Chapter 30: Sport Fest
Lukas POV:Nasa harap ako ng salamin ngayon at tinitignan ang sarili ko'ng ka-gwapuhan.
"Ang gwapo mo talaga Lukas! Tch!" Pumorma-porma pa ako sa harap ng salamin saka kumindat.
"Baliw!" Sigaw sa'kin ni Daniel.
"Sa kaniya. Yiieee!!" Kinikilig na ewan na sabi ko.
"Nababakla ka na, pre." Nadidismayang sabi ni Daniel.
"Babae kaya 'yung gusto ko!" Angal ko. Gulat naman siyang tumingin sa'kin.
"Ha?! Sino? Baka past time girlfriend mo lang 'yan?" Naniniguradong tanong ni Daniel sa'kin.
"Nah! Crush lang naman, pre!"
"Eh, sino nga?"
"Si Julia." Bale wala ko'ng sagot.
"Si Julia Soberano?!" Gulat na tanong niya at hindi pa rin makapaniwala.
"OO NGA!" Sigaw ko sa kaniya. Sinuot ko na ang pang-itaas ko.
"Wews. Pero, pre! Matinik 'yon! Hard to get. Saka boyish pa!" Paalala niya.
Who care's? No one care's. Wala ako'ng pake kahit tomboy pa 'yan. Basta hinahangaan ko siya.
"Wala. Ako'ng pake." Malamig na sagot ko sa kaniya.
"Sige. Bahala ka." Tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto at ako naman ay nag-ayos muna ng buhok at jersey.
Pagkatapos ko'ng mag-ayos ay saka ako umalis. Dinala ko na rin 'yung susi ng kuwarto namin.
Pagkapunta ko sa gymnasium ay nandoon silang lahat at kumpulan habang may hinihintay. Nakita namin si Sir Jeff na naglalakad papunta sa gitna.
"Academians! Binigay na sa inyo ng mga Team Advisers at ng Team Captain niyo 'yung mga schedule ng laro niyo. Ngayon ay sisimulan na natin ang ating tagisan ng galing sa paglalaro! Kaya good luck academians!" Sabi nito saka pumalakpak ang mga estudyante.
Umalis na si Sir Jeff kaya lumabas na rin ang lahat ng estudyante dito sa gymnasium at mayroon mga naiwan dahil dito gaganapin 'yung ibang laro.
"Lukas!" Tawag sa'kin ng Team Adviser namin. Lumapit naman ako.
"Dumeretso ka na sa field dahil maglalaro na kayo doon ng football."
Napakamot naman ako sa batok ko.
"Football ma'm?" takang tanong ko.
"Hindi 'yung American Football ang lalaruin niyo, dahil Football version ng Hugot Academy ang lalaruin natin. 'Di ba nakapaglaro kana noon?" tumango naman ako. "Oh siya sige, tara na sa field." Sinundan ko nalang siya.
Althea's POV:
Nandito kami ngayon sa Training Room dahil dito gaganapin 'yung palaro.
"Okay, guys! Makinig kayo." Sabi ng lalaking na nasa harapan namin na may katabaan ng kaunti tapos mushroom style din ang kaniyang gupit at pogi din ito kaso namumula ang kaniyang mukha dahil sa mga tigyawat at medyo mga nasa 20's pa ito. Naka-upo kami sa mga sofa sa loob ng Training Room.
"So, dito gaganapin ang ating bagong sport na Mobile Legends tournament at para sa iba naman ay Tiktok tournament pero ang mga kalahok lang ay galing lang dito sa ating paaralan." Paliwanag pa niya.
"So, heto ang mga patakaran na dapat sundin." May inilabas siya na papel. "Ito ang mga patakaran na dapat sundin. Una, maglaro ng patas. Pangalawa lahat ng magkakagrupo ay magsama-sama at ang naunang grupo ay kakalabanin pa 'yung isang grupo. Pangatlo, classic lang ang gagamitin niyo hindi rank dahil magkakaiba kayo. Pang-apat, pagnanalo 'yung naunang grupo ay sila naman ang magkakalaban. Apat na grupo ang nandito sa silid na'to. Sa unang laban, dalawang grupo ang magkalaban. Halimbawa: Red Vs. Yellow. Kung sino ang manalo sa kanila ay lalabanan pa 'yung isang grupo na nanalo sa laban ng Green at White." Uminom muna siya ng tubig bago magsalita ulit.
BINABASA MO ANG
Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]
Teen FictionHighest rank: #1 (LIB) WELCOME TO HUGOT ACADEMY! Mayroong isang simpleng babae na nagmula sa ibang bansa ang lumipat sa eskwelahan na nagngangalang Hugot Academy. Ano kaya ang mga naka-abang sa kanya na pagsubok dito? Dito na kaya niya matatagpuan...