Chapter 22: The Game

48 2 0
                                    


Chapter 22: The Game

Christian's POV:

Buti na lang at naubos ko ang mga tiketa ko kahapon kaya makakasali ako sa laro ngayon. Wala munang kaibi-kaibigan sa'kin pagdating sa laro lalo na't pagkasali 'yong mga tropa ko. Sigurado akong kasali si Shane dahil mahilig 'yon makipag paligsahan kahit kanino. Pinapakilala niya kasi ang sarili niya sa paaralan na'to kaya mahilig siya makipag compete. Kahit bagong estudyante pa siya ngayong taon ay wala akong pakialam dahil ako lagi ang nangunguna pero nang dumating siya ay lagi na akong pangalawa.

Sisiguruhin ko na matatalo siya sa laro ngayon at lalo na't nanalo siya kahapon sa mga booths kaya wala siyang bawas. Parehas naman kami pero siya lagi ang unang nakakagawa.

Alam kong pangbato siya sa eskwelahan niya noon pero hindi ko ibibigay ang aking trono. Naagaw niya ito ng dalawang beses pero ngayon hindi na ako makakapayag na maagaw niya ulit ito ngayon hahaha!

Humalakhak lang ako na parang isang kontrabida sa pelikula. Hindi ko lang namalayan na nakatingin pala sa akin si Reymer kaya agad akong kinabahan kung nakita niya ba 'yong pagtawa ko nang ewan para sa mata ng mga normal na tao na simple lang at astig lang.

Napalunok naman ako dahil nakatingin siya sa'kin. "A-ahh kanina ka pa diyan?" tanong ko.

"Medyo. Alam kong may maitim na balak ka kay Shane kaya sige tumawa ka lang. Buti at ako ang nakakita at nakarinig sa'yo nako! Pag 'yong iba 'yan at 'yong dalawang tropa natin ay siguradong aasarin ka nila at sa iba naman ay baka... Masira ang reputasyon mo dito sa eskwelahan." Iniwan niya na lang ako para pumunta sa Dining Room dahil tapos na siyang mag-ayos ng sarili saka maaga kasi siyang gumising.

Pagkatapos no'n ay dumeretso ako sa banyo para maligo. Habang naliligo ako ay naiisip ko parin ang mga pinagsasabi ko kay Shane kahapon.

"Arrhhhgg! Ang korni mo naman kahapon Christian! Hindi ganyan ang isang gangster na alam ko. Gayahin mo si Jeydon Lopez, tandaan mo. Maayos ang galawan, at isa pa gwapo pa saka maangas!" Malakas na sinuntok ko ang pader sa shower.

"Aray!" Daing ko. "Ano ba 'yan Chris umayos ka nga!" Winagayway ko ang aking kamay para mawala ang sakit saka hinipan ito. Nang matapos na ako ay saka ako nagbihis at siyempre inayos ang buhok kong kulay kape.

Sinuot ko ang aking salamin na bilog dahil... Wala trip ko lang.

Pagkalabas ko ay nakasalubong ko si Ariela. Saglit akong napatingin dito pero agad 'din akong umiwas.

"CH!" Iyon ang tawag niya sa akin lalo na't pagnaka talikod ako. Inayos ko ang mukha ko para magmukhang suplado ang dating ko pagharap sa kaniya.

Mas okay nang iwasan siya kaysa masaktan pa ulit ako. Hinarap ko siya at diretsong tumingin sa kaniya.

"Bakit?" malamig na tanong ko.

"A-anong nangyari sa kamay mo?" takhang tanong niya habang nakatingin lang siya sa kamay kong namumula pa kanina pa.

"Wala. Wala ka na do'n." Tumalikod agad ako sa kaniya pero hindi ko natiis kaya humarap agad ako, kaso pagharap ko ay nakita ko siyang tumatakbong palayo.

Mali

Naglakad na lang din ako papunta sa Dining Room para mag take ng agahan. Pagpasok ko ay naka-upo na ang mga tropa ko sa lamesa namin na para sa'min lang. Sumulyap naman ako sa direksyon ng tropa nila Julia at napansin kong wala pa si Shane at Ariela.

Nasaan kaya sila?

"Hoy! Christian tara na gutom na kami!" Malakas na tawag sa'kin ni Lukas.

Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon