Chapter 25: Who will wins?

38 1 0
                                    


Chapter 25: Who will wins?

Julia's POV:

"Ngayon! Maghanda na para sa jackpot round!" Anunsyo ni Sir. Kahit nandito kami ni Althea sa Control Room ay panigurado nagpapalakpakan ang mga tao doon sa gymnasium. "Who will wins? It is Shane Cruz or Christian Garcia?" Dugtong niya pa.

Pinindot na ni Althea 'yong buton na para mabago ang lugar sa laro. Naging tiles ang lugar saka blanko ang lugar, kaya malamang may nakatago 'ditong surpresa.

"So ito ang mga gagawin niyo." Bumuntong hininga siya. "Kailangan niyong matalo ang mga virtual na mga nilalang o mga halimaw nanggaling sa isang sikat na laro, kailangan niyong talunin lahat ng makakalaban niyo hanggang sa makarating kayo sa finish line at kailangan niyong tapakan ang mga virtual tiles para makarating sa dulo." 

Minecraft? Mobile Legends? League of Legends? Helix Jump? Dancing Ballz? Rules of Survival? Zombie Tsunami? Or Pou? Hahahaha! Pou?! Imposible naman iyon! Lalo na 'yong ibang laro na nasa isip ko pero baka isama.

"Ngayon, isuot niyo na ang inyong protective gears." 'Yong suot nila ay parang sila talaga ang players sa laro at mukhang magiging neon o glow in the dark ang mga iyon. Kay Shane ay kulay pula ang mga disenyo pati na sa head gear na kakaiba ang disenyo na parang LED Masks. Kay Christian naman ay kulay asul. Isang linya na may kulay lang ang parang shades nila sa head gear nila.

"Maghanda na! Isa!"

Naghanda na sila Shane.

"Dalawa!"

Nakita ko si Althea na itinaas nanaman ang kaniyang poster na may nakalagay na 'Go Shane! Kaya mo 'yan Tarsier! 'Wag magiging marufok!' Natawa naman ako sa nakasulat.

"Tatlo!" Pinindot ko naman ang buzzer na nasa harapan ko bilang signal.

"DJ, hit the beatz!" Malakas na sigaw ni Ginoong Jeff na puno ng pagkasabik. Pinatugtog naman namin ang Legends Never Die na nightcore version at galing sa League of Legends ulit.

Christian's POV:

Kuhanin mo na itong oportunidad na ito para matalo mo siya.

May mga virtual zombies and creepers ang sumulpot sa aking harapan na agad ko namang pinatay gamit ang espada ko na hango sa Minecraft na laro.

Haha! Sanay na ako dito.

Napasadahan ko ng tingin si Shane na parang nag bumagal ang paligid ko nang makita ko siya kung paano siya nakikipaglaban. Halos lumipad na siya sa ere sa sobrang galing niyang makipaglaban.

Umiling-iling ako. Pokus Christian!

Nang paglingon ko ay may palapit na pala na gagamba at skeleton. Agad ko ito sinaksak para mapatay ko.

"Damn!" Singhal ko.

Shane's POV:

Mabilis kong natapos ang pakikipag sagupaan ko sa mga virtual monster kaya nakarating na agad ako sa virtual tiles na parang pinaghalong Piano Tiles at Dancing Ballz. Dumilim ang paligid at nagsimulang umilaw ang mga kulay pula kong mga disenyo sa aking gear.

Ang ganda talaga ng Siyensya at teknolohiya!

Namangha ako sa mga nakikita ko. Dapain 'man ako pero hindi ko hahayaan na madapa ako ngayon at sa mismong laro pa.

"Oo, lampa ako pero ang pagiging mahina ay hindi susi para sa tagumpay." Bulong ko sa sarili ko. Sa larong ito ay parang ako ang magiging disc sa Dancing Ballz. Tumakbo lang ako at tumatalon pag may lalaktawan na. Patag lang ang sahig pero pakiramdam ko ay nasa totoong laro ako.

Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon