Chapter 2: Roomate

235 13 2
                                    


Chapter 2: Roommate

Shane's POV:

Siguro matagal na akong naka idlip pero parang na gising ang diwa ko nang may biglang pumasok sa pintuan. Agad akong na paupo sa kama dahil doon, nang tumingin ako sa may pinto nakita ko ang isang babae mukhang kasing edad ko pero hindi ko alam kung bagong estudyante ba o lumang estudyante siya rito.

Ano kaya pangalan niya? At ang ganda niya, kaklase ko kaya siya?

"Hi!" Bati niya sa'kin na'ng mapansing nakatingin ako sa kanya. Nginitian ko lang siya. "Hindi pa kita nakikita rito, siguro bago ka lang dito no?"

Ngayon alam ko na ang sagot sa isa sa mga tanong sa isip ko kanina.

Tumango nalang ako at ngumiti. "You're so quiet." Dugtong niya pa. At nilagay muna niya ang mga gamit niya sa kabilang gilid ng kwarto. "Siya nga pala, ako si Ariela Mavis, ikaw?"

Ahh, Ariela Mavis pala.

"A-ako si Shane Cruz." Nauutal na sagot ko.

"Ilang taon kana?" Tanong niya.

"Labing-anim taong gulang." Sagot ko.

"Oh, parehas tayo. Kailan kaarawan mo?"

"Ngayong Hunyo 21 lang, ikaw?"

"Ahh, ako Abril 19."

So mas matanda pala siya sa'kin.

"Ahh okay." Napamaang nalang ako. "Matagal ka na dito?" Biglang tanong ko. Nginitian niya lang ako. Nakasuot siya ng pantalon at puting blusa.

"Noong baitang-pito pa ako dito." Tango-tango na lang ako.

"Mababait ba mga tao rito?" Tanong ko.

"Oo naman." Mahinahon na pagka-sabi niya. "Mababait mga tao dito pero may gang din dito pero medyo mild lang sila kung mang bully, sa unang araw makikilala mo rin sila."

Weh?! Seryoso? May gang dito? Tsk! Pero mild naman daw eh. Hehe baka kaya ko na 'yan, hindi kagaya sa U.S. grabe kung mang bully lahat na ng pangbu-bully ginagawa.

"Saan ka nga pala galing?" Natigilan ako dahil sa tanong niya.

"Ahh sa U.S." Sagot ko. Napamaang na lang siya.

"Saan banda roon?" Tanong niya pa. "At saka sino ang may lahi sa inyo tatay o nanay?" Tanong niya pa ulit.

"Sa tatay ko. Sa L.A., California kami nakatira before, pero ngayon nagsimula na kaming manirahan dito." Tugon ko. "Si Daddy kasi kalahating Amerikano siya pero marunong kaming tatlo na mag tagalog." Dugtong ko pa.

"Halata." Sagot niya. "Pero bakit niyo napiling manirahan dito sa Pilipinas kaysa Amerika?" Tanong niya pa.

"Kasi si Daddy nag tr-trabaho siya sa isang kompanya na nandito sa Pilipinas, at napili namin na manirahan talaga dito para sa ikabubuti ko daw, hindi kasi masyado maganda ang turo sa middle school, ang Harvard lang talaga ang pinaka magandang paaralan doon at saka napansin nila na nahihirapan na'ko roon dahil sa mga kaklase ko, masyado kasing grabe kung mang bully at 'yong pasilidad ay maliit lang, hindi kagaya rito pang universidad na talaga, pero academy pa lang ito diba?"

"Tama, academy pa lang ito pero ang mga pasilidad ay malaki na. Paano pa kaya pag university? Pero may senior high na rin dito at 'yong kolehiyo dito ay pinapagawa pa." Pumunta muna siya ng banyo para mag bihis at ako ay nagbasa muna ng Wattpad, hilig ko kasi mag basa ng mga ito. Kinuha ko ang libro kong He's Into Her mula sa bag ko saka inayos ko na rin ang mga gamit ko.

Inilagay ko 'yong iba sa cabinet, sa drawer at sa wardrobe. Pag-kalabas ni Ariela ay napansin kong mas matangkad pala siya sa'kin pero kaunti lang.

"Shane, tara labas tayo!" Anyaya niya.

"Sige! Hintayin mo'ko."

"Sa labas lang ako!" Lumabas na siya ng pintuan. Samantala ako nilagay ko muna 'yong libro ko sa ibabaw ng drawer, tabi ng lampara at nag-unat muna bago tumayo. Nakasuot ako ngayon ng checker na palda at walang disenyo na asul na parang sando kasi wala itong mangas.

Saan naman kaya kami pupunta? Pero 'di bale na at least may maka bonding ako dito at may kaibigan narin ako.

Sumunod na akong lumabas, nakita ko siyang nag hihintay sa labas at mukhang malalim ang iniisip agad ko siyang tinanong habang nakatingin siya sa malayo.

"Ariela, ayos ka lang?" Napalingon siya sa'kin.

"Oo Shane, a-ayos lang ako huwag mo'ko alalahanin." Nauutal na pagkasabi niya. Tumango nalang ako.

Naglakad kami sa pasilyo at tahimik lang kaming dalawa pero na pag-usapan namin ang tungkol sa mga events dito at marami pang iba nilibot lang namin ang buong paaralan.

Mayroon ditong Pool, training room pero may kaliitan at nakalagay na under renovation ito after this school year at 'yung mga klasrum dito ay puro air-conditioned, napagtanto ko na mataas palang palapag ito umabot ang palapag nito hanggang tatlong palapag pero napansin kong may apat na palapag ito kaya naisip kong puntahan ito.

Nagpaalam muna si Ariela na may pupuntahan siya at mag kita nalang kami sa Dining Room. Tumango nalang ako at nag hiwalay na kami ng direksyon, ako dumeretso sa ika-apat na palapag samantala siya hindi ko alam kung saan pero bahala siya. Basta ako tambay muna ako rito.

Nasaan kaya yung ibang tao? Wala pa ba nag d-dorm dito kaming dalawa palang ba? Oh baka mamayang hapunan sila lalabas. Psh!

Habang nando'n ako sa pang apat na palapag may naririnig akong ingay, isang ingay na may ibang tao roon bukod sa'kin. Agad akong napatayo mula sa pag kaka upo at sinundan ang ingay na iyon.

Naririnig ko ang ingay na iyon sa may field, nagulat ako sa nakita kong sobrang lawak na field lahat dito ay pwede nang gawin. Baseball, soccer, at track and field.

Wow! Ang lawak

"Aray! Tsk!" Napa-aray ako sa sakit nang tamaan ako ng bola sa ulo, buti na lang hindi ako nag ka amnesia at buti maliit lang 'yong bola na tumama sa ulo ko. Nang pulutin ko ito nakita kong bola ito ng baseball kaya pala medyo masakit, hinimas ko 'yong kanang bahagi ng ulo ko.

"Hoy! Ibato mo nga 'yang bola rito!" Ngayon sila pala 'yong ma-iingay na abot hanggang apat na palapag 'yong boses. "Hoy! Narinig mo ba ako ang sabi ko ̶" Natigilan siya nang mag salita ulit ako.

"Oo narinig kita hindi ako bingi! At saka hindi ka ba hihingi ng tawad sa'kin? Eh, ikaw nga 'yong nakatama sa'kin ng bola! Ang sakit kaya!" Nakakainis ah.

"Eh, 'di patawad!" Sigaw niya.

Wow! Ang kapal!

"Oh? ayan nanghingi na'ko ng tawad kaya ibalik mo na nga 'yan!" Galit na sigaw niya.

Demanding! Tsk!

"Tsk! Demanding! Oh ayan na 'yong bola! Saksak mo sa baga mo!" Binato ko 'yong bola sa kanila at saka umalis.

Mukhang sila 'yong gang, mga walang modo! Bahala sila! Oo nga pala, si Ariela sa Dining Room kami mag kikita.

Pumunta agad ako sa Dining Room at nauna na kaming mag hapunan sa iba kaya nakatulog kami ng maaga ni Ariela.

"Magandang gabi Shane, kita-kits bukas."

"Magandang gabi rin Ariela, bukas may pasok na 'no?"

"Oo nga eh, unang araw ng pasukan bukas." Ngumisi na lang ako. Tuluyan na kaming natulog ni Ariela.

**** 

Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon