Chapter 24: StrengthShane's POV:
Nagsimula na ulit ang laro at kasama sa natitirang manlalaro ay si Christian, Reymer, Lukas, at si James. Kasama na ako doon. Lima na lang kami.
Nagmasid ako sa paligid baka kasi mauna akong matanggal sa laro. "Kailangan kong mag-ingat. Puro lalaki ang kasama ko at isang bakla pa. Puro barkada pa ni Christian ang mga nakapasok sa sumunod na pagsubok." Bulong ko sa sarili ko.
Nakita ko si James pero hindi ko siya lalapitan dahil baka maisahan pa ako ng baklang 'to kahit magkaibigan kami. Nakita ko siyang nagtatago sa bush. Sakto naman ay nakita ko si Lukas na parating. Si Lukas ay hindi umalis sa bush na pinagtataguan ni James.
Ako naman ay nagtatago sa puno doon na may malaking bato ang nakaharang. Isang musika naman ang tumugtog sa buong paligid. Pamilyar sa akin ang music na iyon at paborito namin nila Julia iyon.
"We're so tough!
Not scared to show you up,
Can you feel the rush now?
Ain't nobody bringing us down, down, down, down, down, down.
They could try but we're gonna wear the crown
You could go another round, round, round, round, round, round, round.
Wish you luck but you're not bringing us down.
We go hard...
We so in it in it.
We POP/STARS!
Only winning, winning now.
Ain't nobody bringing us down, down, down, down."
Ang mga salita na nagbibigay ng lakas sa akin bukod sa pamilya at kaibigan ko lalo na sila Julia at Althea. Ang fave song namin. Natawa ako noong una sa kanta dahil galing ito sa League of Legends. Pero in all fairness ang ganda.
Nakita ko si Lukas na nakatingin sa ibang direksyon ay agad ako'ng naghanda at tiniyak na tatlo lang kami doon. Si James ay puwede ko'ng tamaan 'din dahil open space siya sa gawi ko.
Kuhanin mo itong oportunidad na ito Shane!
Tumayo ako at binaril ng paint ball si Lukas. Agad naman itong tinamaan. Aktong tatayo si James nang agad ko siyang inunahan na barilin gamit ang paint gun ko.
"Double Kill! Shane had slain an enemy! It's a game over for Lukas Padilla and James Vincent Stanford!" Anunsyo ni Sir Jeff. "Three players left! Sino kaya ang makakatungtong sa jackpot level? Si Shane ba?, Si Christian ba? O si Reymer?" Dugtong niya pa. "Last round for semi-finals! Only two players can play for the jackpot round!"
Kakayanin ko 'to!
Nawala ang dalawa sa laro. Hindi ko alam kung paano sila nakalabas basta may liwanag na lumitaw kasabay no'n ang paglaho.
Iba na talaga pag siyensiya, lahat nagagawa.
Althea's POV:
Sinadya namin patugtugin ang K/DA-POP/STARS na kanta dahil... Wala lang, trip lang. Ilang sandali lang ay may mga kumakatok na sa aming pinto.
"Hoy! Sino 'yang nandyan?!"
"Buksan niyo 'tong pinto!"
Inupo namin ang ilang guards sa kanilang mga upuan ulit saka nagpalit kami ni Julia ng pang guwardiya. Tutal kasing height lang naman namin ang mga guwardiya kaya hindi na siguro makakahalata. Binuksan na namin ang pinto at dalawang guwardiya na naka itim lahat ang suot ang sumalubong sa amin.
"Pinapatanong ni boss kung sino ang nagpatugtog." Seryosong sabi no'ng isang guard.
Lumunok ako para ayusin ang boses ko at maging parang lalaki. "Ako! Bakit?" lumalim nga ang boses ko.
"Nagustuhan niya daw ang background music kaya sa next level daw ay magpatugtog ulit kayo." Sagot naman no'ng isang guard na naka shades.
Tumango si Julia. "Sige ba!" Lalaking-lalaki ang naging boses ni Julia. Parang tomboy na lalaki. 'Yung akin kasi kanina ay parang bakla. Hanggang ngayon ay tumutugtog pa rin 'yong K/Da. Tumango lang 'yung isang lalaki. Samantala 'yung isa naman ay sumilip-silip pa sa room. Hindi nagtagal ay umalis na ang dalawa.
Pagka-alis nila ay nag-apir kami ni Julia saka sinarado ang pinto. Bumalik na kami sa mga upuan namin. Nakita ko si Shane at Reymer na nasa iisang lugar samantala si Christian ay palapit pa lang. Si Shane ay nagtatago sa malaking bato. Si Reymer naman ay sa malaking troso na naka tumba.
Si Reymer ang naunang tumayo ngunit heto si Christian ay babaril pa lang. Si Shane naman ay agad na pinatamaan si Christian ngunit naka-ilag siya kaya si Reymer ang natamaan. Sabay si Christian at Shane na patamaan si Reymer.
"Double Dead for Reymer! Christian and Shane you are the grand finalist and you can proceed to the jackpot level!" Anunsyo ulit ni Sir Jeff sa speaker. Mabilis na natapos ang laro.
Player's left:
Shane Cruz (Red Team)
Christian Garcia (Sky Team)
****
Song: K/DA- POPSTARS (ft. Madison Beer, (G)I-DLE, Jaira Burns)

BINABASA MO ANG
Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]
Novela JuvenilHighest rank: #1 (LIB) WELCOME TO HUGOT ACADEMY! Mayroong isang simpleng babae na nagmula sa ibang bansa ang lumipat sa eskwelahan na nagngangalang Hugot Academy. Ano kaya ang mga naka-abang sa kanya na pagsubok dito? Dito na kaya niya matatagpuan...