Chapter 6: Pain
Shane's POV:Hay! Ang sakit ng katawan ko. Feeling ko durog-durog na ang mga buto ko sa sobrang sakit. May mga familiar na boses akong naririnig. Sinusubukan kong dumilat pero malabo, malabo ang nakikita ko.
"Uyy! Tignan niyo gising na siya," sabi no'ng babae.
"Oo nga," sabi pa ng isang babae.
"Shane okay ka lang ba?" tanong pa no'ng isang babae.
Inaaninag ko kung sino 'yong mga nakapaligid sa akin. Ang tanging naaninag ko lang ay si Ariela.
"Shane, Shane! Okay ka lang ba?" tanong ni Ariela. "Shane magsalita ka! Please..." Pangungulit pa niya.
"Ahh m-medyo masakit ang katawan ko ngayon." Nauutal na pagkasabi ko habang pilit na iginagalaw ang kamay ko. "N-nasaan ako?" tanong ko. Nagkatinginan silang lahat.
"Ahh nasa ospital ka ng Hugot Academy," sagot ni Ariela.
Napangisi ako sa sinabi niya. "Haha, wow! Mayroon pa lang ospital dito." Nakangising pagkasabi ko. Napangiti naman si Ariela. Kumurap ako ng ilang beses para makita ko ng malinaw ang lahat. Pilit kong umupo sa kama habang iniingatan ang katawan ko. Kasi buong katawan ko ay masakit.
"Shane, dahan-dahan lang," pag-alalay sa'kin ni Ariela. Tumango na lang ako, ng makaupo na ako sa kama saka ko sila tinignan ng deretso. "Shane ano ba kasi nangyari sa'yo?" tanong ni Ariela.
"Ahh," tanging sagot ko habang iniisip pa kung ano ang nangyari sa akin. Pinagmasdan ko lang sila ng mabuti at mukhang nag hihintay talaga sila ng sagot. "Kasi..." Tumingin muna ako sa kisame at pilit na inaalala ang nangyari sa akin kanina.
Ano nga ba ang nangyari sa akin?
Habang nakatingin ako sa kisame biglang pumasok sa utak ko 'yong biglang nangyari kanina sa room. Noong hinila ako ng isang babae at may mga kasama pa ito, naalala ko na rin ang lahat ng nangyari sa'kin.
Hayop ka! Hayop ka Christian! Mapapatay kita dahil sa ginawa mo sa akin! Lagot ka sa akin! Matitikman mo ang sakit ng ginawa mo sa'kin.
Biglang nag-init ang ulo ko ng dahil doon. Ang mga kamay ko ay biglang nagsara at gustong manuntok ng tao dahil sa mga alaala na iyon.
"S-Shane a-ayos ka lang ba? Bakit biglang nag-iba ang itsura mo? Nakakatakot." Nauutal na tanong ni Ariela.
"Si... Christian kasi! Tsk!" Punong-puno ng galit na pagkasabi ko.
"Bakit anong ginawa niya sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Ariela.
"Oo nga! Tara resbakan natin oh! Shane suportado ka namin! 'Wag ka mag-alala," mayabang na pagkasabi ni Julia.
"Tanda niyo 'yong hinila ako no'ng babae kanina?" tanong ko sa kanila.
"Oo!" sabay-sabay nilang sagot.
"Oh 'yon ang simula..." Pambibitin ko. Huminga ako ng malalim at sinimulan na ang kuwento.
"Habang tumatakbo kami, saglit kaming huminto sa may papuntang Dining Garden at 'yong isang lalaki ay nilagyan ako ng panyo sa mata habang hawak hawak ako ng ilan sa kanila tapos may sumiko sa tiyan ko kaya nawalan ako ng malay..." Huminga ulit ako ng malalim saka ipinagpatuloy ang kwento. "Nang medyo nagigising ako ayun! Wala akong makita tanging pandinig ko lang ang gumagana, ito ang mga nadinig ko sa kanila," isinalaysay ko sa kanila ang buong kwento. "Pinagsasampal nila ako, pinagsu-suntok, tinadyakan ang hita ko, siniko ang tiyan ko at higit sa lahat ay SINABUNUTAN AKO NG WALANG HIYANG 'YON!" Puro galit ang namumuo sa'kin pati na ang mga sinasabi ko ay puro galit na din. "At ito pa ang sinabi sa'kin ng hayop na 'yon at ang mga narinig ko". Ikinuwento ko ang lahat ng mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]
Teen FictionHighest rank: #1 (LIB) WELCOME TO HUGOT ACADEMY! Mayroong isang simpleng babae na nagmula sa ibang bansa ang lumipat sa eskwelahan na nagngangalang Hugot Academy. Ano kaya ang mga naka-abang sa kanya na pagsubok dito? Dito na kaya niya matatagpuan...