Chapter 9: Walang Forever
Ariela's POV:Sinarado na agad ni Althea 'yong bibig niya at si Camille naman ay bumalik na sa dati ang mga mata niya at nagulat naman ako nang biglang sigawan ni Julia 'yong dalawa.
"HOY! WALANG FOREVER!" Sigaw ni Julia. Napatingin naman agad 'yong dalawa sa gawi namin. Si Micah nauna na sa klasrum.
"OO, ALAM KO HINDI MO NA KAILANGAN ISIGAW PA!" Sigaw pabalik ni Shane.
"Huwag nga kayo mag sigawan!" Nayayamot na utos ko saka tinampal ko ang aking noo. Sinamaan lang ako ng tingin ni Julia saka lumapit kayla Shane.
Julia's POV:
"Hoy Shane! Mamaya na landi! Tara na nga mahuhuli pa kami sa klase dahil sayo!" Hila ko kay Shane pero nag pu-pumiglas siya.
"Oy! Julia ano ba?!"
"Bakit? 'Di ba may klase pa tayo kaya tara na!" Naiiritang sambit ko.
"Teka sabay na kami ni James pumasok." Angal niya.
Anak ng putcha!
"Bahala ka–" Binitawan ko na ang kamay ni Shane at aktong mag sasalita pa ako ng mag salita si James.
"Sige na Shane mauna na kayo susunod naman ako sa inyo," pigil sa'kin ni James.
"Sige," tango-tango niyang sagot.
"Halika na nga mahuli pa tayo sa klase." Naiiritang sambit ko. Sumunod naman agad si Shane sa amin.
Pagdating namin sa klase agad naman siyang umupo sa upuan niya at kami din umupo na kami sa kaniya-kaniyang upuan namin. Habang nagka-klase kami. Nakikita ko si Shane na palinga-linga sa direksyon ni James, at si James naman ay parang tanga na pakiligkilig bawat minuto na lilingon si Shane.
"James!" Sigaw ni ma'm sabay hampas ng lamesa.
Lagot ka ngayon hahaha.
Napangisi ako sa naiisip ko. Agad naman lumingon si James kay ma'm.
"Y-yes po ma'm?" kabadong tanong niya.
"Ano ba 'yan! Para kang ewan kanina ka pa!" Sigaw ulit ni ma'm.
"B-bakit po? May ginagawa po ba akong masama?"
"Oo! Kanina ka pa diyan kinikilig na parang ewan." Sigaw pa ulit ni ma'm.
"Teka nga sino ba 'yang lagi mo'ng nginingitian? Ha?!" Dugtong niya pa.
Tumingin lang si James kay Shane at ilang segundo din ang nakalipas bago siya sumagot. "Umm... W-wala po!" Kabadong sagot niya.
"Eh? Bakit ka laging tumitingin kay Shane? Hmm?" Pananaray ni ma'm at tinaasan niya ng kilay si James.
"Ahh..." Bakas sa mukha ni James ang pagkalito at hindi malaman ang isasagot. Nanatiling tahimik ang kapaligiran pati na si James at ang guro na nag-aabang ng sagot mula kay James. Ang ibang kaklase namin ay nakikinig lang.
"Hmm?... Tahimik ka so, oo?" paninira ni ma'm sa katahimikan. Nanatiling tahimik si James. "So si Shane nga?" panghuhuli niya. Nanatiling tahimik pa rin si James. "Shane!" Tawag niya kay Shane.
Napa-angat agad ng tingin si Shane saka huminto sa pag-susulat niya. "Po?" tanong niya.
"May namamagitan ba sa inyo ni James?" mataray na tanong ni ma'm kay Shane.
Eto ang gusto ko! Mainit na upuan na!
Tumingin muna si Shane kay James saka siya sumagot. "Umm... W-wala po ma'm." Nauutal na sagot ni Shane.
Tumango na lang si ma'm saka bumalik sa pagtuturo.
Shane's POV:
Nakahinga ako ng maluwag no'ng bumalik na sa pagtuturo si ma'm.
Muntik na'ko doon. Si James kasi parang kite-kite na kinikilig tuwing su-sulyap ako sa kanya.
Dalawang oras din ang nakalipas bago matapos ang klase. Habang nagliligpit ako ng gamit ay may lalaking biglang lumapit sa harapan ko. Pag-angat ng tingin ko nakita kong si Christian pala 'yon.
Ano nanaman kaya problema nitong lalaking 'to.
Lumapit siya sa'kin ng bahagya kaya napa-atras ako sabay lapit sa tainga ko. Rinig na rinig ko ang paghinga niya at kitang-kita ko kung gaano siyang ka-gwapo.
"Tandaan mo 'to Shane... Walang forever mag hihiwalay din kayo ni James." Bulong niya.
Aba! Talagang ginagalit mo ako ha! Oh eto sa'yo.
Sinuntok ko ang pisngi niya dahilan upang tumalsik siya. Humarap siya sa'kin na nakanguwi habang hinihimas niya ang pisngi niya.
"Ang sakit kaya!" Parang batang asal niya.
"Pake ko! Mas masakit pa nga 'yong ginawa niyo sa'kin eh!" Pananaray ko. Inirapan ko na lang siya saka padabog siyang lumabas ng silid.
Haha mahina ka pala...
Sabay sabay kaming lima na lumabas ng silid at nag tungo sa Dining Area. Habang nasa Dining Area kami may nakikita akong nag hahalikan sa sulok at 'yong iba naman ay magka-hawak ng kamay.
Anong nangyayari sa mundo? Bakit maraming malalandi?
Biglang tumayo si Julia pati na si Lukas na nasa kabilang table lang namin. Sabay silang sumigaw ng "Walang FOREVER!"
Lumabas naman ng Dining Area 'yong dalawang nag hahalikan sa sulok at 'yong dalawang magka-hawak kamay naman ay nag bitaw ng kamay.
"Shane!" Tawag sa'kin ni Camille.
"Bakit?"
"Kayo na ba ni James?"
Napanguwi naman ako. "Huh? Kami? Wala! Walang kami!"
"Talaga ba?" sabad ni Althea.
"Oo nga–" Natigilan ako nang may mag abot sa akin ng sulat mula sa likod ko.
"Galing kay James para sa'yo." Bulong sa'kin ng babae mula sa likod. Paglingon ko agad na siyang naglakad palayo. Kaya hindi ko nakita ang mukha ng babae. Binasa ko ang sulat at nakalagay dito na magkita kami sa Training Room.
"Paalam muna mga dzai, may pupuntahan lang." Paalam ko sa kanila. Tumango lang sila Julia at Althea habang abala na mag drawing sa selpon nila, sila Camille at Micah naman ay nagpaalam lang din. Aalis na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Ariela.
"Ahh... Basta may pupuntahan lang ako hehe..." Hindi mapakaling tugon ko. Tumingin siya sa kabila kong kamay na may hawak na sulat.
"Ano 'yan?" usisa niya.
Tinaas ko ang sulat at tinignan ito. "Ahh... Ito ba? Ano... Umm... Papel hehe." Palusot ko. Pinagpapawisan ako sa kaba na baka malaman niya na si James ang pupuntahan ko.
"Hmm..." Tanging naging tugon niya saka ako umalis.
Ariela's POV:
Hmm... Tungkol kaya saan 'yong papel na 'yon? Baka si James ang pupuntahan niya.
Sinundan ko na agad ng palihim para hindi niya ako makita. Habang sinusundan ko siya. Nakikita ko na ang daan na tinatahak namin ngayon ay papunta sa silid ng pagsasanay.
Bakit siya papunta ng dito? Napa isip tuloy ako dahil sa kanya. Nakita ko siyang pumasok sa loob pero hindi ko na siya sinundan pa, sumilip na lang ako sa maliit na bintana ng pintuan ng silid.
Nakita ko doon si James na may kasamang babae at si Shane ay nakatayo lang doon habang pinagmamasdan sila James at ng babae.
Iyan na nga ba ang sinasabi ko dapat hindi ka mahulog diyan sa James na 'yan, kasi sa-saktan ka lang niyan Shane.
Tinignan ko ang babae pero hindi malinaw ang mukha ng babae sa malayo.
****
BINABASA MO ANG
Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]
Teen FictionHighest rank: #1 (LIB) WELCOME TO HUGOT ACADEMY! Mayroong isang simpleng babae na nagmula sa ibang bansa ang lumipat sa eskwelahan na nagngangalang Hugot Academy. Ano kaya ang mga naka-abang sa kanya na pagsubok dito? Dito na kaya niya matatagpuan...