Chapter 28: Vacation
Althea's POV:Nanonood ako ng kung ano-ano habang kumakain ng puto. Nahanap ko ito sa loob ng refrigerator ni Shane pero hindi naman naka-cooler kaya masarap parin.
Ewan ko kung bakit niya nilagay ito doon, pero dahil gutom na ako. No choice na.
"TAEKOOKKKK MOMENT Oh my ghad! My hearteu oh my hearteu!!"
Habang nagpa-fangirl ako ay biglaan ako'ng binatukan ni Julia.
Masakit ah!
"Ang ingay mo, kitang nagdo-drawing ako eh!" Sigaw sa'kin ni Julia.
"Eh, 'di huwag ka'ng makinig!" sigaw ko pabalik kay Julia.
"Che!" Nandito kami ngayon sa iisang kuwarto sa loob ng hotel sa Maynila dahil napag desisyunan ng mga magulang namin na 'dito magbakasyon sa mamahalin na condo sa Manila dahil Christmas and New Year Vacation narin naman namin.
Ilang linggo ang nakalipas simula noong makauwi kami sa kaniya-kaniyang mga pamilya namin. Inaaya 'din namin si Shane na gumala pero dahil busy nga daw siya sa kaniyang YouTube channel at sa pagti-tiktok niya saka may sariling lakad 'din daw sila ng pamilya niya.
"Hoy! Thea." Tawag sa'kin ni Julia.
"Oh? Ano nanaman? Nanonood pa ako 'dito ng BTS eh saka naglalaro ako 'dito ng Mobile Legends." Pagmamaktol ko.
"Adik ka na sa Mobile Legends! Tara kain muna tayo." Aya niya.
"Ayaw!" Iling-iling ko.
"So ayaw mo?" naghahamon niyang tanong.
"Ayaw." Iling-iling ko ulit habang naka pokus 'yung paningin ko sa T.V na BTS ang palabas at sa cellphone ko na Mobile Legends ang nilalaro ko.
"Sige! Ililipat ko 'yung BTS ng Attack on Titan." Panghahamon niya pa.
"Eh, gusto mo rin naman ng BTS!" Angal ko pa.
"Eh, 'di patayin nalang natin 'yung Wi-Fi." Nang-aasar na sabi niya.
"Hoy! Huwag! Juliaaa!!!" Pagpipigil ko sa kaniya. Huminto ako sa paglalaro dahil tapos narin naman ako'ng mag rank saka tumingin sa kaniya ng masama at pinaghahampas sa braso niya dahil katabi ko lang pala siya.
"Patayin na natin. Hehehe..." Sabi pa niya saka kinuha 'yung pocket Wi-Fi para patayin. Hahabulin ko sana siya na'ng may maalala ako.
Eh! May Wi-Fi naman dito sa hotel kaya dito nalang ako makiki-connect. Hihihihihi....
Bungisngis ko dahil sa naisip. Hindi ko na siya hinabol at humiga nalang ulit saka nag simula ng bagong rank-up game ulit.
"Okay. Fine. Ako nalang ang kakain." Tinanguan ko nalang siya saka nagpatuloy sa paglalaro dahil naka konekta na agad ako sa internet 'dito sa hotel.
Nanatiling tahimik ang kapaligiran. Tanging T.V lang na puro music video ng BTS ang palabas at ang pag kain ni Julia sa mga kinakain niya dahil hindi ko naman alam kung ano iyon.
"Labas lang ako ha." Paalam niya. Tanging tango lang ang naisagot ko dahil malapit na kami'ng manalo sa laro.
Ilang minuto ang lumipas at hindi parin nakakabalik si Julia. Nakatapos na ako ng ilang rank-up game ay hindi parin siya bumabalik. Laking tuwa ko pa dahil malapit na ako'ng maging Epic.
Tumayo muna ako saka nilipat 'yung palabas sa Blackpink dahil Smart T.V naman ito at dahil wala rin kami'ng ganito sa bahay namin. T.V lang ang mayroon kami at hindi isang Smart T.V.
![](https://img.wattpad.com/cover/137498671-288-k994686.jpg)
BINABASA MO ANG
Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]
Teen FictionHighest rank: #1 (LIB) WELCOME TO HUGOT ACADEMY! Mayroong isang simpleng babae na nagmula sa ibang bansa ang lumipat sa eskwelahan na nagngangalang Hugot Academy. Ano kaya ang mga naka-abang sa kanya na pagsubok dito? Dito na kaya niya matatagpuan...