Chapter 10: Caught

66 3 1
                                    


Chapter 10: Caught


Shane's POV:

Nakatayo ako ngayon sa harapan ni James at ng isang babae. Nandito kami ngayon sa loob ng Training Room. Hindi ko maaninag masyado ang mukha ng babae dahil sa sinag ng araw na nang gagaling sa bintana ngunit pamilyar sa'kin ang mukha.

Sino kaya 'to? Hindi maaari!

Humarap sa'kin si James na gulat na gulat. "Shane, magpapaliwanag ako." Nagmamakaawang sambit ni James.

"Bakit ka pa magpapaliwanag? Wala tayong label! JAMES, KAIBIGAN LANG KITA!" Nangingilid na ang gilid ng mga mata ko at gusto nang lumabas ng mga luha pero pinipigilan ko lang lumabas.

Shh... Shane wala kang karapatan umiyak Shane at mag selos dahil magkaibigan lang kayo diba? At saka bakit niya naman nagawa sa'kin 'yon? Kasama ko siya sa barkada pero bakit gano'n? Kaya Shane 'wag ka'ng iiyak 'wag...

Pagtatahan ko sa sarili ko.

"Pero Shane-" Natigilan siya nang halikan siya ng babaeng kinaiinisan ko.

"Tama na! Magkaibigan lang tayo g-gaya ng sabi ko wala akong karapatan na mag-mag selos." Naluluhang sambit ko.

"Umalis ka na rito." Pananaray ng taksil kong kaibigan.

Bumulusok sa kanya ang isang malakas na sampal ko. Napayuko siya habang naka hawak sa pisngi niya. Padabog akong lumabas ng Training Room.

"Shane! Pakiusap." Pahabol ni James. Napansin kong nakahawak siya sa braso ko kaya agad ko itong hinila.

"Wala na tayo pag-uusapan pa." Nagpapakamahinahon na pagkasabi ko. Tumakbo ako palayo habang tumutulo ang mga luha ko.

Hindi ko sila kailangan! Magsama silang dalawa, wala na akong paki alam.

Tumakbo lang ako ng tumakbo habang umiiyak. Namalayan ko na nasa labas na pala ako ng Hugot Academy hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako kaka-iyak.

Nandito ako sa parke na malapit sa Hugot Academy. Berdeng-berde ang mga damo dito at sariwa ang hangin. May ilang bangko dito at lamesa para sa piknik. Maraming puno din dito na nagsisitaasan. Umupo ako sa isang bangko doon at tinignan ang kalangitan.

Sobrang ganda ng kalangitan parang ang saya-saya. Sana lahat masaya, sana wala nang nasasaktan.

Kulay asul ang kalangitan at ang mga ulap ay puti na ang sarap mag-imahinasyon ng mga bagay-bagay dito. Humiga ako saglit sa bangko na kinauupuan ko.

Ariela's POV:

Nakita kong lumabas si Shane na umiiyak pero hindi ko na siya nasundan pa sa bilis niyang tumakbo. Nakatayo lang ako ngayon sa pintuan ng Training Room.

"Ano ba 'yong pinagsasabi mo?! Hindi tayo mag shota okay? At isa pa ikaw yata ang nag papunta kay Shane dito sa Training Room para makita niya tayong magkasama!" Sunod-sunod na sermon ang narinig ko kay James.

"Bakit?! Gusto mo ba siya?! 'Diba dati ako ang gusto mo?!" Dinig ko na saad ng isang pamilyar na boses ngunit walang sumasagi sa isip ko.

"Oo gusto kita! Pero noon iyon, hindi ngayon! At siya ang gusto ko hindi ikaw!" Sigaw ni James at inayos ang damit niya.

"Pe-pero... James..." Naluluhang sambit ng babae.

"Hep! Walang pero, pero!" Pigil ni James sa Babae habang nakatutok pa ang kamay ni James sa babae. "Tandaan mo'to–"

Natigilan siya nang pumasok ako sa loob ng Training Room. "Huwag mo ipagpilitan ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto kasi sarili mo lang ang pinapahirapan mo. Sa huli ikaw ang talo at nasaktan." Lumapit pa ako para makita ang mukha ng babae.

Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon