Chapter 12: IwasShane's POV:
Paano kung mang ligaw sa'kin si James? Hindi... Ayokong magpaloko sa kanya. Eh... Pag si Gab? Hmm... Pwede 'din... Ang pogi kasi! Waaaaaaaa!! Nababaliw nanaman ako! Hahahaha!
"SHANE!! GUMISING KA NA!!" Sigaw sa'kin.
Ahh... Sino ba 'yon?
Minulat ko nang kaunti ang mata ko at nakita ko si Ariela na nakatayo sa harapan ko.
Patay! Ma-huhuli na pala ako sa klase. Teka anong oras na ba?
Tumingin ako sa orasan at nakita kong malapit nang mag alas-syete. Agad akong bumangon at naghanda para pumasok nakita ko si Ariela na naka handa na para pumasok.
Ako na lang pala ang hinihintay niya.
Pagkatapos kong magbihis agad niya akong sinuklayan para daw mabilis. Sa Dining Room na lang kami kakain ng agahan dahil hindi siya nakapag handa ng agahan namin. Lumabas na kami ng kwarto saka dumeretso sa Dining Room.
"Bakit ang tagal mong gumising?" tanong niya sa'kin habang kumakain.
"Ewan." Tipid kong sagot.
"Nakita nga kita parang kinikilig ka habang natutulog eh, tapos pag ginigising kita ayaw mong gumising." Sabi niya.
"Ahh... Wala 'yon may napaginipan lang," tugon ko saka sumubo ulit ng kanin. Tinignan lang niya ako saka kami nag patuloy sa pagkain.
"Baka si Christian 'yong napaginipan mo," Ngumisi siya.
Huk!
Halos mabilaukan ako dahil sa sinabi niya. Agad akong uminom ng tubig pagkatapos kong uminom saka ako sumagot.
"Hindi! Hinding-hindi ko siya mapapaginipan duh! Saka kung mapaginipan ko siya... Bangungot na 'yon bess." Depensa ko.
"Ahh... Sige pero bakit ang defensive mo naman?" tanong niya.
"Ahh... Wala..." Iiling-iling ko'ng sagot.
Tumango na lang siya.
"Magandang umaga! Napaginipan mo ba ako?" Kindat sa'kin ng pinaka ayaw kong makita sa lahat.
Christian's POV:
Bigla akong sumulpot sa harapan niya saka pinagtripan si Shane.
"Magandang umaga! Napaginipan mo ba ako?" Kindat ko sa kanya saka ngumiti.
"Hindi!" Asik niya saka siya nang- irap.
"Kahapon ka pa nang-iirap sa akin ah!" Singhal ko.
"Paki mo ba?" pananaray niya.
Suplada! Hmp! Pagtripan nga kita.
"Siyempre may pake ako sa'yo ka-pareha kita eh." Ngisi ko sa kanya.
"Ehem! Ehem! Para sa kaalaman mo, sa patimpalak lang tayo magka-pareha at hindi sa totoong buhay." Pang-iirap niya nanaman.
"Taray nito!" Singhal ko.
"Kabayo!" Sigaw niya sa'kin.
"Taba!" Pang-asar ko 'din sa kanya.
"Kabayo, kabayo, kabayo!" Pang-aasar niya pa.
"Taba! Tarsier! Malaki mata!" Pang-aasar ko 'din.
"Hmp! Bakla ka bakla sinuntok lang kita! Um-aray ka agad! Hmp!" Pang-iinsulto niya pa. "Saka mawalang galang, hindi po malaki ang mata ko! Ganyan na talaga 'yan 'no!"
BINABASA MO ANG
Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]
Ficção AdolescenteHighest rank: #1 (LIB) WELCOME TO HUGOT ACADEMY! Mayroong isang simpleng babae na nagmula sa ibang bansa ang lumipat sa eskwelahan na nagngangalang Hugot Academy. Ano kaya ang mga naka-abang sa kanya na pagsubok dito? Dito na kaya niya matatagpuan...