Chapter 19: Moving On

42 3 0
                                    


Chapter 19: Moving On

Shane's POV:

Isang mahalagang aral ang natutunan ko ngayon at iyon ay...

Hindi lahat puro saya mayroon 'ding lungkot.

Nagising ako sa kama ko. Paglingon ko nandoon si James at nakatulog sa upuan malapit sa aking higaan.

Dahan-dahan kong kinuha ang aking gitara na nakatabi sa may higaan ko.

Nilagay ko sa tono 'yong gitara ko. Naalala ko tuloy 'yong mga panahon na magkasama kami ng pinsan ko, tinuruan niya ako kung paano mag gitara at idolo ko talaga siya pagdating doon. Sana bumisita siya dito sa school na'to dahil balita ko dito din daw siya nag-aral noon.

Kahit anong genre ang tugtugin niya sa gitara niya maganda parin pakinggan.

"When the day said is done in the middle of the night.

As you're fast asleep, my love.

Stay awake looking at your beauty.

Telling myself I'm the luckiest man alive.

'Cause so many times I certain.

You was gonna walk out my life (life)

Why you take such a hold me girl.

When I'm still trying to get my act right.

What is the reason?

When you really could have any man you want?

I don't see what I have to offer.

I should've been a season.

Guess you could see I had potential.

Do you know my miracle? (oh yeah)

I'm like a statue.

Stuck staring right at you.

Got me frozen in my tracks.

So amazed how you take me back.

Each and every time our love collapsed.

Statue, stuck staring right at you.

So when I'm lost for words.

Every time I disappoint you.

It's just I can't believe that you're so beautiful..."

Napangiti lang ako habang kumakanta kasi sumasabay si James at naalala ko ang pinsan kong si Kenneth.

Napatingin ako sa kaniya at kitang-kita sa kaniyang mukha ang saya dahil sa jamming namin.

"Magaling ka pala kumanta." Nakangiting sabi niya. Napangisi na lang ako saka tumawa nang kaunti.

"Ikaw din 'no." Natatawang sambit ko.

"Sino nagturo sa'yo mag gitara?" tanong niya.

"Pinsan ko."

"Anong pangalan niya?" tanong niya.

"Kenneth Cole Cruz." Maikling tugon ko. "Magaling siyang mag gitara at mabait pa! Kuya na ang turing ko sa kaniya dahil wala akong kapatid. Hindi naman masyadong matanda 'yong pinsan ko... Talented 'yon sa pag gi-gitara pero ang boses... Hahaha! Malalim kasi boses ni kuya Kenneth eh! Dati kuya tawag ko sa kaniya pero gusto niyang tawag ko sa kanya ay Erp." Parang batang kuwento ko.

"Ano 'yong erp?" tanong niya

"Pre, pag binaliktad mo diba?"

"Sabagay... Oy! Gutom ka na ba?" tanong niya.

Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon