Chapter 15: Tiwala

38 5 0
                                    


Chapter 15: Tiwala


Shane's POV:

Nagising ako sa tabi ni Gab. Kinuha ko ang selpon ko at chinat si Althea.

~~~~

To: Althea

"Boi! May klase ba? May takdang aralin ba?"

Message sent.

Ilang oras akong nag hintay bago ako sagutin ni Thea.

From: Althea

"Wala boi! Wala nga 'yong guro eh. May sakit daw saka walang takdang aralin."

~~~~

Sagot niya.

Nag like na lang ako sa sagot niya saka dumeretso sa ibaba. Habang nag lalakad ako pababa sa bahay ni Gab may nakikita akong mga litrato ng pamilya niya at ang larawan nila Marjhorie.

May nakita ako na isang nakasarado na pinto sa may unang palapag katabi ng kwarto na para lamang sa mga panauhin. Nakasulat dito na 'Bawal pumasok sa loob.' Pero dahil makulit ako kaya papasok ako rito. Hinawakan ko ang busol ng pinto at aktong bubuksan ko na ito nang may biglang humila sa'kin. Napapikit na lang ako dahil sa pag hila niya.

"Ano sa tingin mo ginagawa mo?" seryosong tanong niya. Nang mag mulat ako ng mata at nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Ahh..."

"Hmm??" tinaasan niya ako ng kilay at saka hinila ako paakyat. "Huwag na huwag kang pupunta sa kwartong iyon, naiintindihan mo ba?!" Singhal niya. Napapikit na lang ako dahil sa sigaw niya.

Mahal niya ba talaga ako? Bakit ganyan siya?

Naluha na lang ako. "Patawad..." Tinignan niya lang ako saka iniwan.

Sinundan ko siya sa may tarangkahan ng bahay nila at narinig ko ang malambing nilang usapan ni Marjhorie.

"Mamayang gabi, g ba?" aya ni Gab. "Sige. Paalam Marj." Ngumiti siya bago ibinaba ang phone niya. Lumingon siya sa gawi ko kaya agad akong nag tago at nag madaling umakyat sa taas.

"Babe?" tawag niya.

"Nandito ako sa taas babe." Malungkot na pagkasabi ko.

Umakyat siya sa taas saka tumitig sa'kin. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Ihahatid na kita sa eskwelahan mo." Seryosong tugon niya. Bumaba siya agad na agad ko rin namang sinundan pababa at sumakay ulit sa kotse.

Gaya kanina ay nakatulog nanaman ako sa sasakyan habang nasa biyahe.

Bago nakatulog ng tuluyan ay narinig ko ulit na may kausap si Gab sa kabilang linya.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya mula sa kabilang linya. "Sige sige mamaya. Oo... Ihahatid ko na si Shane sa eskwelahan niya ulit. Sige mamaya pagdating ko dyan sunduin kita tapos labas tayo." Malumanay na pagkasabi niya sa kausap niya sa kabilang linya.

Ilang minuto ang nakalipas bago kami dumating sa paaralan ko. Ginising ako ni Gab saka nag paalam sa'kin.

"Paalam na babe." Walang ganang tugon niya saka humalik sa pisngi ko at saka sumakay sa kotse pabalik sa Mindara High.

Pumasok ako sa loob ng eskwelahan ko. Pagpasok ko ay nakasalubong ko ang tropa nila Christian pero hindi ko lang ito pinansin. Habang nag lalakad ako ay muntik na akong madapa dahil may humarang sa paa ko habang nag lalakad ako. Pagtingin ko nakita ko ang paa ni Reymer na naka harang.

"Oops. Hindi ako 'yon." Nakangising pagkasabi ni Reymer.

"Alam kong ikaw 'yon kaya 'wag ka na magkaila." Turo ko kay Reymer.

"Nakita mo ba?" maangas na tanong ni Christian.

"Ewan ko sa'yo." Pananaray ko. Tatalikod na sana ako nang biglang may tumawag sa akin.

"Hoy lampa!" Tawag sa'kin ng isang mayabang na lalaki. Liningon ko naman siya at tinaasan ng kilay habang naka pameywang.

"Kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka na lang saka huwag mo 'kong tawagin na lampa dahil hindi iyon ang pangalan ko." Irap ko sa kanya saka nag lakad palayo.

Ka-bwiset! Tawagan ko na nga lang si Gab.

Kinuha ko ang selpon ko sa bulsa ko saka ipinindot doon ang numero ni Gab para tawagan.

"Gab... Sagutin mo 'to... Gusto ko lang malaman na okay tayo..." Bulong ko sa sarili ko. Tumutunog lang ang selpon niya pero hindi niya sinasagot.

"Arrggghhhhh!! Bakit hindi siya sumasagot?" singhal ko.

"Hindi ba sumasagot 'yong magaling mong jowa? Sabi sa'yo ako na lang mahalin mo." Mayabang na pagkasabi ni James na nakapamulsa pa at tila kanina pa siya doon.

"Baka may ginagawa lang."

"Saan? Abala ba siya sa pag-aaral o abala sa ibang babae?

"Mayabang nanaman na pagkasabi niya habang palapit sa'kin.

"Basta hindi niya gagawin 'yon! May tiwala ako kanya!" Asik ko. Lumapit siya sa akin ng sobrang lapit at napa-atras ako sa pader. Hinarang niya ang pareho niyang braso sa dadaanan ko saka siya lumapit sa tainga ko.

"Shane... May tiwala ka ba talaga sa kanya? Pag ako minahal mo pangako hindi kita iiwan." Saad niya saka siya umalis sa harapan ko at nag lakad palayo.

Naiwan akong nakatulala sa ere. Hindi pa rin maproseso ng isip ko ang mga sinabi niya.

May tiwala nga ba ako sa kanya? Okay lang ba kami ni Gab? Hayss... Pero hindi ko siya mamahalin... Ayoko sa'yo James! Kahit na mahal ko siya dati... Ahh! Basta!

Nag lakad na lang ako papunta sa klarum.

"Saan ka galing?" salubong agad sa'kin ni Julia na may halong mapanghusgang tingin.

"Dyan lang sa tabi-tabi." Tipid na sagot ko.

Umupo na agad ako sa upuan ko saka umob-ob.

Marjhorie's POV:

Pagkatapos ng klase namin ay pumunta kami ni Gab sa pamilihan para mamasyal. Nagsaya kami ni Gab doon hanggang sa abutan kami ng dilim.

"Kamusta si Shane? Mahal mo ba talaga siya?" tanong ko.

"Hmm..."

"Mukhang mahal ka ni Shane, saka noong oras na nakipag break ako sa'yo ay may mahal akong iba pero iniwan naman ako." Malungkot na pagkasabi ko.

"Basta ako hindi kita iiwan, Marj." Bulong niya sa'kin saka hinawakan ang kamay ko.

Tumingin lang ako sa kanya nang biglang tumunog ang selpon niya.

Kinuha ni Gab 'yong selpon niya saka tinignan niya kung sino 'yong tumatawag pero binaba niya agad ito.

"Sino 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Si Shane." Sabi niya.

"Sagutin mo baka mag duda na 'yon sa'yo."

"Hindi muna ngayon." Tinanguan ko na lang siya saka dumeretso sa paglalakad.

Pumunta na kami sa kotse ni Gab.

Shane's POV:

Kanina pa niya hindi sinasagot 'yong mga tawag niya. Bakit kaya? Ano ba kasi pinagkakaabalahan mo Gab? Baka maka istorbo rin ako sa'yo.

**** 

Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon