Chapter 3: Meet, The Gang

157 9 0
                                    


Chapter 3: Meet, the Gang


Shane's POV:

Naghanda na kami para pumasok. Alas-siyete kasi 'yong pasok namin. Pero naiisip ko parin 'yong mga lalaki kahapon na nakita ko kahapon sa field, mas lalo na 'yong isang lalaki kahapon.

Sobrang demanding! Nakakainis! Classmate kaya namin siya? Sana hindi, kung hindi Tsk! Baka nasapak ko na 'yon.

Lumabas na kami ng kwarto, kinandado ni Ariela ang pinto at naglakad na kami sa hallway napansin kong maraming mata ang nakatingin sa amin habang naglalakad dahil doon kaya nakakaramdam ako ng pagka-ilang ngayon.

Ngayon lang ba sila nakakita ng bagong estyudante at ganyan sila kung makatingin Tsk! Baka gusto nila, tusukin ko isa-isa ang mga mata nila. Tss!

"Ariela bakit ganyan sila kung makatingin parang akong matutunaw?" Tanong ko sa kanya.

"Hehe, huwag mo silang pansinin Shane, ganyan talaga 'yong ibang estudyante dito parang unang beses nilang makakita ng bagong estudyante." Nakangising sagot niya.

Agad nabaling ang atensyon ng lahat sa mga lalaking pa-parating na mga naka skateboard at maangas ang dating. Nag sitilian agad ang mga babae.

"Whoo!! Christian! I love you!!"

"Reymer ang gwapo mo!!" Kinindatan naman siya nito.

"HOT-TIE-BOYS! HOT-TIE-BOYS! HOT-TIE-BOYS!"

"LUKAS!!"

"DANIEL!! Can I be your girlfriend?"

Huh? Ano? Hottie boys? Hehe, ang korni naman, saan naman kaya nila nakuha ang pangalan na iyon at ang lalandi naman ng mga babae na'to nakakita lang ng gwapo 'yan agad ang bungad nila at saka sino ba 'yan mga 'yan? Kung maka-asta akala mo kung sino ka-gwa-gwapo eh, hindi naman mas pogi pa 'yong crush ko diyan eh.

At saka parang sila 'yong mga lalaking nakita ko kahapon sa field ah. Tinapik ako ni Ariela at napalingon ako sa kanya.

"Sila nga pala 'yong sinasabi kong gang." Napamaang na lang ako. "Mga tamad, chick boy or play boy kasi mga gwapo pero isa lang naman ang medyo mabait sa kanila." Dugtong niya pa.

"Sino?"

"Si Reymer siya ang pinaka mabait sa kanila."

"Ahh."

Tingin ko 'yong lalaking demanding kahapon na kasama nila ay ang pinaka masama sa kanila. 'Yong Reymer ay naka suot ng plain green na polo at pantalon at may kasamang headphones.

"Si Lukas naman ay pala biro pero sa iba't ibang bagay mayroon sa masamang bagay at sa mabuting bagay." 'Yong Lukas naman ay nakasuot ng plain white na polo at maong na pantalon kagaya kayla Reymer, Daniel and Christian.

"Ano naman 'yong sa masamang bagay?" Tanong ko.

"'Yong sa masamang bagay ay nang bu-bully siya, mas lalo na pag dating sa mga babae pero mas malupit naman si Daniel kasi naturingang play boy siya ng grupo ang hilig niyang mag pa-iyak ng mga babae." 'Yong Daniel naman ay naka suot ng plain black shirt at jacket at napansin kong may hikaw siya sa kanang tainga niya.

"Eh, 'yong pag bibiro ni Lukas sa mabuting bagay?" Tanong ko pa.

"Ahh, eh, kasi medyo pala-kaibigan si Lukas parang si Reymer ang pag bibiro naman niya sa mabuting bagay ay sa mga tropa lang niya, nakikita ko kasing nag tatawanan silang lahat pag siya na ang nag biro." Tumango na lang ako.

"Pero si Christian... Siya ang pinaka seryoso sa lahat at habulin siya pero pinapaasa niya lang lahat ng babae na nang liligaw sa kanya." 'Yong Christian naman ay naka itim lahat ang suot.

Teka? 'Yong babae pa ang nang liligaw sa kanya? Grabe naman! Gano'n na ba ka baliktad ang mundo ngayon para babae na ang mang ligaw sa lalaki? Hayss...

Baliw na mga babae dito buti si Ariela hindi pa nahahawa ng kabaliwan.

"Tsk!" Bulong ko.

"'Wag kang mag-alala Shane may mga matitino pa namang babae na natitira dito, gaya ko." Turo niya sa sarili niya. Parang alam niya ang nasa isip ko ah.

Manghuhula ka ba ha? At alam mo ang nasa isip ko? Oh baka nagkataon lang?

Maya't maya pa ay pumunta na kami sa silid ni Ariela nakita ko'ng napatingin sa'kin ang lahat ng estyudante pero nang maka upo na kami ay bumalik na sila sa kanya-kanyang ginagawa nila.

Mamaya pa ay pumasok na ang principal namin na tingin ko ay siya rin ang unang mag tu-turo ng unang asignatura namin.

"Class, mayroon tayong bagong estudyante at nais kong ipakilala sa inyo si Ms. Cruz. Shane, maaari ka bang magpakilala dito sa harapan?" Agad naman ako'ng pumunta sa harapan at tumayo doon.

"Hi po. Ang pangalan ko ay Shane Cruz, nagmula ako sa Los Angeles, California. Ang aking ina my ay a purong Pilipina samantala ang aking ama ay may lahing kalahating Amerikano.  Sana maging kaibigan ko kayo, 'yon lang po." Taas noong pag kasabi ko at saka bumalik sa upuan ko.

"Salamat Shane, ngayon umpisahan na natin magklase. " May mga naririnig ako'ng bulungan mula sa likod ko.

"Talaga bang nag mula siya sa L.A.?"

"Oo nga, eh, parang hindi naman halata."

"Oy! Teka, pero parang nakita ko na siya sa Youtube eh."

"Talaga? Ano naman ginawa niya baka naman yung subscriber niya isa lang haha."

"Puro musical.ly niya at mga sayaw niya pero kaunti lang subscriber niya hahaha."

"Ilan?"

"Mga thirty-one lang hahaha." Sagot ng isa pang babae.

Baka pag sumikat ako lagot kayo sakin! Para sa'kin marami na yun.

"Shhh! Tama na daldalan. Alam kong kilala na ako rito ng mga lumang estudyante pero nais ko parin ipakilala ang sarili ko para sa bago nating estudyante." Nakatingin siya sa'kin na'ng sabihin niya 'yon. "Ako si  Sir. Jeffrey Marquez pero pwede niyo 'kong tawaging Sir Jeff for short hehe, at ako ang principal ng eskwelahan na ito at ako rin ang guro niyo sa Araling Panlipunan.  Ngayon ang hinahandle ko ay sa office lang at guidance and an at guro rin ako sa P.E sa ibang junior high." Tumango na lang kami'ng lahat.

Sinimulan na namin mag-aral at ang mga pinag-aralan namin ay tungkol sa kontemporaryong isyu sa mundo.

Napansin ko ang orasan at malapit nang mag break time, malapit nang mag nine-thirty. Napansin ko ang pag pasok ng gang at sa tingin ko ay napansin din ito ni Sir kaya siya natigilan sa pagtuturo.

"Mr. Garcia!, Mr. Matienzo!, Mr. Padilla!, at Mr. Bautista! Ang aga-aga huli nanaman kayo sa klase ko! Sana nalang hindi na kayo pumasok pa sa klase ko kung pa-pasok din naman kayo sa klase ko ay malapit nang mag BREAK TIME! Anong klaseng mga estudyante kayo? Class dismiss! Kayong apat sumama kayo sa'kin sa detention room!" Umalis si Sir kasama ang apat.

Grabe sobrang pasaway naman pala sila hehe mabuti na lang at napansin sila ni Sir at napunta sa detention room. Hehe 'yan! Buti nga! Cutting pa ah.

**** 

Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon