Chapter 5: Newbie vs. Leader
Christian's POV:"Hindi! Hindi pwede! Sa atin 'tong puwesto na'to! Reymer ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko habang pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Reymer.
"Pre! Kalma lang, oo alam ko'ng sa atin 'to pero makakabawi ka naman diyan sa susunod! Sa ngayon kumain muna tayo! Gutom na'ko pre." Biro ni Reymer . Kumunot ang noo ko at sinamaan ng tingin si Reymer. Agad naman ako nagpaawat kay Reymer.
"Lagi na lang ba kami mag hahanap? Eh, sawang-sawa na kami kakahanap! Alam mo 'yong feeling na nahanap mo na siya pero inagaw ng iba! Kami ang nauna diyan! At kami─" Huminga ako ng malalim.
"At kami ay matagal na rito sa eskwelahan na 'to! Hindi gaya mo, na newbie lang dito!" Sigaw ko sa babae kahit na nakatalikod siya sa'min at duro ko sa kanya.
Ang tapang naman niya, eh, isa lang naman siyang baguhan 'dito sa academy! Tsk! Baka hindi niya pa ako nakikilala. Ako ang leader ng pinaka sikat na gang dito sa buong campus.
Shane's POV:
Haha nakakatawa siya galit na galit na siya.
Natawa ako sa mga sinabi niya at nilingon ko siya.
"Talaga ba?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. Dahil doon mas lalo siyang na insulto.
"Oo."
"Sawang-sawa na pala kayo kakahanap eh!" Nakangising pagkasabi ko.
"Oo baket?!"
"Try niyo kaya hindi mag hanap?" Humalukipkip ako.
"Paano kung gusto namin mag hanap? May magagawa ka ba? Pag natagpuan naman namin kayong mga babae basta basta na lang mahuhulog sa puso ng iba kaya madali kayong maloko! At MANGIIWAN!" Ngumisi ako sa lahat ng mga sinabi niya.
"Kasi kasalanan niyo rin naman kung bakit namin kayo iniiwan at siyempre kaya namin kayo iniiwan kasi para mapabuti kami at sabi narin ng mga magulang namin. Eh kayo? Kaya kayo hanap ng hanap kasi hindi kayo mapakali na manakit ng babae! Pagsamantalahan sila! At higit sa lahat─" Huminga ako ng malalim.
"Ang lokohin at paasahin sila! Sa una lang mamahalin. Tapos iiwanan ka rin naman pala. Sa una medyo sweet pa, pero pag nag pakasal na kayo o naging kayo na, 'yong naging mag-shota na kayo─aawayin ka na niya, wala na kayong time sa isa't isa tapos mga ilang araw ang lumipas may iba na pala!"
Huminga pa ulit ako ng malalim at pilit na huwag maluha sa mga sinasabi ko.
Teka? Bakit napupunta yata sa ibang bagay ang pinag-uusapan namin? Lamesa lang napunta na sa pag-ibig. Hayst.
"'Yong feeling na busy lang siya kaya hindi ka niya ma-entertain pero 'yon pala masaya na siya sa feeling ng iba. 'Yong taong 'yon pala ay 'yong tunay niyang gusto! Ginamit ka lang niya para makapag move on? Oh para mapalapit doon sa taong gusto niya! Ang mas malala ay 'yong taong gusto niya ay bestfriend mo!" Medyo naluluha na ako sa mga sinasabi ko.
Shane nakaraan na 'yon diba? Magpakatatag ka! Move on na kay ex!
"Ang dami-daming mong sinabi! Ma-drama ka! Kayo paasa! Nang liligaw kami tapos hinahayaan niyo lang! Pinapaasa niyo kaming mga lalaki! Hindi lahat ng lalaki ay nananakit kahit p-paano ay may natitira pa rin na matino!" Nangigigil na siya sa galit.
"Tapos?"
"Mas masakit 'yong iniwan ka ng girlfriend mo dahil sabi ng magulang niya na lumayo sa akin! Hindi ka ipinaglaban! Sa tagal ng pinagsamahan niyo, basta, basta ka lang niya iiwan! At pag nagkita kayo parang hindi kayo magkakilala, kahit sa pagkakaibigan nag simula ang lahat!" Naluluha na rin siya sa mga sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]
Teen FictionHighest rank: #1 (LIB) WELCOME TO HUGOT ACADEMY! Mayroong isang simpleng babae na nagmula sa ibang bansa ang lumipat sa eskwelahan na nagngangalang Hugot Academy. Ano kaya ang mga naka-abang sa kanya na pagsubok dito? Dito na kaya niya matatagpuan...