Chapter 29: Mr. & Ms. Hugot 2019

39 1 0
                                    

Chapter 29: Mr. and Ms. Hugot 2019


Shane's POV:

Isang buwan at kalahating buwan ang lumipas at ngayon ay nakabalik na ulit kami sa dorm namin at siyempre pumapasok na kami sa school ulit.

Pagkatapos noong January 7 na pagbabalik namin ay ngayon naman ay ang Sport Fest namin. January 28 ngayon at ngayon ang opening ng Sport Fest. Sumali ako sa modern dance namin para sa kaniya-kaniyang mga team namin.

Tumugtog narin ang DLC kanina at kasama ako doon. Kaming dalawa ni Christian ang magka-partner sa team namin kaya gagalingan namin.

Ilang oras ang lumipas ay magsisimula na ang labanan namin mga Muse and Escorts. Natapos narin kaming sumayaw kanina at hihintayin na lang namin ang resulta mamaya.

Nasa backstage kami ngayon at kasama ko ang ibang kandidata. Natutuwa din ako dahil makakalaban ko si Julia. Si Althea naman ay naiwan sa baba at todo suporta lang siya sa amin. Tumugtog na ang music at isa-isa na'ng tinatawag ang mga kalahok.

Nasa likuran ko si Julia dahil Green Team ako at siya naman ay White Team kaya mas mauuna kami.

"Boi, kinakabahan ako." Nag-aalalang sabi ni Julia.

"Huwag kang kabahan. Kaya natin 'to." Sabi ko pa, saka nakipag-apir sa kaniya.

"Salamat boi." Pasasalamat niya saka kami naghanda para tawagin.

"Our next contestant is from Green Verdan Gaia." Sabi ng host saka ako rumampa palabas. Salubong ang pagpasok namin ni Christian saka umikot para humarap sa mga hurado at manonood. Pagkalabas ng dalawang pares na nauna sa amin ay kami naman ang sumunod.

Taas noo kaming rumampa ni Christian. Pumunta siya sa kaliwa at ako naman ay sa kanan. Huminto ng ilang segundo habang nagpo-posing-posing sa stage. Tapos nagsalubong ulit kami saka lumakad sa dulo ng stage.

Nakita namin doon ang mikropono saka kami nagpakilala.

"Good morning everyone! My name is Shane Cruz, 16 year's old and I believe that, I'm the Hugot Queen and no one can stop me unless you challenge me in Hugot Quotes. Get ready and let the contest begin!" Naghiyawan ang mga manonood.

"I'm proudly presenting Green Verdan Gaia!" Ikinumpas ko pa ang kamay ko sa gawi ng mga ka-grupo ko. Binigay ko naman kay Christian 'yung mikropono.

"Ola! My name is Christian Garcia and I'm 16 years old. I believe in saying that... Doing your best makes you a winner! Representing Green Verdan Gaia!" Confident na sabi rin ni Christian na ikina-hiyaw ng mga manonood din.

Sandali kaming nag-posing saka umikot muna bago lumakad palabas sa stage. Lumabas ako sa kaliwa at si Christian naman ay kanan lumabas.

"Our next contestant is from White Frosty Poseidon." Dinig ko'ng anunsyo ng host.

Nakita ko naman rumampa si Julia saka 'yung ka-partner niya. Ngayon ko lang napansin na si Lukas pala 'yung ka-partner niya.

Naghanda na ulit kami ni Christian para sa susunod namin na rampa ulit para sa mga Hugot Quotes portion. Ilang segundo lang ay kami na agad pala ang rarampa nanaman.

Na'ng lumabas na kami ni Christian ay agad na naghiyawan ang mga manonood.

"Whooo!! Best friend ko 'yan!!" Sigaw ni Althea habang may hawak pa'ng poster na kami ni Julia ang nakalagay.

Napangisi na lang ako sa inasal niya.

Matagal kaming mga kalahok na naka-posing lang sa mga puwesto namin.

Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon