Chapter 17: Examination

51 1 0
                                    


Chapter 17: Examination


Shane's POV:

Araw ng pagsusulit namin ngayon at ito kami ngayon at kumukuha ng pagsusulit sa aming klasrum.

Limang araw akong nag-aral para mapag handaan ang aming unang buwan ng pagsusulit. Kailangan ko maging top ngayon para maipagmalaki ko ang eskwelahan na pinang galingan ko. Lagi akong makakapasok sa honors doon sa una kong paaralan kaya dito ay gagawin ko rin iyon. Hindi naman sa pag mamayabang pero lagi akong first honor doon at dito ay sisipagan ko din para magawa ko ang mga nagawa ko doon sa una kong paaralan.

Unang klase namin ngayon ay Siyensya. Sunod naman ang Filipino pagkatapos ng rises namin dahil isang oras ang klase namin.

Kasalukuyan kami na nasa Dining Room ngayon.

"Wooo! Sa wakas natapos na rin ang klase. Nang hula na lang ako." Sabi ni Althea habang nag-iinat pa.

"'Yan! Si Thea kasi hindi nag-aaral!" Panunukso ni Julia kay Althea.

"Eh ikaw Shane? Nahirapan ka ba?" tanong sa'kin ni Julia.

"Umm... Siguro kaunti lang. Nag-aral naman kasi ako." Mahinahon kong pagkasabi. Tumango-tango lang sila.

"Thea, hindi parin ba bumabalik sila Camile?" Tanong ni Julia.

"Hindi pa. Umalis narin 'yong dalawa sa group chat natin." Tugon ni Althea.

"Anong nangyari?" Takang tanong ko.

"Nalaman namin kung bakit kayo magkaaway ni Micah at si Camille Naman ay iniwan kami para kay Micah." Malungkot na saad ni Althea.

"Ahh..." Tumango-tango na lang ako.

"Siya nga pala Shane, anong nangyari sa'yo kahapon?" Tanong ni Julia.

"Ahh... Wala 'yon." Walang ganang tugon ko.

"Weh? Bili na!" Pamimilit ni Althea nay kasamang pag-aalog sa'kin.

"Wala 'yon. Ako na bahala doon." Tugon ko.

Nag simula na kaming kumain saka pumunta sa silid-aklatan para mag-aral.

Inaaral namin ngayon ay Filipino.

"Ang epiko ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway." Rinig kong pagkakabisa ni Julia.

"Anyo ng panitikan sa panahon ng mga katutubo." Binasa ko 'yong panimula sa kuwaderno ko. "Epiko, Alamat, Awiting Bayan, Kuwentong bayan." Bilang ko pa sa mga daliri ko.

Nag kabisa kaming dalawa ni Julia samantala si Althea ay nag gumuguhin lang ng kung ano-ano sa kuwaderno niya.

Ilang minuto ang nakalipas bago kami bumalik sa klasrum namin. Nakita ko si Ariela na mag-isang nag-aaral. Agad ko siyang nilapitan.

"Ariela." Tawag ko. Tumingin naman agad siya sa'kin.

"Shane. Nag-aral ka na ba?" tanong niya.

"Oo Ariela. Kasama ko sila Julia sa pag-aaral." Sagot ko.

"Ahh..." Tango-tango niyang sagot.

Bumalik na agad siya sa pagbabasa. Bumalik na rin ako sa upuan ko.

Pag bukas ko ng kuwaderno ko ay may naka sulat dito na "Huwag ka na mag-aral. Mas matalino naman ako sa'yo." Iyon ang nabasa ko sa aking kuwaderno sa may likuran. Tumingin agad ako sa gawi nila Christian at nakita kong nakangisi si Christian. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon