Chapter 7: Revenge
Shane's POV:Nagising na ako at nasa ospital pa rin ako pero sabi ng doktor kahapon pwede na daw akong lumabas mamaya lang pag dumating na siya.
TOK! TOK! TOK!
Tatlong katok mula sa pinto ang narinig ko habang nagpapahinga sa kuwarto ako dito sa HAH.
"Pasok!" Iniluwal nito ang doktor na gumamot sa akin.
"Hmm... Shane, ayos ka na ba? Wala na ba'ng masakit sa'yo?" sunod-sunod niyang tanong.
Umiling ako. "Wala na po." Nakangiting tugon ko.
"Ahh sige pwede ka na'ng lumabas ng ospital, pero huwag ka magpapakapagod ha? At bukas ka na pumasok ulit. Sa ngayon mag pahinga ka muna." Habilin ng doktor.
"Yes po dok. Salamat po!" Nakangiting sambit ko.
"Walang anuman. Trabaho namin ang mag pagaling ng tao kaya hindi mo na kailangang magpasalamat." Nakangiting tugon niya. Tumango na lang ako saka siya nginitian. Lumabas na siya ng pinto. Pagkalabas niya bumungad naman agad sa'kin si Althea.
"Shane... Ayos ka na ba?" tanong sa'kin ni Althea.
"Siguro..." Walang ganang tugon ko habang sinusuri ko ang aking katawan.
"Ahh... Sige... Hatid na kita sa dormitoryo mo." Anyaya niya.
"Sige..." Sagot ko. Naalala ko nga pala si Ariela.
Bakit kaya hindi siya ang sumundo sa'kin sa ospital? Baka may ginagawa...
"Saglit!" Pigil ko sa kanya habang nag-aayos siya ng gamit ko. Agad naman itong lumingon.
"Bakit?" tanong niya.
"S-si... Ariela? Nasaan siya?" tanong ko.
"Ahh... Nndoon pa siya sa klasrum, bakit?" takhang tanong niya.
"Umm... Wala, eh... Bakit ka nandito?" takang tanong ko.
"Bakit ayaw mo ba'ng ako ang magsundo sa'yo dito?" mataray na tanong niya.
"H-hindi naman... Hindi ka ba pumasok sa klase?"
"Pumasok. Kaso maaga ako natapos sa pinapagawa ng guro namin." Napamaang naman ako sa sinabi niya. Tumango na lang ako saka tumayo sa kama at tinulungan siya sa pagliligpit ng ilan kong gamit. Maya't maya pa ay lumabas na din kami ng kwarto, nag palit lang ako ng pang bahay na damit saka isinauli 'yong ginamit kong damit na pang ospital na kulay pink.
Habang nag lalakad kami sa pasilyo nagtataka ako kung bakit ni-isang estudyante wala kaming maka salubong. Siguro may klase pa sila.
Nagpatuloy lang kami sa pag lalakad ni Althea, sobrang tahimik niya sabagay wala rin naman mapag-usapan.
"Shane..." tawag niya sa'kin. Lumingon naman ako sa kanya.
"Hmm?"
"Hmm... Bakit parang hindi ka natatakot kay Christian at sa mga barkada niya?" malungkot na tanong niya.
"Bakit naman ako matatakot? Hindi ko naman sila mga magulang para katakutan saka hindi naman sila ang diyos kaya bakit ako matatakot sa kanila? Kaya ano ang rason para matakot ako?" mataray na pagkasabi ko.
"Kasi marami na silang ginawa na hindi maganda at saka si Christian malupit iyan! Kaya nga nagawa niya 'yan sa'yo! Wala kaming lakas ng loob para labanan sila dahil malalakas sila at buti naka hanap na kami ng magtatanggol sa mga naaapi. Marami nga silang taga hanga pero malulupit sila. At ikaw Shane, ikaw ang makakalaban nila kaya gud lak sa'yo. Shane, nandito kami para sa'yo, handa na kaming lumaban dahil nandiyan ka na." Nakangiting sabi sa'kin ni Althea.
BINABASA MO ANG
Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]
Teen FictionHighest rank: #1 (LIB) WELCOME TO HUGOT ACADEMY! Mayroong isang simpleng babae na nagmula sa ibang bansa ang lumipat sa eskwelahan na nagngangalang Hugot Academy. Ano kaya ang mga naka-abang sa kanya na pagsubok dito? Dito na kaya niya matatagpuan...