Chapter 21: Halloween Party
Shane's POV:Masaya kaming lumilibot sa mga booths at siyempre sa mga libreng pagkain lalo na si Julia na takam na takam sa tsokolate at ako naman ay polvoron. Parehas lang naman kami.
"Shane, tara doon tayo!" Mabilis ako'ng hinila ni Julia at tila sabik na sabik na makapag trick or treat sa silid ng mga guro.
Halos kaming tatlo lagi nila Julia at Althea ang magkakasama.
Lumapit kami sa pintuan ng faculty room at biglang nagsalita si Althea.
Habang palinga-linga sa paligid.
"There are hundreds of monsters living in my umbrella." Mahinahong sambit niya.
Napahilamos na lang ng mukha si Julia. "Hay nako! Sonbu!" Nagtatakang tumingin naman sa amin si Althea.
"Bakit?"
Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan ng faculty room. Agad naman itong binuksan ng isang babae na naka Hello Kitty na hair band pati ang kaniyang damit.
"Trick or Treat!" Masayang bati naming tatlo.
"Mga cher! Mayroon tayong mga bisita!" Maarteng sabi ng guro sa harapan namin.
Nagsilapitan ang mga guro sa amin upang bigyan kami ng mga kendi. Napangiti naman kaming tatlo saka nagpasalamat sa kanila bago umalis.
"Salamat po!" Tuluyan na kaming umalis.
"Ang daming kendi pero walang tsokolate!" Malungkot na pagkasabi ni Julia.
"Aww..." Pang-aasar ni Thea kay Julia.
"Ikaw talagang sonbu ka!" Singhal ni Julia kay Althea.
"Aww... Walang tsokolate kawawa!" Asal bata na saad ni Althea kay Julia.
Nagharutan ang dalawa habang ako ay nakatingin lang sa kanila. Napapangiti ako sa pinag ga-gagawa nilang dalawa.
"Ahh... Lonely si Shane! Hahahaha!" Pang-aasar naman ni Julia sa'kin.
"Iiyak na 'yan!" Pang-aasar naman ni Althea.
"Porket ikaw sonbu ka 'di kita inaasar ha." Sinugod ko si Althea sabay kinikiliti. Samantala ito naman si Julia ay sumali kaya talo nila ako. Napahiga na lang ako sa sobrang kiliti nila sa'kin habang namamatay naman ako sa kakatawa.
"T-tama na! Hahahah!" Natatawang pigil ko sa kanila.
Tumayo naman ako saka tumakbo kahit naka bistida ako na itim. Mabilis na nagsi-sitabihan ang mga tao sa dinaraanan ko dahil mukhang nakakatakot ang suot ko saka may hawak pa akong pekeng patalim. Habang tumatakbo ako hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako.
"Pasensya po. Paumanhin." Paumanhin ko sa taong nabangga ko.
"Ano ba 'yan! Hindi kasi tumitingin eh!" Singhal ng lalaki na nakabangga ko. Nang mag-angat ako ng tingin laking gulat ko nang makita ko sila Christian pala ang nabangga ko.
"Pwede naman kasi tumabe ka na lang." Galit na pagkasabi ko.
"Eh, ikaw nga 'tong tumatakbo eh. Para kang bata." Madiin na saad ni Daniel.
"Humingi naman ako ng tawad eh. Kaya ayos na 'yon." Inirapan ko lang siya.
"Hoy, multo. Isa 'tong party at hindi palaruan kaya 'wag kang tumakbo at kung may nanghahabol sa'yo dapat ikaw pa nga ang manghabol dahil serial killer sa Scream 'yang suot mo." Maarteng saad ni Lukas.
BINABASA MO ANG
Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]
Teen FictionHighest rank: #1 (LIB) WELCOME TO HUGOT ACADEMY! Mayroong isang simpleng babae na nagmula sa ibang bansa ang lumipat sa eskwelahan na nagngangalang Hugot Academy. Ano kaya ang mga naka-abang sa kanya na pagsubok dito? Dito na kaya niya matatagpuan...