Chapter 27: Childhood memories

37 2 0
                                    


Chapter 27: Childhood memories


Christian's POV:

"Christian ano nanaman ba ang ginawa mo at na-suspend ka nanaman?!" Sarkastikong sabi ni Dad.

"Ano ba pake alam mo ha?!" Lumabas na lang ako ng bahay para makalayo doon. Nakita ko si Mom na nakatingin lang sa'kin.

"Hoy! Christian Garcia! I'm talking to you! Where do you think you're going?"

"Tch!" Hindi ko na lang ito pinansin saka sumakay sa bike ko para pumunta sa bahay nila Reymer.

"Christian!" Tawag muli sa akin ni Dad. Nag-pidal na ako paalis doon, eh, sakto naman ay naka bukas ang gate namin.

Hayss... Nakaka De Javu! Naman! Naaalala ko tuloy noong una kaming magkakilala ni Ariela. I was 10 year's old back then at parehas 'din ng mga eksena ang mga nangyari. Pinapagalitan ako ni Dad pero hindi ko siya pinakikinggan kaya umalis na lang 'din ako noon at plano ring pumunta sa bahay nila Reymer.

*FLASHBACK*

Habang nagba-bike ako ay may mga babae na nagpapa-cute sa'kin habang nagja-jogging sila.

"Hi, Christian." Bati sa'kin no'ng isang babae na humarang sa dadaanan ko.

"Umalis ka nga diyan kung ayaw mo'ng masagasaan?!" Masungit na sabi ko.

Ngumuso siya. "Paano kung ayoko?" hamon niya.

"Tsk!" Nilagpasan ko na lang siya ngunit binato niya pa ako ng tinapay niya.

"Ano ba?! Epal ka ah!" Asik ko.

"Ih! Kasi ba naman eh! Nilagpasan mo lang ako!" Nakanguwi na tugon niya.

"Argh! The heck, what do you want?!"

"Gusto ko lang makipag kaibigan." Nakangising sagot niya.

"Ano ba't naisipan mo at gusto mo'ng makipag kaibigan sa'kin ha?" Nayayamot na pagkasabi ko.

"Wala lang–"

"Kung gusto mo ng yaman namin ay puwede namin kayo'ng bigyan ng pamilya mo. Basta huwag ka lang makipag kaibigan sa isang tulad ko."

"Aba'y ang yabang mo ah! Saka mayaman 'din kami, duh! Hindi ako lalapit sa'yo kung pera lang ang kailangan ko sa'yo. 'No!"

"Then what?" masungit na tanong ko.

"Bakit? Masama ba'ng makipag kaibigan?" tanong niya.

"Oo." Maikling tugon ko.

"Psh! At bakit naman?" mataray na tanong niya.

"Because I don't want to make friends with others that I didn't know." Malamig na tugon ko.

"Ay! Umi-english! Taray ha! Puwede naman ako'ng magpakilala eh."

"I don't care–"

"I am Ariela Mavis and I'm 9 year's old. I also live here in this subdivision." Pigil niya sa'kin. "Oh. Ikaw naman! Nagpakilala na'ko eh."

"I don't need to introduce myself to you." Magpipidal na sana ako paalis kaso dumaldal nanaman siya.

"Yabang talaga nito at suplado pa! Wala ka naman yatang kaibigan eh."

Doon na uminit ang dugo ko. "Mayroon ako'ng kaibigan ha! At higit sa lahat ay best friend ko pa siya!" Pagmamalaki ko pa.

"Owws... Eh, nasaan siya?" nang-aasar na tanong niya.

"Pupuntahan ko–"

"Oh! Chris. Ariela, you already know each other?" nakangising pagkasabi niya habang naka bike 'din siya. Green ang bike niya. Samantala sa'kin ay blue.

Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon