Chapter 14: Selos

64 4 0
                                    


Chapter 14: Selos


Reymer's POV:

Habang nag lalakad ako sa pasilyo nakita kong nakapamulsa si Christian na pumasok sa loob ng klasrum at kasunod nito si Shane. Agad ko itong tinawag.

"Shane!" Tawag ko. Hindi naman siya lumingon. Bigla ko siyang hinila sa braso niya. "Shane." Mahinahong sambit ko. Tinignan niya muna ako bago siya mag salita.

"Bakit?" walang gana na tanong niya.

"Bakit kayo mag kasunod ni Christian papunta dito sa klasrum?" tanong ko.

"Ahh... 'Yon ba? Naabutan kasi kami ni Christian na nag-uusap kami ni James. Eh nag tatalo kami ni James kaya ayun inilayo niya lang ako kay James." Paliwanag niya. Tumango tango lang ako saka kami pumasok sa loob ng klasrum.

Umupo na siya sa upuan niya saka nag basa ng libro niya. Tumayo lang ako sa harapan niya at hinintay siya na tumingin sa akin. Nang mapansin niya ako. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Ahh... Shane..." Nahihiyang pagkasabi ko.

"Ano?" mataray na pagkasabi niya.

"Pwede ba kitang yayain magtanghalian mamaya?" nahihiyang pagkasabi ko.

"Hmm... Depende." Walang emosyon na sagot niya habang nakatingin lang siya sa binabasa niya.

"Bakit?"

"Baka kasi pumunta 'yong kasintahan ko mamya." Wala parin emosyon na pagkasabi niya.

"Ano?!" Napalakas na tanong ni Althea.

"Bakit? May problema?" walang ganang na tanong niya.

"Oo mayroon!" Masungit na pagkasabi ni Julia.

"Ano 'yon?"

"Ikaw bata ka! Labing-anim na taon ka pa lang may jowa ka na agad?! Sino 'yan ha?! Pag nagkamali ka sa ginagawa mo nako! Magdusa ka!" Sermon ni Julia.

"Paanong pagkakamali?" takhang tanong ni Shane at tinaasan pa ng kilay si Julia.

"Halimbawa. Pag nakipag break siya o ikaw masasaktan kayo. Tapos 'yong isa sa una holding hands lang pero de-deretso kayo sa kama!" Napamaang naman si Shane saka tumayo at tinapatan si Julia kahit na mas matangkad si Julia kay Shane.

"Julia... Walang mangyayaring masama." Mahinahong tugon ni Shane saka nag lakad palabas dala ang kanyang libro.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Althea.

"Sa banyo bakit sama ka? Saka ayokong makita si Micah." pananaray ni Shane kay Althea.

"Hindi! Saka nag tatanong lang ako." Napanguwi si Althea at nadismaya dahil sa inasal ni Shane.

"Mayroon ba siya ngayon? Ang sungit eh. Psst! Micah anong nangyari ba kasi sa inyo?" Tanong ni Camille kay Micah subalit hindi sumasagot si Micah.

"Bayaan niyo 'yon." Masungit na pagkasabi ni Julia saka nag drawing ulit.

"Ewan. Baka may toyo." Sagot naman ni Althea.

"Ako? Hindi niyo ba tatanungin? Saka ano ba 'yong ibig sabihin niyo?" takhang tanong ko na may angas.

"Bakit ka nakeke-alam? Pang babae lang usapan namin dito saka hindi mo alam 'yong tinutukoy namin kasi wala ka no'n." Maangas na pagkasabi ni Julia.

"Ano nga kasi 'yon ha?! Saka ikaw ba kinakausap ko?"

"Kung hindi ako. Eh 'di sino 'yong kinakausap mo sa amin? Saka wala ka namang binanggit na pangalan ah! Kaya pwede akong mag salita." Katwiran ni Julia.

Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon