manahimik ka." Seryosong saad ni Christian habang nakatingin sa kawalan. Natikom naman agad ni Daniel ang bibig niya dahil sa inasal ni Christian.

Naglabas na silang lahat ng pera at si Althea naman ang nangolekta. Unang titira si Lukas dahil siya ang nasa unahan ng pila samantala ang mga barkada niya ay nasa dulo.

"Ang tanging gagawin mo lang ay kailangan matamaan ang alin man sa mga bote doon gamit ang bola." Tinuro ko naman 'yung direksyon ng mga bote.

"At pag nakatama ano'ng mangyayari?" takang tanong niya.

"May makakadate ka na babae kaya mga litrato ng mga babae ang nakalagay sa mga bote." Paliwanag naman ni Althea.

"Huhulaan o mamimili kayo ng isang baso sa lima na baso tapos kung ano ang mainom ay makakadate mo 'yung babaeng nasa litrato ng natamaan mo'ng bote. Kaso kapag ampalaya juice naman ang nainom mo ay walang date o pag may jowa ka na ay sapilitan kayong maghihiwalay." Mahabang paliwanag ko.

"Ang daya naman! Eh, paano niyo naman malalaman na maghihiwalay talaga sila? Na'ng sapilitan?" tanong ni Lukas.

"Lagi kaming nakabantay." Walang emosyon na tugon ko.

Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon